Minsan ang nagiging problema nating mga magulang ay ang pagpapakain sa ating mga anak. Kaya nga madalas sinusubuan natin sila. Pero sa kaso ko ang aking anak kahit isang taong gulang pa lamang ay gusto na niyang kumain na mag-isa, naging independent na bata na siya pagdating sa pagkain.
1 year old pa lang ang anak ko pero kumakain nang mag-isa
My Little one is now, 1 year and 4 months, ayaw niya na ‘yong sinusubuan siya ng pagkain gusto niya siya na ‘yong maghahawak. Kaya hinahayaan ko siyang may mangkok sa harap niya at nandoon ‘yong finger foods na pwede niya kainin mag-isa.
Nalalaman ko rin kung ano ‘yong mga pagkain na ayaw niya at gusto niya dahil nagre-respond siya sa ibang bagay na tinatanong ko sa kaniya.
Kagaya ng kung anong gusto niyang flavor ng paborito niyang snack na Yumyum dip food finger snacks, chocolate ba o milk? Tinuturo niya o mahabang hindi maintindihang salita ang binibigkas niya. Halatang chocolate dahil gustong gusto niya nga naman nagdudungis bago matulog.
Pagbabago sa kaniyang pagtulog
Napansin ko ring nagbago na ang clock niya, na dati 2-3hours lang siyang gising bago matulog, o mag-idlip. Ngayon umaabot na ng 4-5 hrs na siyang gising kapag nasobrahan sa libang, minsan umaabot pa ng 6 hrs bago siya makatulog ulit.
Napapansin kong nag-iingay at nagsusungit na siya kapag inaantok na siya, senyales na ‘yon na dapat siyang linisan, timplahan at palitan ng damit para matulog.
Nakakailang lipat rin ako ng puwesto niya sa pagtulog dahil gustong-gusto niya na natutulog sa tapat ng electric fan. Dahil nga ayaw na ayaw niyang napagpapawisan ang kanyang batok.
Nakatagilid o nakadapa rin siyang natutulog, katabi ang kaniyang paboritong kumot. Totoo ngang madaling nakakatulog o mahimbing ang tulog ng isang bata kapag dim o patay ang ilaw at saka malamig ang paligid.
Independent na bata
Iyong iba naman kasi ayaw nakapatay ang ilaw diba? Pero siya kapag pinapatay na ang ilaw alam niya na dapat matutulog na siya. May inaabangan din siyang Moon, alam niya kapag mayroon na nito senyales na rin na dapat matutulog na siya.
Nakukuha niya pa ngang magba-bye dito, kapag gusto niya ng dumede sa bote o magpatulog sa tapat ng electric fan habang sinasayaw sayaw at kinakantahan.
Para sa akin marami na siyang alam kahit 1 year old pa lang siya
Alam niya ang mga gamit niya kaya kapag ginagamit ito ng kaniyang mga tiyahin o tiyohin, nagagalit siya. Ayaw niya na rin nakahiga siya bihisan at punasan ng tuwalya kapag tapos ng pagligo.
Alam niya rin kapag mabaho na siya o malagkit na siya, gusto niya kapag ganito. Lagi ko siyang tinatanong kung maliligo na ba siya, tumatango naman siya.
Kapag sinasabi ko ngang “Dirty!” medyo nabibigkas niya na rin ito dahil madalas ito ang marinig niya sa ‘kin. Mahilig kasi siya magdampot ng mga bagay-bagay sa paligid niya lalo na kapag sinasamahan namin siya ng Dada niya maglakad sa kalsada tuwing magpapa-araw.
Pakiramdam ko sobrang independent na bata niya na
Kailangan laging may baong pamunas, naka-facemask, at alcohol. Noong una nangangamba pa nga ako baka hindi na siya matuto maglakad pero ngayon nangangamba na ko ulit na baka malingat lang ako nasa labas na siya nagtatago.
Dahil nga sa nauna raw ang kaniyang pag-upo, matatagalan bago siya makalakad. Pero ibahin mo talaga kapag ang bata na ang na-enganyong maglakad, matuto at matuto talaga siya.
Matikas na maglakad kung tawagin. Dati na gabay-gabay lang sa upuan. Ngayon tumatakbo at humahabol na. Nakakatakot lang kasi baka matalisod at mangudgod.
BASAHIN:
Nababalisa kapag upset ang anak? Ito ang rason kung bakit ka sumasabay sa emosyon ng bata, ayon sa study
3 na paraan upang mapalaking mabuti at matulungin ang iyong anak
Gaano mo kadalas yakapin ang anak mo? Ito ang masamang epekto sa batang hindi madalas yakapin
Masugatan o magalusan. Dahil talagang humahabol na siya, marunong na nga ring umuwi, alam na alam na ang daanan. Papuntang bahay at papuntang tindahan.
Madalas na rin magturo at mag-ayaw sa labas. Kailangan may dala ka laging barya kung hindi, iiyakan ka niya. Nakakatuwang bata dahil marami na siyang nadi-discover at natutuwa rin siyang may bago siyang nalalamang bago.
Masarap ang maging nanay
Paano pa kaya kapag nakakapagsalita na siya at marami na siyang tanong, baka wala na akong maisagot dahil sa dami niya ng gustong malaman.
Masaya ako bilang isang ina dahil nasasaksihan kong ang paglaki niya at nagagabayan ko siya. Mas nararamdaman ko na isa na talaga akong nanay dahil sa mga lambing at yakap niya.
Nakakataba ng puso dahil kahit paano naman naibibigay namin lahat ng pangangailangan niya kahit na may pandemic. Salamat sa Diyos. Nawa’y lahat tayo ay maging malusog at ligtas. Matatapos din lahat ng problema natin mga ka-mommies. Ingat tayong lahat.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!