Bilang na ang mga araw ko nung ramdam kong malapit na siyang lumabas. 36 weeks ako nung nagpatest ako at kabadong malaman ang resulta ngunit para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nung nalaman kong COVID POSITIVE ako. nangyari ang kinakatakot ko. turning 37 weeks at alam ko anytime soon ready to pop na siya since fully develop na siya . ramdam kong malapit na siya kahit na maraming nag sasabing matagal pa. 10 DAYS ISOLATION ang nirequire sakin , pikit mata akong sumama sa mga naka PPE uniform kahit na ayaw ko, nasa abroad ang asawa ko at nasa poder ako ng in-laws ko kaya sobrang sakit sa feeling na ganito pa nangyari at dadaan pa ang NEW YEAR. yes tama po, nag NEW YEAR ako mag isa sa Isolated Room na nakakabaliw. ikaw lang mag isa, napapaligiran ng 4 na sulok na puting PADER . Pilit kong nilalabanan ang depression ko sa mga oras na iyon at kinakausap ang aking nasa sinapupunan na “HUWAG ANAK, HUWAG DITO , HUWAG KA
MUNA LUMABAS”. sobrang magiging kawawa kami kapag nanganak ako sa isolation room. araw araw akong umiiyak. katumbas ng isang taon ang sampung araw na pamamalagi ko sa kwartong iyon. SALUBONG NG BAGONG TAON, naririnig ko lng ang mga putukan sa labas ng kalsada . walang kasama, walang karamay nakapalungkot. bago ko ilabas ang anak ko sa mundong ito, naranasan kong lumaban kahit mahirap para sa kanya. iniiwasan kong mag breakdown kahit na masyado akong emotional. UMAGA pang gising ko, pang 10 days ko at lalabas kaming mag ina ngunit ramdam ko na ang sinasabi nilang inactive labor. pinilit kong maligo at kinakausap ang anak ko “KONTING ORAS NALANG ANAK , LAYA NA TAYO”. ramdam ko na ang interval ng pain nia mula hapon hanggang sa pag labas namin. lawak ng ngiti kong nakalabas kami ng anak ko. pero hanggang sa bahay nararamdaman ko padin ang mayat mayang sakit ng tyan ko. sobrang nag papasalamat ako sa anak ko at nakinig siya sakin na hindi pa siya lumabas nung time na nasa isolation room kami. kinagabihan, gumuhit na ang sakit sa aking tyan at ramdam kong ito na ang ORAS. 9pm tinakbo na ako sa lying -in . takot na akong mag reswab kaya mas pinili nalang namin ang lying-in. Delivery na ng baby ko. 7am to 9pm inactive labor. 30 mins active labor then BABY’’s OUT. isa lang ang nasabi ko sa baby ko. YOU ARE A GOOD BOY.. thank you anak pinakinggan mo ko. and YES nung oras na lumabas ako ng isolation room dun siya lumabas. 😍😍😍😍 and masasabi kong mahal kami ng Dyos.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!