-
Inihaw na tilapia recipe
-
Mga sangkap na gagamitin
-
Paraan ng pagluto
Ang Pilipinas ay napalilibutan ng iba’t ibang klase ng mga anyong tubig. May karagatan, lawa, sapa, batis, talon, ilog, at iba pa. Dahil dito, sagana tayo sa mga pagkaing nagmumula sa mga naturang anyong tubig. May iba’t ibang species ng isda, mga uri ng crabs (alimago, talangka, alimasag, atpb.), mga hipon (sugpo, suahe, alamang, hipong puti), mga shell (clam, oyster, tahong, atbp.), lobster, curacha, at mga halamang dagat.
Isa sa pinakapaboritong isda nating mga Pilipino na nakukuha sa mga tubig tabang o pinapalaki sa mga palaisdaan ay ang Tilapia. Piniprito, ginagataan, sinasahugan ng mga gulay, pinapausukan o steam, ginagawang sweet and sour, ilan lamang sa mga putaheng maaring lutuin sa Tilapia. Pero pinakapopular na pagluluto rito ay ang Inihaw na Tilapya.
Ang Inihaw na Tilapia ay pangkaraniwan nang makikita sa hapag kainan tuwing may okasyon, pyestahan, salu salo ng pamilya, o simpleng hapunan ng pamilya. Sinasamahan ito ng masarap na sawsawan, ensalada o ginisang gulay.
Mabibili ang sariwang tilapia sa mga palengke at supermarket. Kadalasan buhay pa ito kapag binenbenta para mapanatiling sariwa.
Ang Tilapia ay isang uri ng isda na kulay itim ang balat, at hindi nagpapahuli kung lasa lang ang pag-uusapan. Sinasabing ang Tilapia ay hindi lamang sa Pilipinas matatagpuan kundi maging sa iba’t ibang parte ng Southeast Asia. Pinaparami ang Tilapia sa pamamagitan ng cultivation sa mga palaisdaan. Tumatagal ng 34 na linggo bago maharvest ang mga ito.
Dito sa Pilipinas, sa Batangas ang isa sa mga lugar may pinakamataas na supply ng tilapya.
Isa sa pinakamadali at pinakamasarap na pagluluto ng tilapia ay ang pag-iihaw nito. Ginagamitang ang Inihaw na Tilapia ng mga sangkap na nagbibigay ng lasa at linamnam dito.
Narito ang isang paraan sa pagluluto ng Inihaw na Tilapya.
Mga sangkap sa marinade ng Inihaw na Tilapia:
- 1 kilong Tilapya
- ½ tasang toyo
- 12 piraso ng kalamansi o 4 pirasong dayap (maari ring gumamit ng 1 buong lemon)
- 1 malaking sibuyas
- 1 katamtamang laki ng luya
- 6 na pirasong kamatis
- ½ kutsaritang paminta
- 1 kutsarang patis
- Foil o dahon ng saging
- Butter
BASAHIN:
Inihaw na liempo recipe: Ang sikreto sa masarap na marinade nito
Inihaw na bangus: Pinasarap na version ng classic inihaw recipe
Chicken Inasal o Inasal na Manok: Sikreto sa malinamnam at malasang marinade
Paraan ng pagluluto ng Inihaw na Tilapia:
- Hugasan at kaliskisan ang tilapia. Hiwain ng katulad ng daing (butterfly cut). Alisin ang lamang loob. Hugasang muli hanggang maalis ang natitirang dugo. Salain at itabi.
- Sa isang malinis na sangkalan, tadtarin ang sibuyas, luya at kamatis.
- Hiwain at pigain ang kalamansi (dayap o lemon).
- Sa isang malaking bowl, ilagay ang mga nahiwang sangkap (sibuyas, luya, kamatis), isunod na ilagay ang katas ng pinigang kalamansi. Ilagay na rin ang toyo, paminta at patis. Haluin.
- Kumuha ng isang tilapia. Ilagay sa plato. Ipalaman ang mixture sa loob ng isda. Ulitin sa lahat ng tilapia hanggang mapalamanan na na lahat.
- Sa natirang mixture, ilagay ang mga napalamanang tilapya. Ito ang magsisilbing marinade uoang mas lalong sumarap ang Inihaw na Tilapia. Takpan at imarinate sa loob ng 2-4 na oras. Mas maigi kung magdamag o overnight para mas kumapit ang lasa.
- Ilatag ang foil o dahon ng saging, pahiran ng butter at ibalot ng paisa isa ang mga nababad ng tilapia. Ang butter ay nilalagay upang hindi dumikit ang isda kapag iniihaw. Kapag nabalutan na lahat, itabi.
- Magparingas ng uling sa ihawan, maari ring gumamit ng electric grill, o stove top griller. Maari ring gumawa ng improvised na ihawan.
- Kapag stable na ang baga ng ihawan, maari ng isalang ang mga tilapia. Baligtarin kada 10 minuto upang masiguro na pantay ang pagkakaluto. Ang pag-iihaw ay tumatagal depende sa laki ng isda at lakas ng baga. Ang regular size na tilapia ay naluluto sa loon ng 30-40 minuto.
- I-rest muna ng 10 minuto bago tanggalin ang fold o dahon ng saging upang manatiling juicy ang Inihaw na Tilapia.
- Gumawa ng sawsawan bago ihain. Ang isa sa ponakasimpleng sawsawan ay ang pinaghalong toyo, kalamansi at sili.
Mga side dish na pwede sa Inihaw na Tilapia:
- Inihaw o pritong talong
- Nilagang talbos ng kamote o okra
- Ensaladang pipino at kamatis
- Itlog na maalat at kamatis
- Binagooongang baboy
- Manggang hilaw
Main photo by Eiliv-Sonas Aceron on Unsplash