Internet sa mga kids dapat ba ipagbawal? 3 ways para masigurong ligtas ang inyong mga anak sa online world

Heto ang tatlong paraan para masigurong ligtas ang inyong mga anak sa paggamit ng internet.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming moms and dads ang namomroblema sa pagkahumaling ng kanilang mga kids sa internet dahil sa posibleng hindi pagiging safe ng social media at mga online game. Oras na nga ba para ipagbawal na ang paggamit nila ng internet? Alamin ang komentaryo diyan ng mga eksperto.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang internet?
  • Internet sa mga kids dapat ba ipagbawal?
  • 3 ways para masigurong safe ang inyong mga kids sa online world

Ano ang internet?

Ano ang internet? | Larawa kuha mula sa Pexels

Ang internet ay tumutukoy sa network na nagkokonekta sa mga computers at technologies sa buong mundo. Dahil sa internet, nagagawa nating magbahagi ng impormasyon at napapalawak ang komunikasyon. Sa modern world, halos lahat na ng tao gumagamit nito, matanda ka man o bata.

Nagkaroon na ng malaking papel ang internet sa pagtanda. Kaya nga, hirap ang mga traditional parent sa kung papaano makakapag-adjust sa mga changes at information na maaaring makita ng kanilang mga anak gamit ito.

Internet sa mga kids dapat ba ipagbawal?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabataan, dumarami ang nahihilig sa paggamit nito. Ang yugto na kung saan nasa middle school na sila ay ang panahon na pinaka-curious ang mga bata sa mga uso at bagay-bagay.

Ayon sa researcher na si Carl E. Pickhardt Ph. D.

“Internet is where much discovery occurs.”

Kumbaga, ang mga katanungan nila ay madali na lang sinasagot dahil sa napakaraming information ng internet. Dito dapat pumapasok ang paggabay ng mga magulang.

Maraming parents ang nababahala sa kanilang mga kids sa mga ‘exposure’ na maaaring makuha through internet, dahilan para hindi ito maging safe. Naririyan ang mga websites na may mga pornography, conspiracy, pagsusugal,  at marami pang ibang ilegal na gawain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil nga nababago-bago ang panahon, dapat ay marunong din sumabay ang parents sa pag-usap nito. Kailangang maging handa ang mga magulang na malaki ang tsansang ma-expose ang kanilang mga kids sa iba’t ibang impormasyon, kaya mahalagang masigurong safe sila sa internet.

Malaki ang magiging parte ng internet sa pagpi-feed ng curiosity ng kabataan, kaya kinakailangang maging mapagbantay kung ano-ano ang mga bagay na nakukuha niya dito upang hindi maling facts ang kanyang malaman.

Mahalagang ituring ng mga magulang na ang kanilang pag-search online ng kanilang mga anak ay isang oportunidad para sa pagbubukas ng discussion hinggil sa usaping kailangan nilang malaman.

Hindi dapat ito maging dahilan upang sermunan sila kung bakit nila hinahanap ang ganitong mga bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

4 signs na strong ang connection niyo ng iyong anak

3 parenting mistakes kaya nai-invalidate natin ang feelings ng ating mga anak

Matatakuting bata ang anak? Subukan ang 5 tips na ito para sa kanya

3 ways para masigurong ligtas ang inyong mga anak sa online world

3 ways para masigurong ligtas ang inyong mga anak sa online world | Larawan kuha mula sa Pexels

Hindi maiiwasang gagamit at gagamit talaga ang mga bata ng internet, lalo sa paaralan na kailangan na halos araw-araw ito. Para sa mga parent na nababahala sa kaligtasan ng kanilang anak sa online word, ito ang ilang ways na maaari ninyong gawin:

1. “Calming before communication”

Nakagugulat nga naman para sa isang magulang kung makikitang ang kanilang anak ay nagsisi-search ng mga pinagbabawal na bagay. Kadalasang unang nagiging response ng parents ay ma-disappoint at mag-express ng pagkagalit, which is  hindi nagiging way para sa helpful communication.

Kung nakaramdam ng labis na emosyon nang makita sa anak na nagsi-search nito, kinakailangang pakalmahin muna ang sarili. Dapat ay kalmado muna bago subukang tanungin ang anak tungkol dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaaring huminga at humanap ng kaibigan na mapagsasabihan hinggil sa nangyari. Kung nararamdaman mong handa ka nang makinig, matuto, at makipag-usap sa iyong anak, dito mo lang siya kokomprontahin sa gustong mapag-usapan.

Iniiwasan nitong i-shutdown ang kung ano mang feelings at nais ibahagi ng anak.

2. Share your day in two ways

Ang madalas na pagbabahagi ng mga nangyari sa isang araw ay tungkol sa offline na kaganapan. Kasama rito ang pagkukuwento tulad sa inyong mga pinuntahan o bagong experience. Dahil nga malaki na ang parte ng internet, dapat ay two ways na ang pagse-share ng everyday experience sa anak.

Hayaang magbahagi kayong parehas kung ano-ano ang nakita o nabasa ninyo online. Sa ganitong paraan madaling namo-monitor ng magulang ang daily activities ng bata sa internet.

Halimbawa ay nagkuwento ang anak patungkol sa nakitang hindi kaaya-ayang video sa internet. Maaaring maging bukas sa diskusyon na at ipaliwanag nang mahinahon ang tungkol dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. No criticisms

Kritisismo ang unang iniiwasan ng bata na makuha sa magulang. Kung nauuna itong mangyari sa tuwing mayroon siyang tatanungin o hihingin ng tulong malaki ang tsansang hindi na siya magiging bukas sa komunikasyon. Iwasang maghusga kaagad bakit humantong siya sa pagiging curious sa isang bagay.

Hayaang sabihin muna niya ang mga dahilan kung bakit nais niya ito malaman at kung paano nagsimulang mabasa o makita ang ganitong usapin. Dito maaari mong malaman kung saan siya nai-expose sa bagay-bagay.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva