Itsura ng utong ng isang buntis, ano nga ba ang mga dapat mong asahang pagbabago?
Mga mommies, alam ninyo bang ang pagsisimula ng inyong pagbubuntis ay pagsisimula rin ng mga pagbabago sa inyong katawan? Isa ang inyong suso sa mga bahagi ng inyong katawan na dumadaan sa pagbabagong ito, tulad ng paglaki at pamamaga ng mga ito.
Katulad ng inyong mga suso, bahagi rin sa pagbabagong ito ang inyong mga nipples. Partikular sa pagbabago sa inyong nipples ang kapansin-pansing pag-itim ng mga ito.
Talaan ng Nilalaman
Itsura ng utong ng isang buntis at ang iba pang mga pagbabago sa kaniyang suso?
Sa pagdadalang-tao ay maraming pagbabago tayong mararanasan sa ating katawan. Partikular na sa ating suso na maaaring maging malaki o matigas lalo na sa pagsisimula ng pagbubuntis. Mapapansin din nating nag-iiba ang kulay ng ating utong o nipples.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga pagbabagong mararanasan mo sa suso kapag nagdadalang-tao. Subalit bakit ba nangyayari ito? Bakit umiitim ang utong ng buntis?
Bakit mas nagiging malusog ang suso? Narito ang mga sagot at ang iba pang mararanasan mong pagbabago sa iyong suso dahil sa pagdadalang-tao.
First trimester (0-13 linggo ng pagbubuntis)
1. Paninigas o pananakit ng suso.
Ang paninigas o pananakit ng suso ay isa sa mga early symptoms ng pagdadalang-tao. Ayon sa US National Institute of Child Health and Human Development, ang pagbabagong ito sa suso ng babae ay mararamdaman sa una hanggang dalawang linggo palang ng pagdadalang-tao.
Ito ay dahil sa increase blood flow at hormone changes sa katawan na madalas namang nawawala matapos ang first trimester ng pagbubuntis. Bagama’t maaaring muling maranasan ito bago pa man matapos ang pagbubuntis o bago ang panganganak.
Ang pananakit na ito ay dulot ng hormones na nagsisimulang magbuo ng milk-producing glands. Sa unang trimester ng pagbubuntis ay nagsisimula ang massive growth spurt ng suso bilang paghahanda sa breastfeeding.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Paano maiibsan ang pananakit ng suso habang nagbubuntis
Kung talagang hindi mapalagay sa pananakit ng suso na nararanasan, narito ang ilan sa maaari mong gawin.
- Magsuot ng supportive bra.
- Iwasang pahawakan ito sa iyong partner o masagi ng iba.
- Magsuot ng maluluwag na damit.
- Subukan ang cold compress o kaya naman ay mag-take ng warm shower.
- Gumamit ng doctor-approved pain relief medicine.
2. Paglaki o enlargement ng suso.
Ayon kay Dr. Jacqueline Kent, ang paglaki ng suso ng babae ay agad na mapapansin sa simula pa lamang ng kaniyang pagbubuntis. Ito ay magpapatuloy habang nagpapatuloy rin ang pagbubuntis.
Kahit hanggang nakapanganak na ang babae at nagpapasuso. Kaya huwag ng magtaka kung bakit biglang sumikip sa ‘yo ang iyong mga bra.
Kung nagtatanong hanggang gaano kalaki maaaring magbago ang suso habang nagdadalang-tao? Sagot ni Dr. Kent, ito ay maaaring maging one-and-half times bigger kumpara sa laki ng iyong suso bago magbuntis.
Si Dr. Kent ay isang leading lactation researcher mula sa University of Western Australia.
3. Blue veins o tila pangingitim ng ugat sa suso.
Sapagkat sa may increase blood volume kapag nagdadalang-tao, mapapansin din na may mga tila nangingitim o blue veins sa suso ng buntis.
Ang pagbabagong ito ay may mahalagang ginagampanan sa pagbubuntis. Sapagkat sa tulong ng increase blood volume ay naide-deliver ang mga nutrients na kailangan ng fetus para sa kaniyang development.
Second trimester (14-27 linggo ng pagbubuntis)
4. Nangingitim na areola o utong.
5. Pagkakaroon ng maliit na bumps o pimples sa areola.
Ayon kay Dr. Danielle Prime, isang breastfeeding associate, maliban sa pangingitim ng areola ay mapapansin ding nagkakaroon ng maliliit na ng buntis sa secong trimester.
Ito ay tinatawag umanong “Montgomery’s tubercles” na nagpo-produce ng moisturizing oils na nakakatulong sa proteksyon ng suso mula sa pamamaga at impeksyon kapag nagsimula na ang breastfeeding.
6. Breast lumps o bukol sa suso.
Maaari ring magkaroon ng lumps o bukol sa suso ang buntis sa kaniyang second trimester. Pero hindi naman ito seryoso o dapat maging alalahanin. Sapagkat ang mga bukol na ito ay maaaring mga galactoceles o clogged milk ducts. O kaya naman ay fibroadenomas o benign breast tumors.
7. Pagkakaroon ng nipple discharge.
Sa second trimester pa lamang ng pagbubuntis ay maaari ng makaranas ng nipple discharge ang isang babae, maliban sa pagbabago sa itsura ng utong ng isang buntis.
Ang thick at yellow discharge na ito ay tinatawag na colostrum. Ito ang likidong kailangan ng isang bagong silang na sanggol para ma-boost ang kaniyang immune system.
Ang nipple discharge ay maaaring maranasan sa anumang stage ng pagbubuntis mula sa 2nd hanggang 3rd trimester. Pero mas mataas ang tiyansang maranasan ito sa tuwing na-stimulate o nahahawakan ang suso.
Maari ring makaranas ng bloody nipple discharge habang nagbubuntis. Resulta ito ng lumalaking milk ducts bagamat maari rin itong palatandaan ng blocked duct na posibleng maging problema kapag nagpapasuso na.
Asahan na rin na maaari kang makaranas ng leaked fluid o discharge sa iyong suso. Lalo na kapag nagpapasuso na kung saan ina-advise na gumamit ka ng breast pads.
Third trimester (28-40 linggo ng pagbubuntis)
8. Stretch marks.
Karaniwang sintomas at iba pang dahilan ng pag-itim ng nipples ng babae kahit hindi naman buntis
Kasama ang pagbubuntis sa ilang dahilan ng pag-itim ng nipples niyo mga mommies. Alamin ang iba pang dahilan at mga sintomas ng pag-itim ng nipples.
-
Puberty o panahon ng pagdadalaga
Unang mapapansin ang pag-itim ng nipples sa panahon ng puberty o pagdadalaga ng mga babae. Kasabay nito ay ang pag-produce ng hormone na estrogen ng iyong mga ovaries.
Ang pagbabagong hormonal na ito ay nagtutulak rin sa mga suso mo na mag-accumulate ng fats sa breast tissues. Habang lumalaki at nagde-develop ang suso mo, ang mga nipples ay maaaring mas maging tayo at mas umiitim.
-
Buwanang dalaw o Regla
Nagma-mature ang iyong mga suso at nagkakaroon ang mga ito ng glands sa dulo ng milk duct. Dahil sa estrogen at progesterone, lumalaki ang iyong suso at namamaga bago o pagkatapos ng iyong regla.
-
Paggamit ng oral contraceptives
Ang pag-inom ng birth pills ay nagiging sanhi rin ng pag-itim ng nipples mo dahil naglalaman ito ng estrogen at progesterone. Natural na lumilitaw ito sa iyong katawan.
-
Pagbubuntis
Kapag ikaw ay nabuntis, naghahanda ang iyong mga suso para mag-produce ng gatas para kay baby. Sa pamamagitan ng estrogen at progesterone, nagde-develop ang suso mo ng milk duct system.
-
Pagpapasuso o breastfeed
Kahit pasusuuin mo man o hindi si baby, mangingitim ang iyong areolae pagkatapos ng panganganak. Ilan sa mga scientist ang nagkaroon ng hinuha na ‘di nakakakita nang mabuti ang mga baby. Ngunit, naaaninag nila ang maliwanag at madilim.
