Isabelle Daza tumaba ng halos 30 pounds matapos manganak at nakaranas ng depression. Ayon sa model at aktres, noon ay hindi niya kayang tingnan ang sarili noon sa salamin.
Mababasa sa artikulong ito:
- Isabelle Daza inaming labis siyang tumaba ng manganak sa panganay na si Baltie at nakaranas ng depression.
- Paano natulungan si Isabelle ng kaniyang mister na malampasan ang post-partum depression na naranasan.
Isabelle Daza naging overweight matapos manganak at nakaranas ng post-partum depression
Image from Isabelle Daza’s Instagram account
Sexy hot momma, ganito kung titingnan natin ngayon ang celebrity mom na si Isabelle Daza. Pero lingid sa kaalaman ng marami si Isabelle ay labis palang tumaba ng manganak sa panganay niyang si Baltie.
Kuwento ni Isabelle 70 pounds umano ang itinaba niya noon at sa sobrang katabaan ay hindi niya raw matingnan ang sarili niya sa salamin. Ito ay kahit nagwo-work-out siya at healthy pa rin naman ang kinakain.
“I was hiding, I couldn’t look at myself at the mirror. I was working out and I was trying to be healthy but gained a lot of weight.”
Ito ang pagbabahagi ni Isabelle sa podcast interview sa kaniya ng vlogger at model na si Wil Dasovich.
Kuwento pa ni Isabelle naiinggit siya noon sa ibang mga kaibigan niya na nabuntis, nanganak at agad na naibalik ang dating katawan nila. Habang siya labis na tumaba at feeling niya ay hindi na siya maganda.
“After when I gave birth, everybody was going on with their lives, doing endorsements while me I am at home 4 months’ overweight and breastfeeding. I was like what I am even doing with my life. So I was extremely unhappy with how I look.”
Ito ang kuwento pa ni Isabelle kay Wil.
Mahirap at depressing umano talaga ang pinagdaanan ni Isabelle.
“It was really tough for me when I went through that because I didn’t feel beautiful because I am extremely overweight.”
Paano nalampasan ni Isabelle ang depression na naranasan
Image from Isabelle Daza’s Instagram account
Naging malaking tulong umano ang mister niyang si Adrien Semblat para malampasan niya ang depression na nararanasan. Sa tulong umano ng mga encouraging words nito at pagmamahal ay muli niyang naibalik ang pagpapahalaga niya sa sarili.
“Adrian really help me through it. Because he always said the right things that would make me feel better. He would say the best things at the right moment.”
Pero para nga tuluyang maibalik ang pagmamahal niya sa sarili ay kailangan niyang sumailalim sa therapy. At ito ang mga sinabi at ipinayo ng therapist ni Isabelle sa kaniya na nakapagbalik ng sigla at self-esteem niya.
“I had to go to therapy a lot. My therapist told me that you need to sit in front of the mirror and say you are beautiful and you are enough, cause otherwise your sons gonna think he is not enough.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Isabelle.
Mula sa mga sinabi na ito ng therapist niya ay may natutunan si Isabelle. Ito ay ang maiwasang maramdaman ng anak ang insecurity at depression na naranasan niya dahil sa kaniyang itsura.
BASAHIN:
Liz Uy at Isabelle Daza, nagbahagi ng karanasan tungkol sa mom-shaming
Isabelle Daza, raising Baltie with Pinoy and French values
Isabelle Daza, dinodoble ang savings ng mga kasambahay niya taun-taon
Ang parenting approach ni Isabelle sa mga anak
Image from Isabelle Daza’s Instagram account
Kaya ngayon sa araw-araw ay kasama ang affirmations sa routine ng mga anak niya na sina Baltie at Valentin. Lalo na sa panganay na si Baltie na 3 years old na sa ngayon at marami ng tanong tungkol sa paligid niya.
“I always tell them you don’t need to earn my love. Everything that you are is enough. You could be whatever you want. It’s enough.”
Ito raw ang laging sinasabi ni Isabelle sa mga anak.
Kung sakali nga raw na ang pagmomodelo o pag-aartista ang gustong tahakin na career ng anak paglaki nito ay isa lang ang request sana ni Isabelle. Ito ay ang makapagtapos muna ito ng pag-aaral niya.
“I am for whatever he wants to do. I just want him to finish school first. It’s important to finish his school and decide what he likes after.”
Pagdating naman sa pagpapalaki sa mga anak, kuwento ni Isabelle siya ay very gentle. Hinahayaan niyang i-enjoy ng mga anak ang pagkabata nila. Bagamat lagi parin siyang naka-guide at tinatama ang mga malaking ugali nila.
“So you have to create a framework and then boundaries and then you let a child be a child within those boundaries.
Many people might disagree with my parenting approach. I am a bit gentle. I allow Baltie to be a kid and I don’t stop him from expressing how he feels.
Like he feels like whining, I tried to correct him. You don’t need to stress your words, but at the same time I am not expecting him not to whine.”
Ito ang sabi pa ni Isabelle tungkol sa parenting approach niya pagdating sa pagpapalaki ng kaniyang mga anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!