Iba’t ibang mga celebrity at sports fan ang nagpahayag ng kanya-kanyang suporta sa isang ama ng batang may down’s syndrome. Ito ay matapos ang pangungutya at pang-aasar na matanggap ng bata sa mga netizens dahil sa isang video.
Si Neil Markham ng Banbury, Oxfordshire ay nagtweet ng video ng kanyang 16 taong gulang na anak na si Ella na may down’s syndrome. Sa video, makikita ang bata na sumasayaw sa stadium matapos ang 0-1 na pagkatalo sa West Ham. Ngunit, matapos ma-upload ang video na ito sa Tweeter, marami ang nagpadala sakanya ng pang pangaabuso.
Reaksyon ng mga celebrity at ni Neil Markham
Ang 43 taong gulang na ama ay inilabas ang kanyang personal na phone number sa paghamon sa mga troll na direktang makipag-ugnay sa kanya. Sinasabi ng ama na si Ella ay kalian man hindi maghahangad ng kasamaan sa ibang tao at ikinagugulat niya ang mga negatibong reaksyon na kanyang natanggap.
Marami ang mga mga artistang nagpahayag ng suporta sa bata. Si Patsy Kensit ay nagsabi na siya ay nagulat at nainis sa mga komento habang nagpaparating ng paghanga sa bata.
Ang mga dating manlalaro ng Spurs na sila Graham Roberts at Micky Hazard ay nagpadala ng mga magagandang mensahe nang pagsuporta kay Neil. Si Graham Roberts ay inimbita ang mag-ama sa isang gala dinner bilang kanyang panauhin. Si Micky Hazard naman ay nagsabing ang ibang tao ay nagiging malupit dahil hindi nila nakikita ang ganda ngunit huwag mabahala dahil marami ang nakakakita nito. Idinagdag pa nito na mayroon siyang autograph ng mga Legends na ibibigay sa bata sa sunod na laro nito.
Ang iba pang mga celebrity ay tinawag si Ella na “class act” at ang video ay nakakapagpasaya sa araw nila.
Nagtweet si Neil na siya ay napupuno na sa mga komento ng mga tao na hindi kayang panindigan ang kanilang mga sinasabi. Kanyang idiniin na ang bata ay kanyang anak. Matapos nito, marami sa mga troll ang tumigil at ang iba ay nagbura pa ng social media accounts nila.
Panoorin rito ang video:
Pagdating ng libo-libong suporta
Ang nasabing video ay napanood na nang 1.6 na milyong beses. Nakatanggap ito ng 24,000 na likes at halos 8,000 na komento ng pag-suporta.
Nagpayo ang iba na huwag nang pansinin ang mga negatibong komento. Mayroon din nagsabi na napakaganda ng bata ataawayin nito ang sino mang mangutya dito. Mayroon naming mga nagpahayag kung gaano sila napasaya ng video ni Ella. Nagpayo ang mga ito na manatiling malakas sa kabila ng pangungutya ng iba.
Dahil sa mga suportang natanggap, nasabi ni Neil na ang naramdaman na pagkalumo sa mga negatibong komento ay nawala na.
Pag-atras ng mga trolls
Marami sa mga nang troll sa video ang nagsabi na sila ay nagbibiro lamang o kaya naman ang account nila ay na-hack. Mayroon naman na mga gumamit ng nakasasakit na mga salita ang nagsabing hindi na nila ulit ito gagamitin.
Ngayon, sa halos 9,000 mensahe na natanggap ni Neil, masasabi niyang nasa 99% nito ay positibo.
Ang tagapag-salita ng Spurs ay nagsabing sila ay labis na nalulungkot sa reaksyon ng ibang tao sa social media. Idinagdag niya na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makilala ang mga responsible sa mga negatibong komento. Sila ay nananatiling nakikipag-ugnay sa pamilya ni Ella upang ipaalam kung gaano nila ikinagagalak ang pagsuporta ng bata.
Source: Daily Mail
Basahin: Nanay, sumulat ng mala-‘customer review’ post ukol sa Down Syndrome ng anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!