REAL STORIES: "Sobrang sakit ng induced labor — gusto kong umiyak!"

""Pero lahat ng 'yan, worth it in the end 'pag nakalabas na si baby mo!"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binahagi ng isang mommy sa theAsianparent community ang kaniyang experience sa panganganak. Ayon sa kaniya, sobrang sakit ng kaniyang naranasan na induced labor.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Induced labor ng isang mommy
  • Reaction of other parents
  • Why induced labor is more painful?

Induced labor ng isang mommy

Isa sa pinaka-rewarding pero pinaka-painful din na pagdadaanan ng isang babae ay ang labor. Matapos ang siyam na buwang pagbubuntis ay katakot-takot na sakit ang haharapin ng isang mommy sa oras na siya ay manganganak na.

Eto ang naranasan ng isang mommy na nagbahagi ng kaniyang experience sa theAsianparent community app. Ayon kay Mommy Rosemarie, na-realize niya na hindi biro ang manganak.

Isa sa challenges na hinarap niya ayo noong hirap siyang na ilabas ang kaniyang baby. Gusto na niyang makita ang kaniyang anak pero hindi pa pwede.

“Tama nga sabi nila. Hindi biro manganak. Tipong gusto mo na talaga ilabas si baby pero hindi pa pwede kasi nasa 1-4 cm ka pa.”

Kaya naman para maging handa na sa pag-labor ay nag-squat at naglakad-lakad si mommy para tumaas ang dilation. Matinding sakit din ang kaniyang dinaranas tuwing makakaranas ng contractions.

“Kapag nag-contraction ka pa, hindi mo mai-explain ‘yong sakit. Tipong gusto mo nang sabunutan partner mo kasi sobrang sakit.”

Ayon pa kay mommy, induced labor rin pala ang kaniyang pinagdaanan. Dagdag ito sa sakit na kaniyang nararanasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman kahit gusto na niyang umiyak ay hindi niya magawa dahil napagsasabihan daw siya.

“‘Yong induce labor more pain talaga kaysa normal lang na labor kasi [continuous] ‘yong sakit niya. ‘Yong tipong gusto mo nang umiyak pero bawal kasi papagalitan ka.”

Sa kabila ng kaniyang pain na pinagdaanan, sinabi naman ni mommy na worth it lahat ng ito nang makita na niya ang kaniyang baby.

“Pero lahat ng ‘yan, worth it in the end ‘pag nakalabas na si baby mo! ‘Pag nakaraos ka na, ‘yong tipong parang wala na lang ‘yong sakit kasi nandiyan na ‘yong baby mo.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Payo niya sa iba pang mommies, normal na ang pain sa panganganak. Pero sulit ang lahat ng sakit kapag nasulyapan na for the first time si baby.

Reaction of other parents

Samantala, marami rin ang naka-relate sa pinagdaanan na sakit ng mommy sa theAsianparent community.

Ayon sa iba pang mommies, sobrang sakit kapag hindi pa fully dilated tapos ay nag-labor na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nako danas ko yan sa panganay ko. 12 hours labor. Nakakadalang manganak pero guest what buntis ulit ako hahaha 30 weeks pregnant. Totoo masakit talaga Pero ‘yong ,akita mo na anak mo at lumaki siyang maayos, worth it lahat ng sakit.”

“Induced din ako lagpas due date na kasi. Tapos una pumutok ‘yong tubig kulay green na. Nag-poop na si baby 3 AM ‘yon. Pero na-induce ako 8 AM na. Sa cervix ko in-inject ‘yong gamot hindi thru IV. ‘Pag inject pa lang ayun humihilab na agad. Ang sakit na.”

Samantala, may mga mommies naman na tolerable o hindi nakaranas ng pain noong sila ay manganak. Heto ang ilang sa kanilang mga pregnancy story:

“Ako naman no pain at all .Thanks God. 4 days labor kasi no pain. ‘di na umabot sa 10 cm kasi 7 cm pa lang pagtayo ko after ma-IE parang mahuhulog na si baby.”

“Not in my case, baby out 2 weeks before due date. Masakit but tolerable… Sa isip ko, paano ba umire kailangan ba yung nasisigaw. Umire ata ako not more than 5 times, baby out.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

One mom shares her story about induced labor April 2021

Masakit na ulo habang buntis? 6 home remedies sa masakit na ulo kapag buntis

REAL STORIES: “Pinagalitan ako ng doktor dahil gumala ako sa mall kahit labor ko na pala!”

Why induced labor is more painful?

Ang induced labor ay isang proseso kung saan nagiging ‘artificial’ ang pagsisimula ng labor. Ilan sa mga puwedeng gawin ay ang pagbukas ng cervix ng isang mommy gamit ang medical apparatus. O hindi kaya ay gumamit ng mga gamot para masimulan ang contractions.

Ngunit bakit nga ba mas masakit ang induced labor kaysa sa normal labor? Ito ay dahil sa paraan kung papaano nararanasan ng isang buntis ang contractions.

Sa normal labor, gradual o dahan-dahan ang pagkaramdam ng contractions. Ngunit sa induced labor, mas napapabilis ito at posibleng mas malakas ang mararamdamang contractions.

Ngunit kailan nga ba ginagawa ang induced labor? Heto ang mga instances kung saan idinadaan sa induced labor ang isang pregnant woman:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kapag overdue na ang pagbubuntis. Kadalasan ay lampas na sa 41 weeks ngunit wala pa ring labor.
  • Dahil sa ilang health condition tulad ng high blood o diabetes.
  • Pumutok na ang panubigan pero wala pa ring nararamdamang contraction.
  • Kapag kambal o higit pa sa isa ang nasa sinapupunan ng isang buntis.
  • May concern sa placenta ng pregnant mommy.

Hindi nagiging successful ang induced labor sa lahat ng buntis. Minsan ay nauuwi sa Caesarean section delivery. Konsultahin ang inyong mga doktor tungkol dito.