20 years naghintay para magka-anak, iniwan ng asawa dahil masyado nang "matanda"

Misis nanindigan na itataguyod ng mag-isa ang anak sa kabila ng kaniyang edad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Misis na bagong panganak sa edad na 60, iniwan ng asawa dahil matanda na. Ito ay matapos ang 20 years niyang paghihintay na magkaanak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento ng misis na 20 years na naghintay para magkaanak.
  • Misis matapos magkaanak sa edad na 60 iniwan ng asawa dahil matanda na.
  • Mga risk ng pagbubuntis ng may edad na.

Misis nagkaanak after 20 years na paghihintay

Dalawampung taon ang hinintay ni Atifa Ljajic mula sa bansang Serbia para magkaroon ng sarili niyang anak. Siya ay sumailalim sa limang fertility treatments para maisakatuparan lang ito.

Sa paglalapit ng kaniyang 60th na kaarawan, nakatanggap ng magandang balita si Atifa sa kaniyang doktor. Siya ay nagdalang-tao na sa kabila ng kaniyang edad.

Pero dahil siya ay matanda na, ang pagbubuntis ni Atifa ay naging sensitibo. Siya ay nakaranas ng maraming komplikasyon dala ng kaniyang edad. Pati na dahil sa mga health conditions na kaniya ng nararanasan tulad ng high blood pressure.

Sa kabila ng mga ito ay matagumpay at ligtas na naisilang ni Atifa ang kaniyang baby. Ito ay isang sanggol na babaeng pinangalanan niyang Alina. Si Atifa na-ospital ng tatlong buwan bago niya na tuluyang maisilang ang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo credit: The Sun

Misis iniwan ng asawa dahil matanda na

Para kay Atifa ay isang regalo at pangarap na natupad ang pagdating ng anak niyang si Alina. Pero para sa kaniyang asawa na si Serif Nokic, 68-anyos, ang kaniyang nararamdaman sa pagdating ni Alina ay kaiba.

Sapagkat matapos maipanganak ang anak ay iniwan niya ang asawang si Atifa. Ito ay ginawa ni Serif sa mismong araw na maipanganak si baby Alina.

Paliwanag ni Serif sa isang panayam, hindi niya na kayang pakinggan ang maya-mayang pag-iyak ng baby na si Alina. Ito ay hindi narin makakabuti sa kalusugan niya.

Dahil si Serif ay may sakit na diabetes at mahina na ang puso niya. At ang pag-iyak ni Alina sa gabi ay nagiging dahilan para hindi siya makatulog ng maayos at mapuyat siya na lubhang masama para sa kalusugan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa ni Serif, alam ni Atifa na tutol siya na mabuntis pa ito. Pero sinuportahan niya parin ang asawa dahil sa ito nga ay pangarap niya.

Ngunit ng marinig ang mga iyak ni Alina ay nagbago ang isip niya at buo ang desisyon niyang iwan na ang asawa. Sigurado naman daw siya na magiging masaya ito dahil natupad na sa wakas ang pangarap niyang magkaanak.

“She already got what she wanted. She’ll be happy.”

Ito ang nasabi pa ni Serif.

Ina nanindigang aalagaan ang anak kahit wala na siyang asawa at sa kabila ng kaniyang edad

Si Serif bumalik na sa Turkey. Hindi rin siya pumayag na gamitin ni Alina ang apelyido niya. Ito ay dahil para mabuo si Alina ay kinailangan ng sperm donor mula sa isang taong hindi na nila nakilala. Si Serif ay may mga anak at apo na rin sa kaniyang unang asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, kahit iniwan ng kaniyang asawa ay matapang na sinabi ni Atifa na palalakihin niya ng mag-isa ang kaniyang anak. Kahit hirap na sa pag-aalaga dito ay sinisikap niya paring mabigyan ito ng pag-aaruga ng isang ina. Dahil ito umano ay isang pangarap na napakatagal niyang hinintay na ngayon ay natupad na.

“I knew it would be a big risk at my age, but my only wish in my life was that I have a child, and it happened to me. I was not afraid of my life at all, God gave me courage. And I have never felt better.”

Ito pa umano ang mga nasabi ni Atifa.

Photo credit: The Sun

BASAHIN:

Delayed ang period? Kailangan na bang mag-pregnancy test?

11 tungkulin natin sa ating magulang kapag sila ay matanda na

STUDY: Mas matanda ang magulang, mas mabait ang anak

Epekto ng edad ng babae sa pagbubuntis

Baby photo created by prostooleh – www.freepik.com 

Ang mga babaeng may edad na ay maari pang magsilang ng malusog na sanggol. Bagamat ang pagbubuntis at panganganak sa kanilang edad ay lubhang napaka-delikado na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa Mayo Clinic, ang pagbubuntis ng mga babaeng 35-anyos o higit pa ay maraming maaring maging kaakibat na komplikasyon. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Hirap na magbuntis dahil sa quantity at quality ng kaniyang eggs.
  • Mataas ang tiyansa ng multiple pregnancy dahil sa hormonal changes na dulot ng matandang edad.
  • May posibilidad at mas mataas ang tiyansang magkaroon ng gestational diabetes ang babaeng may edad na ng magdalang-tao. Kung ito ay hindi malulunasan, maaring masyadong lumaki ang sanggol na magdulot naman ng injuries o hirap sa panganganak ng buntis.
  • Maliban sa diabetes ay mataas rin ang tiyansang makaranas ng high blood pressure ang babaeng may edad na ng magbuntis. Ito ay maaring mauwi sa preeclampsia na napaka-delikado sa pagdadalang-tao. Maaring magdulot ito ng miscarriage o premature delivery sa baby.
  • Dahil sa mga komplikasyon na nararanasan ay good candidate rin sa C-section delivery ang mga babaeng magbubuntis ng may edad na.
  • Mataas rin ang tiyansa na Megarians ng chromosome abnormalities tulad ng Down Syndrome ang sanggol na ipinabuntis ng babaeng may edad na.

Kaya naman payo ng mga eksperto, mas mabuting magbuntis habang bata pa. Higit sa lahat, bago at sa oras na magdalang-tao ay mabuting laging magpa-konsulta sa doktor. Ito ay para masubaybayan ang kalusugan mo.

 

Source:

The Daily Mail, The Sun, Mayo Clinic

Photo:

The Sun

Translated with permission from theAsianparent Malaysia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement