Bilang isang ina, normal ang mag-alala at mabalisa tuwing nakakaramdam ng sakit o hirap ang iyong anak. May mga panahon na kapag nakikita nating nahihirapan ang ating anak ay tayo rin mismo ay nakararanas ng stress at pagkabalisa dahil sa sitwasyon. Hindi natin matiis na sila ay nasa ganoon sitwasyon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga pag-aaral tungkol sa magulang na mabilis sumama ang loob
- Epekto ng reaksyon ng magulang
- Mga tips para mapabuti ang paghahandle ng stress sa anak
Nakasanayan man natin ang ganitong pakiramdam, mahalagang malaman kung bakit ito nangyayari at kung ano ang nagiging epekto nito sa ating anak.
Mga pag-aaral tungkol sa epekto ng mabilis sumama ang loob ng magulang
Photo by RODNAE Productions from Pexels
Tulad ng nailathala sa Psychology Today, mayroon iba’t ibang pag-aaral ang naisagawa upang tignan ang epekto ng level ng empathy and stress ng isang ina sa kaniyang anak.
Natuklasan sa isang research na ang ina na may mataas na level ng empathy ay maaaring mahirapang maging epektibong magulang kung sila rin ay may mataas na posibilidad na maging stressed kapag ang kanilang mga anak ay masama ang loob.
Ang empathy ay ang pagkakaroon ng lubos na pag-iintindi at pakikiramay sa damdamin ng iba.
Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng high level of empathy at high level of stress habang masama ang loob ng iyong anak ay nagreresulta sa mas mahirap na kakayahang maging kalmado. Ito rin ay nagbubunga ng mas insensitive na parenting.
Sa kabuuan, kung mabilis sumama ang loob mo, magiging mahirap na tumugon sa mga bata sa isang sensitibong paraan na nakasentro sa well-being ng iyong anak.
Dagdag dito ng isang neuroscience research, ang mga ina na mas nakararanas ng personal distress bilang sagot sa pagka-stress ng anak ay nagpapakita ng mas maraming cortisol o stress hormone. Higit ding naa-activate ang hypothalamus at amygdala na siyang responsable sa “flight o fight” response ng iyong sarili.
Nasabi rin ng research na kung ang magulang ay may malakas na karamdaman ng sakit ng kanilang anak, mas malaki ang posilibidad na sila ay ma-stress habang ang kanilang anak ay stressed din. Gayunpaman, kung isinasaalang-alang lamang nila ang pananaw ng kanilang anak, mas possible na sila ay hindi maii-stress.
Photo by RODNAE Productions from Pexels
Natuklasan din ng isa pang research na kapag ang mga ina ay kayang manatiling kalmado at kontrolin ang stress sa kanilang katawan, mas magagawa nilang tumuon sa mga pangangailangan ng kanilang anak kaysa sa kanilang saril. Ang ganitong paghahandle ng stress ay nagreresulta sa mas sensitive na parenting.
Epekto ng reaksyon ng magulang
Lubos na nakakaapekto kung paano magreact ang isang magulang sa pagkabalisa ng isang anak. Depende sa sitwasyon, may mga magulang na cinocomfort ang kanilang anak.
Mayroon namang ipinapakita agad kung ano ang mali ng bata. Samantala, mayroong mga pagkakatoon na mabilis sumama ang loob ng magulang.
Kahit ano mang reaksyon ang mayroon ka bilang isang magulang, mayroon itong epekto sa development ng iyong anak.
Ang pagiging maalam sa kung paano dapat tumugon kapag nagkamali ang iyong anak o nakaranas ng kabiguan ay mahalagang matutunang ng bawat magulang.
Pwedeng hindi ito kaagad na napapansin pero ang iyong mga reaksyon sa mga nasabing sitwasyon ay maaaring magkaroon ng matagalang epekto sa kung paano pinoproseso ng anak ang kaniyang kabiguan o pagkabalisa.
Maaapektuhan din ng mga reaksyon kung paano nagiging matatag at may tiwala sa sarili ang mga bata at kung paano nila pinangangasiwaan ang mga pagkakamali at kabiguan sa buong buhay nila.
Research sa Standford: Paano nakakaapekto ang mabilis sumama ang loob ng magulang
Photo by Mental Health America (MHA) from Pexels
Natuklasan ng mga researchers sa Stanford University na ang reaksyon ng magulang – positibo man o negatibo – ay maaaring humubog sa mga paniniwala ng bata tungkol sa katalinuhan. Maaari rin itong makakaapekto sa kanilang hinaharap.
Tinanong ng mga researchers ang 73 pares ng magulang-anak ng mga tanong na may kaugnayan sa kabiguan at katalinuhan. Ang mga bata ay mga mag-aaral sa ika-4 at ika-5 baitang.
Habang ang mga natuklasan ay hindi nagpakita ng kaugnayan sa pagitan ng mga paniniwala ng mga magulang tungkol sa katalinuhan at kung ano ang iniisip ng kanilang mga anak tungkol sa katalinuhan.
Mayroong isang link sa pagitan ng mga saloobin ng mga magulang sa katalinuhan at mga paniniwala ng mga bata tungkol sa katalinuhan.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ay may kinalaman sa mensahe na ipinapadala ng mga reaksyon ng mga magulang sa mga bata.
Halimbawa, ang mga magulang na nag-react nang may pagkabalisa at nag-aalala tungkol sa mababang marka sa pagsusulit ay maaaring naghahatid ng mensahe sa kanilang anak na hindi na sila gagaling pa.
Ngunit ang mga magulang na nakatuon sa kung ano ang maaaring matutunan ng anak sa isang mababang grado ay magbibigay ng mensahe sa kanilang anak na maaari pa nilang mapabuti ang kanilang grado sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.
BASAHIN:
6 paraan para pakalmahin ang anak mo kapag may tantrums
Are you at risk of overparenting your child?
4 parenting mistakes kaya lumalaki na irresponsable ang bata
Mga tips para mapabuti ang pagha-handle ng stress sa anak
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Mabilis sumama ang loob ng magulang o hindi, maaari pa ring mapabuti ang pangangalaga at pagtugon sa iyong anak lalo na kung galit, masama ang loob, o stressed ito. Narito ng mga ilang tips na maaaring gawin:
1. Kalmahin ang sarili.
Bago mag-react, kalmahin muna ang sarili at pag-isipan ng mabuti ang gagawing pagtugon. Kung ikaw ay nasa “fight or flight” mode o nasa mataas na level ng stress na, mas mabuting kumalma muna.
Kapag ikaw ay kalmado na, mas mabuti mong matutugunan ang iyong anak. Tandaan, hindi makabubuti ang pagsasama ng isang balisang magulang at isang balisang anak.
Tulungan ang iyong anak sa pamamagitan ng pagtulong muna sa sarili.
2. Makipag-usap sa iyong anak ng mahinahon at mabuti.
Kapag ikaw ay kalmado, maayos mong makakausap ang iyong anak. Magkakaroon din ito ng impression na maaari ka niyang lapitan, anuman ang sitwasyon, nang hindi natatakot o nag-aalangan.
Mararamdaman din ng iyong anak na kahit ikaw man ay magalit, ikaw pa rin ang kanilang source of stability. Sa wakas, matututunan ng iyong anak na katulad mo, mayroon mang mga stressful situations ay mas mabuti pa ring kumalma muna bago harapin at tugunan ito.
Tandaan ang pakikipag-usap na ito ay hindi lamang para pangaralan ang iyong anak ngunit para rin pakinggan ang kanilang nararamdaman. Hayaan mong mag-open up ang iyong anak at ilabas kung ano man ang nasa isip nito. Makinig at tumugon mula rito.
Minsan kailangan lang ding maramdaman ng anak na mayroong nais making sa kanila.
3. Panatilihing isang safe space ang inyong tahanan.
Magkaroon ng weekly family nights kung saan makakapagbonding at mas lalo niyong makikilala ang inyong mga anak. Kasama na rito ang pakilala sa kanilang mga moods, triggers, at mga signs kung sila ay nakakaramdam ng stress.
Ang pagkakaroon ng mas matatag na family relationship ay makakatulong sa kung paano kayo makikitungo sa isa’t isa. Lalo na sa mga panahon ng pagkabalisa.
4. Hayaan ang anak na mag-express ng kaniyang nararamdaman.
May mga panahon na magiging frustrated ang anak. Magagalit ito o iiyak. Makakaramdam ng iba’t ibang emosyon ng pagkalungkot, pag-alala, at iba pa.
Bigyan ang anak ng espasyo kung saan maaari itong maging bukas at magpakita ng kaniyang nararamdaman. Malaking bagay ang maramdaman ng isang anak ang suporta at pagiintindi ng kaniyang magulang.
5. Maging role model sa iyong anak.
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Kung paano mo nais tumugon ang iyong anak sa mga sitwasyon ng pagkabalisa ay gayun ding dapat ipinapakita sa iyong mga anak. Tulad ng una ng nasabi, ayusin at pakalmahin muna ang sarili sa mga sitwasyon na mabilis sumama ang loob.
Ang iyong posture, facial expression, at tono at paraan ng pananalita ay magiging basehan ng iyong anak sa kung paano ka tumugon. Maaari rin nila itong makopya dahil ito ang lagi nilang nakikita.
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga panahon kung saan magkakaroon ng pagkabalisa ang anak. Ang pinakamahalagang maaaring gawin ng magulang ay ang pagtugon sa anak sa paraan na pinaka-kailangan nito.
Source:
Psychology Today, Very Well Family, Better Relationships, Parent Map
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!