Kaya, ang maitim na areolae ng iyong suso ang naaaninag nila patungo sa iyong nipples na pagmumulan ng kanilang gatas. Kasabay ng iba pang pagbabago sa pigmentation habang nagbubuntis, magbabalik sa normal ang iyong nipples pati ang kulay nito sa paglipas ng panahon.
-
Diabetes
Ang hyperpigmentation ng balat ng tao ay posibleng sintomas ng diabetes. Nag-dedevelop ang pag-itim o darken ng balat dahil sa pagtanggi sa insulin.
Ang kondisyong ito ay tinatawag na acanthosis nigricans. Madalas na naaapektuhan ng kondisyong ito ang iyong kili-kili, singit, leeg, at mga balat sa binti.
Ang areolae rin ng iyong suso ay mangingitim at pwede ring magkaroon ng velvety plaques o pangingitim na may pangangapal ng balat. Sa ibang pagkakataon, ang pinakadelikadong dahilan ng pangingitim ng nipples ay isang uri ng kanser.
Paano solusyonan ang pag-itim ng utong o nipples?
Maaari rin ang pag-blender ng almond at gatas saka ipapahid sa area ng areaola at nipples.
Hinihinalang nakakapagpaputi at nakakalambot ng balat ang concoction na ito kapag in-apply sa iyong areaolea at nipples isang oras kada araw.
Ang ilang mga solusyong ito ay parallel lamang sa epekto nito sa balat na posible ring maging pampaputi ng inyong nipples. Itanong pa rin sa inyong doktor kung ito ba ay epektibo at safe na gawin lalo na sa mga buntis.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor?
- Peeling o pamamalat ng nipples
- Flaking o panunuklap
- Isang nipple lang ang nagbabago ng kulay o mas nangingitim
- Sobrang pangangati
- Sobrang pamumula
Normal ba sa buntis ang pananakit ng dibdib?
Maliban sa pananakit, ang pangangati ng dibdib ng buntis ay isang sintomas din na dulot ng nagdedevelop niyang suso. Ito’y dahil pa rin sa pag-expand at strecth ng suso bilang paghahanda sa breastfeeding.
Mga posibleng dahilan sa pangangati sa suso ng buntis
Pregnancy-induced eczema
Pero ang pangangati ng dibdib ng buntis ay maaring dulot rin ng pregnancy-induced eczema. Ito ay isang skin conditon na nararanasan ng buntis na maaring mula pa sa umpisa ng kaniyang pagdadalang-tao.
Kasabay ng pangangati ng dibdib ay makakaranas rin siya ng dry skin, red patches sa balat, cracked o balat na tila makaliskis o kaya naman maliliit na bukol sa balat.
Purigo
May tinatawag din sa pagbubuntis na purigo. Ito ang kondisyon na kung saan nagre-response ang immune system ng iyong katawan sa lahat ng pagbabagong dulot ng pagdadalang-tao.
Ang mga sintomas nito maliban sa pangangati ng dibdib ay pagkakaroon ng maliliit na bukol sa dibdib o iba pang bahagi ng katawan.
Tila ito kagat ng insekto na magsisimula sa kaunti hanggang sa dumami. Maari itong magtagal ng ilang buwan o hanggang sa naipanganak mo na ang iyong sanggol.
Intertrigo
Ang pangangati sa dibdib o suso ay maaring dulot rin ng rashes na kung tawagin ay intertrigo. Ito ay rashes na makikita sa ilalim ng suso. Kahit hindi buntis ay maaring magkaroon nito.
Dahil sa ang kondisyon na ito ay nagdedevelop dahil sa init, moisture o friction sa nagkikiskisang balat ng isang babae. Sa mga nagbubuntis habang summer season, isa ito sa pangunahing dahilan ng pangangati ng suso.
Pero kung may agam-agam sa pagbubuntis, mas mainam na komunsulta agad sa doktor para masagot ang mga katanungan mo.
Karagdagang ulat mula kay Nathianielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.