Isabelle Daza, buntis sa kaniyang Baby no. 2

Nasa ika-21 weeks na nang pagbubuntis ang aktres/model na si Isabelle Daza sa kaniyang second baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinagbubuntis ni Isabelle Daza ang kanilang pangalawang anak ng asawa French businessman na si Adrien Semblat. Isa na nga siya sa mga humabol ng pregnancy announcement bago matapos ang taon. Hindi biro ang pagbubuntis sa panahon ng pandemic kaya naman masaya ang lahat nang makita si Isaballe na very healthy at beautiful pa rin sa kaniyang pregnancy announcement.

Larawan mula sa Instagram account ni Isabelle Daza

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pregnancy announcement ni Isabelle Daza
  • Mga dapat malaman patungkol sa ika0-21 week ng pagbubuntis

2nd pregnancy announcement ni Isabelle Daza

Hindi na iba ang mga malalaking pregnancy announcement ng ilang celebrity pero ibahin niyo si Isabelle Daza-Semblat. Ibinahagi kasi ni Isabelle sa publiko ang kaniyang pagbubuntis sa low-key na pamamaraan. Kaya naman gulat-gulat din ang maraming fans ni Isabelle sa kaniyang announcement.

Sa isang Instagram post habang suot-suot ang isang activewear outfit, inanunsyo niya na siya’y buntis sa pangalawa nilang anak ng kaniyang asawa na si Adrien.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang natuwa at nagulat sa pregnancy announcement ni Isabelle. Ayon nga sa ilang simpleng-simple lamang ang pagbabahagi ni Isabelle sa publiko ng panibagong blessing sa kanilang buhay ng kaniyang asawa. Bukod sa “btw 21 weeks today” wala nang iba pang detalye ang idinagdag ni Isabelle tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Larawan mula sa Instagram account ni Isabelle Daza

Si Isabelle, ay maryoon ng dalawang taong gulang na anak na si Baltie. Kaya naman magiging kuya na ang kanilang panganak na anak. Marami ang bumati sa panibagong blessing na dumatig sa buhay na Isabelle lalo na ang kaniyang mga kaibigan na sina Liz Uy, isang sikat na stylist, Jessy Mendiola, Iya Villania-Arellano, Iza Calzado at marami pang iba na kasamahan ni Isabelle sa showbiz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Belle!!!!!❤️❤️❤️❤️ Soooo happy!!!!!! Yaaaaaaaay!!!!” – Iya Villania-Arellano 

“Congrats Belle!!!♥️” – Jessy Mendiola

“♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️” – Liz Uyy

“So incredibly happy for you!!! ❤️” – Iza Calzado

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Isabelle Daza, dinodoble ang savings ng mga kasambahay niya taun-taon

Isabelle Daza, raising Baltie with Pinoy and French values

Liz Uy at Isabelle Daza, nagbahagi ng karanasan tungkol sa mom-shaming

Ano nga ba ang mga mangyayari kapag ika’y nasa ika-21 week na ng pagbubuntis?

Pagsapit ng iyong ika-21 week ang iyong anak ay maaari nang kasing laki ng pomelo. Mayroon na siyang habang 26cm at timbang na 360g.

Sa unang ulat ni Jasmine Yeo narito ang mga nangyayari umanong development sa iyong anak,

Ang mga development ng iyong anak

  • Mayroon nang kilay at talukap ng mata ang iyong anak kaya siya ay nakakakurap na.
  • Natutulog ang iyong anak ng 12 hanggang 14 oras araw-araw.
  • Gumagana na ang taste buds ng iyong anak kaya nalalasahan ng iyong anak ang iyong mga kinain.
  • Mas nararamdaman mo na ang kaniyang mga galaw ngayon.
  • Ang kaniyang bone marrow, liver at spleen ay nagsisimula na din gumana.
  • Kung babae ang iyong anak, mayroon nang sapat na dami ng itlog sa kaniyang matris.

Sa dagdag pa niyang ulat narito naman ang mga sintomas na nararanasan ng isang buntis pagsapit niya ng 21 weeks.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sintomas ng buntis ng 21 weeks

  • Nagsisimula nang lumabas ang iyong mga stretch marks.
  • Maaari ka din magkaroon ng pregnancy acne dahil sa pagbabago ng oil production ng iyong balat.
  • May mapapansin ka din na mga naglalabasang varicose veins dahil sa tumataas na pressure sa mga ugat ng iyong binti.

Pangangalaga sa buntis

Mahalaga kung paano mo maalagaan ang sarili mo kapag sa mga panahong ito. Dagdag pa riyan kung paano ka matutulungan ng iyong asawa.

  • Pag-isipan mo kung gusto mong sumali sa mga antenatal class para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbubuntis.
  • Maghilamos ng mukha gamit ang mild cleanser upang mapanatiling oil-free ang iyong balat.
  • Mag-ehersisyo araw-araw at itaas ang iyong paa ng madalas upang maiwasan ang varicose veins.

Para sa karagdagan pang kaalaman sa artikulong ito, i-click ito. 

Kaya para kay Isabelle Daza at Adrein Semblat congratulations sa inyong second baby and we wish for a safe delivery and a healthy baby for the both of you.

 

Source:

Instagram

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Marhiel Garrote