Internet cafe as digital classroom isinusulong ng DICT. Ito ay para masimulan na ang pagbabalik ng klase ng mga estudyante ngayong Agosto 2020.
Internet cafe as digital classroom
Upang masimulan na ang “new normal” na dapat makasanayan nating mga Pilipino sa gitna ng COVID-19 pandemic, isinusulong ng DICT o Department of Information and Communications Technology na i-convert ang mga internet cafes sa bansa. Ang mga ito ay gagawing digital classrooms at digital workplaces na hindi lang umano makakatulong sa mga kabataang estudyante. Kung hindi pati narin sa manggawang Pinoy na nag-wowork from home ngayon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“We are repurposing thousands of internet cafes. They can be reconfigured to become digital classrooms and digital workplaces.”
Ito ang pahayag ni DICT Undersecretary Eliseo Rio sa isang virtual hearing na isinagawa nitong Lunes.
Alinsunod ito sa nilalayon ng DepEd na masimulan na ang school year 2020 ngayon darating na Agosto habang sinisiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa kumakalat na sakit. Ito rin ang nakikitang paraan ng gobyerno upang ma-solusyonan ang agam-agam ng mga magulang na hindi umano posible ang online learning set-up para sa kanilang anak. Dahil sa pangunahing dahilan na wala silang internet connection sa bahay na kakailanganin upang maisakatuparan ito.
Solusyon para maisakatuparan ang internet-based learning approach
Pero kung iisahin-isahin ang paglalagay sa bawat bahay ng internet connection ay magiging matagal ito. Kaya naman naisipan ng DICT na gawin ang paglalagay ng internet connection per community sa pamamagitan ng mga internet cafes.
“Kokonektahan na muna natin itong mga community para pwede na lakarin ng mga nearby sa community na iyan para makapag-aral at trabaho sila dito sa repurposed internet cafes.”
Ito ang pahayag pa ni Rio. Ayon pa sa kaniya tinatarget ng kanilang ahensya na magkaroon ng 3,600 digital classrooms at workplaces sa buong bansa. Para maisakatuparan ito ay nakikipag-usap narin sila sa mga local internet service providers sa Pilipinas. Ito ay upang pabilisin ang internet connectivity sa mga gagawing digital classrooms at workplaces bansa.
Ayon pa kay Rio, sa ganitong paraan ay mas makakatipid umano ang isang estudyante o manggagawa. Dahil sa hindi na nila kailangan pang mamasahe papasok sa kanilang eskwelahan o opisina.
“If a student or a worker will have to spend for his transportation to go to school or go to work, kalahati lang siguro nung kanyang daily transportation cost, nung kanyang kakainin sa opisina, kalahati lang noon or even less ay pwede na lang pambayad sa nag-administer nitong digital classroom.”
Ito ang dagdag niya pang pahayag.
TV-based learning para sa school year 2020
Samantala, maliban sa internet-based learning pinag-aaralan rin ng DepEd ang TV-based learning approach na isinusulong ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar. Ito ay sa pamamagitan ng state-owned Intercontinental Broadcasting Corporation o IBC channel sa Pilipinas.
Ayon kay Manila Teachers Party-List Rep. Virgilio Lacson, magandang paraan ito para maiabot parin ang edukasyon sa mga mag-aaral na nakatira sa mga lugar na walang internet connection.
“TV programming would be the ideal mode of learning with the situation, considering that online or Internet-based learning–while we already have it–hasn’t been rolled out in all areas.”
Ito ang pahayag ni Lacson.
Ngunit upang matagumpay na maisagawa ito ay kinakailangan ng P100 million transmitter upgrade sa bansa.
Patuloy parin ang face-to-face learning
Sa kabila nito ay nilinaw ng DepEd na magpapatuloy parin ang face-to-face learning sa ilang bahagi ng bansa. Partikular na sa mga walang naitalang kaso ng COVID-19. Bagamat mas ipriprioritize lang ang online platforms of learning, instruction, at evaluation.
Upang masiguro nga ang kalidad ng edukasyon sa ganitong set-up ay magsasagawa rin ng training para sa guro at estudyante tungkol sa paggamit ng digital system. Ito ay magiging posible sa pangunguna ng DICT at sa pakikipagtulungan ng DepEd, CHED at TESDA.
“What we assure our learners, parents, teachers and the general public is that any decision we will make for the continuation of learning will have their health, safety and well-being as a primary consideration.”
“We are accelerating the preparation of our Learning Continuity Plan. We are preparing benefits for our teaching and non-teaching staff, ensuring the readiness and cleanliness of our school infrastructure and developing alternative delivery modes of learning.”
Ito ang pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones ukol sa alternatibong paraan ng pagbabalik klase sa bansa ngayong school year 2020.
Ayon parin kay Sec. Briones, ganap na magsisimula ang klase para sa school year 2020 sa Agosto 24. Ito ay magtatapos sa April 30, 2020 na binubuo ng 203 class days.
Magsisimula naman ang school enrollment mula June 1 to June 30.
Narito ang kopya ng DepEd calendar for school year 2020 to 2021:
Source:
CNN, Manila Bulletin, Philippine Daily Inquirer
Basahin:
LOOK: Official DepEd academic school calendar ngayong S.Y 2020-2021
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!