TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Liz Uy at Isabelle Daza, nagbahagi ng karanasan tungkol sa mom-shaming

4 min read
Liz Uy at Isabelle Daza, nagbahagi ng karanasan tungkol sa mom-shaming

Nagbahagi ang It moms na sina Liz Uy at Isabelle Daza ng kanilang mga naging karanasan sa mga mom-shamers sa social media.

Ibinahagi ng It moms na sina Liz Uy at Isabelle Daza ang kanilang naging karanasan sa mga mom-shamers na nagkalat sa social media.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Parenting style ni Liz Uy at Isabelle Daza
  • Mom-shaming stories

“It moms” Liz Uy and Isabelle Daza

liz uy isabelle daza

Liz Uy at Isabelle Daza, nagbahagi ng karanasan tungkol sa mom-shaming | Image from Instagram

Kilala nilang miyembro ng It girls ang aktres na sina Isabelle Daza at ang fashion editor na si Liz Uy. Ngunit ngayon ay masasabing “It moms” na. Kasama nila sina Anne Curtis, Georgina Wilson at Solenn Heussaff. Dahil hiwa-hiwalay sila ng lugar ngayon at limitado ang paglabas dahil sa pandemic, naibahagi nilang madalas silang mag-usap sa “Mamshies Group Chat” na binuo nila para mag-usap usap sa internet.

Nakuwento pa nila na dati lamang ay gamit nila ang GC na ito kapag magkikita sa labas. Ngunit sa pagpasok ng 2020, puro usapan na nila ang tungkol sa kani-kanilang babies. Marami ang nagbago sa kanila simula nang sila ay maging “mommy”. Katulad na lamang kapag patak ng 9 PM, kinakailangan na nilang matulog.

BASAHIN:

Isabelle Daza, gumawa ng kontrata para sa kaniyang mga kasambahay

Coleen Garcia to Baby Amari: “Nakakaiba ng mood when he’s around.”

Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili

Para kay Mommy Isabelle, bukas siyang matuto ng iba pang kaalaman pagdating sa pagpapalaki ng anak. Ayon pa sa kaniya,

“I like learning. Hindi ko ine-empose ang values ko on other parents. I like to ask a lot of questions. For sample, vegatables ngayon. Si Baltie hindi siya mahilig sa vegetable ngayon. So, how do i feed him vegetables, hindi ko alam.”

Sa usapang parenting style ng dalawang It moms, ayon kay Mommy Liz na chill but strict siyang mom. Ngunit may pagkakataon na hindi ito pinapakinggan. Habang si Mommy Isabelle naman ay “respectful parenting”. Kung saan nirerespeto mo ang iyong sariling anak na parang isang indibidwal. “He has his needs and wants din. And you have to value his opinion and respect him as a little person.” dagdag pa nito.

Liz Uy at Isabelle Daza, nagbahagi ng naging karanasan tungkol sa mom-shaming

Sa usapang mom-shaming naman, ibinahagi ng dalawa ang kanilang naging karanasan sa pag kwestiyon sa kanila sa pagiging “ina”.

Kuwento ni Mommy Liz, nag-instagram story siya na pinapakain niya ng grapes ang kaniyang anak. Subalit marami ang nakapansin sa grapes na kinakain nito. “Kailangang hatiin dahil baka mabulunan.” Ito ang karamihang naging reply sa kaniya ng mga followers niya.

liz uy baby

Liz Uy at Isabelle Daza, nagbahagi ng karanasan tungkol sa mom-shaming | Image from Liz Uy Instagram

Para sa kaniya, tinanggap niya ito bilang aral dahil maaari ngang mabulunan ang anak niya kung sakaling hindi hatiin ito. “I don’t know if it’s mom-shaming o nagmamalasakit lang.” dagdag pa niya. “Along the way you learn talaga. It’s the experience.”

Noong una, akala ni Isabelle Daza na pangaral lang kapag kinukwestiyon ng iba ang kaniyang parenting style. Subalit saka lang niya na-realize na mom-shaming na pala ito nang makaramdam siya ng pain. Subalit sa paglipas ng panahon, natutong siyang ipagsawalang bahala ang mga taong kinukwestiyon ang kaniyang pagiging ina.

“As a new mom, siyempre you’re vulnerable to all these things ’cause you’re just learning. So, you can take it in a very painful way.”

Isang halimbawa rito ay ang pagsusuot ni Baltie ng colorful paster colors. Marami ang pumuna rito dahil “pangbabae” umano ang ganitong kulay at dapat hindi ipinapasuot sa lalaki niyang anak.

isabelle daza

Liz Uy at Isabelle Daza, nagbahagi ng karanasan tungkol sa mom-shaming | Image from Isabelle Daza Instagram

Sa katanungang “perfect parenting” para kay Isabelle, nais lang niyang malaman ni baby Baltie na “enough” siya lalo na sa mundo ng social media. “I’m really trying to equip Baltie that everything he has is enough. I want him to grateful always. Kasi ang hirap now eh, ang daming external factors that make us question ourselves.”

Habang si Liz naman ay gusto niyang magkaroon ng sapat na pagmamahal ang kaniyang anak sa loob pa lamang ng kanilang bahay. “As a parent itatama natin ‘yung mali pero we were here to guide you. Parang enough na ‘yung na fi-feel niyang love at home.”

Nais lumaki ni Liz ang kaniyang anak na hindi iniisip ang sinasabi ng iba.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Liz Uy at Isabelle Daza, nagbahagi ng karanasan tungkol sa mom-shaming
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko