Iya Villana sa pagkakaroon ng COVID ngayong buntis: "The doctor never ever made me feel na dapat mag-alala ako"

Ibinahagi ni Iya Villana at Drew Arellano ang karanasan nila sa pagkakaroon ng COVID at paano nila ito na-survive.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya Villana, Drew Arellano, at kanilang mga anak, tagumpay na nalampasan ang pagsubok na dala ng sakit na COVID sa kanilang pamilya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Iya Villana at Drew Arellano COVID experience
  • Pagkakaroon ng COVID ng buntis na si Iya Villana

Iya Villana at Drew Arellano COVID experience

Hindi biro at madali ang naging sitwasyon ng bansa pagpasok ng taong 2022. Dahil patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga tao na nagpositibo sa COVID.

Malaking salik din ang bagong variant ng COVID na kung tawagin ay Omicron. Hindi umano, pami-pamilya ang tinatamaan nito.

Tila walang sinasanto ang panibagong variant na ito. Kadalasan, kung may isang miyembro ng pamilya ang magkaroon, napakalaki ng posibilidad na mahawa nito ang buong sambahayan.

Halimbawa na lamang nito ang pamilya Arellano. Ito binubuo nila Iya Villana, Drew Arellano, at kanilang tatlong anak na sina Primo, Leon, at Alana.

Ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang naging experience sa pagkakaroon ng COVID sa isang episode ng Kapuso mo, Jessica Soho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“One thing is for sure, it started with me. So, I got it first,” pagbabahagi ni Drew.

Ayon sa kaniya, ang sakit na COVID na naranasan ng buong pamilya Arellano ay nagmula sa kaniya, kung saan ang sumunod na nagkaroon ay ang kaniyang misis na si Iya.

Larawan mula sa Instagram account ni Drew Arellano

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya sa pagkakaroon ng COVID: “most heartbreaking part”

Hindi naging madali bilang magulang ang mahiwalay sa kanilang mga anak. Gayon din ang nangyari sa kanila.

Ayon nga kay Iya, “That was the most heartbreaking part.”

Nakakadurog ng puso ang makita ang iyong mga anak na nalulungkot at umiiyak, ngunit hindi niya ito magawang yakapin at patahanin.

Samantala, makalipas lamang ang ilang araw ay nagpakita na rin ng sintomas ng COVID ang mga bata. Dahilan upang sila ay muling magkasama, at sama-samang magpagaling mula sa sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi naman ni Iya,

“We are fully vaccinated and we are fully boosted, except the kids.”

Naniniwala ang mag-asawa na may epekto at malaki rin ang naging tulong ng bakuna upang ma-boost ang kanilang immune system.

Ayon sa kanila, marahil ito rin ang rason kung bakit hindi naging malala ang naging epekto nang tamaan sila ng kumakalat na sakit.

Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villana

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi pa ni Iya,

“Rather than hiding it, rather than being afraid to share it. Parang it would be nice to share, since a lot of people were going through it.”

Ang pagkakaroon ng COVID ay hindi isang bagay na dapat ikahiya o itago. Hindi ito madali, ngunit ang pagbabahagi ng ganitong klaseng karanasan ay isang paraan upang ipakita ang pakikisimpatya sa ibang tao na may parehong sitwasyon.

Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villana

Isa rin itong pagkakataon upang iyong maipadama sa ibang tao na hindi sila dapat mawalan ng pag-asa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang positibo sa sakit na COVID, nanatili namang positibo rin sa buhay kanilang buong pamilya. Kaya mahirap man, ay kanila itong nalampasan ng masaya at magkakasama.

BASAHIN:

Buong pamilya ni Nadine Samonte kasama ang mag-2 months old baby niyang si Harmony nagpositibo sa COVID!

Dingdong Dantes ibinahagi na nagpositibo ang buong pamilya: “Hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng COVID-19.”

Troy Montero ibinahagi na nagpositibo rin si Aubrey at kanilang mga anak sa COVID: “Not the reunion I was hoping for.”

Pagkakaroon ng COVID ng buntis na si Iya Villana

Masayang sinalubong ng Pamilya Arellano ang taong 2022. Dahil kasabay nito, ay ibinagi rin nila na mayroon panibagong miyembro ang kanilang pamilya.

Habang nakatingin sa ama na si Drew, ni-reveal ni Primo ang “secret” umano nila ng kaniyang ina.

“Mama has baby but it’s only very very tiny!”

Bakas sa mukha ni Drew ang saya at excitement nang marinig ang sinabi ng kaniyang anak ukol sa pagbubuntis ng kaniyang asawa.

Sa kasalukuyan ay apat na buwan nang nagdadalang tao si Iya para sa 4th baby nila ni Drew. Samantala, tila hindi naman naapaktuhan ng sakit ng COVID ang kaniyang pagbubuntis.

Ayon kay Iya,

“Malikot pa rin siya. Nagpaparamdam pa rin naman siya every now and then.”

Nararamdaman ng ina na si Iya na sa kabila ng pagkakaroon ng sakit ay healthy pa rin ang bata sa kaniyang sinapupunan.

Dagdag pa niya,

“The doctor never ever made me feel na dapat mag-alala ako”

Isa ito sa mga rason kung bakit sa kabila ng nangyari ay nanatili pa rin ang pagiging positibo sa buhay ng kanilang buong pamilya.

Sinigurado niya na nababantayan pa rin nila ng maayos ang kaniyang pagbubuntis. Malaking bagay rin ang pagkakaroon ng maayos na relasyon bilang pamilya at mag-asawa. Ito ay upang mapanatiling masaya ang kanilang tahanan kahit na dumadaan sa pagsubok.

Larawan mula sa Instagram account ni Drew Arellano

Ayon kay Drew,

“Importante kasi, we really communicate, we have to be vocal.”

Ito ang nagsilbing susi upang mapanatiling masaya at maayos ang kanilang pagsasama. Bukod pa rito, habang sila at naka-isolate, ginamit nila ang pagkakataong ito upang magkaroon ng bonding time kasama ang pamilya.

Makikita ang ilang mga masasayang video na kanilang ginawa sa kanilang social media account, partikular na sa kanilang Instagram at Tiktok account.

Samantala, may ilang mga bagay ding natutunan ang mag-asawa sa kanilang pandemic experience.

Larawan mula sa Instagram account ni Drew Arellano

Ayon kay Iya,

“Mahirap ‘yong sitwasyon namin, but I have to say.. having the kids have made this pandemic easier and maybe more enjoying than it should

Isipin na lang natin na isa itong magandang pagkakataon para ipakita sa mga mahal natin kung paano tayo magmahal at kung paano tayo magalaga.”