Isabelle Daza ipinakita na ang mukha ng kaniyang baby girl: “Our precious little girl, Esmeralda.?”

Baby girl ni Isabelle may second name pa! Alamin dito kung ano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isabelle Daza ipinakilala na sa publiko ang 7-months daughter niyang si Esmeralda.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Isabelle Daza daughter Esmeralda.
  • Reaksyon ng mga netizens.

Isabelle Daza daughter Esmeralda

Larawan mula sa Instagram account ni Isabelle Daza

Marso nitong taon ng ibahagi ni Isabelle Daza na siya ay nagsilang ng isang baby girl. Bagamat nagbahagi si Isabelle ng ilang detalye ng kaniyang panganganak gaya ng siya ay na-cesarean sa Hongkong, ay hindi niya naman ibinahagi kung anong pangalan ang ibinigay niya sa kaniyang first daughter. Kahit na larawan ng mukha nito ay hindi rin ginawang available ni Isabelle sa publiko.

Hanggang sa nitong weekend ay hindi na napigilan si Isabelle na ipakilala sa publiko ang kaniyang baby girl na pinangalanan nilang si Esmeralda.

“Our precious little girl, Esmeralda.?”

Ito ang caption ng post ni Isabelle tampok ang close-up photo ng anak na si Esmeralda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng mga netizens

Sa comment section ng post ni Isabelle ay binati ng mga celebrities ang cute na baby girl niya. Isa nga rin sa labis na natuwa sa face reveal na ito ni Baby Esmeralda ay ang dating beauty queen at ina ni Isabelle na si Gloria Diaz. Ibinuking nga rin nito ang buong pangalan ni Esmeralda. Ang second name pala nito ay Gloria na isinunod sa kaniya.

“OMG SHE LOOKS SO KYUT? Gloria is soooo adorable ... joke .. Esmeralda Gloria is ssooo cute.”

Ito ang komento ni Gloria Diaz sa face reveal ng kaniyang apong si Esmeralda.

Larawan mula sa Instagram account ni Isabelle Daza

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban kay Esmeralda, si Isabelle Daza at mister niyang si Adrien Semblat ay may dalawa ng anak na lalaki. Ito ay sina Baltazar at Valentin. Si Balthazar ay limang taong gulang na at si Valentin na dalawang taong gulang palang.

Ang pamilya ni Isabelle ay kasalukuyang naka-base sa Hongkong. Doon ang trabaho ng mister niya. Kaya kasama ng mga anak niya ay doon na sila namalagi.

Larawan mula sa Instagram account ni Isabelle Daza

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement