Iya Villania-Arellano pregnancy sa kaniyang ika-apat baby na nasa 37th week na. Pero ang soon-to-be mom of 4, nagtratrabaho parin kahit malapit na siyang manganak.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Iya Villania-Arellano pregnancy update
- Paghahanda ni Iya sa nalalapit niyang panganganak
Iya Villania-Arellano pregnancy update
Image from Iya Villania’s Instagram account
Nalalapit na ang panganganak ng TV host na si Iya Villania. Pero ang soon-to-be mom of 4 nagtratrabaho parin kahit na 37 weeks na ang kaniyang dinadala. Ito ang masaya at proud na ibinahagi ng super mom na si Iya sa kaniyang Instagram account.
Si Iya, all poised sa suot niyang purple maternity terno habang nagdedeliver ng chika updates sa programang ’24 Oras’.
Sabi ni Iya, ito ang unang pagkakataon na nagpatuloy siya sa pagtratrabaho kahit siya ay 37 weeks’ ng buntis. At balak niya daw gawin ito hanggang sa kaniyang 38th week na pagdadalang-tao.
“First time to still be working at 37 weeks! I normally take my maternity leave starting on my 37th week and deliver 2wks after so this time I’m gonna try work until my 38th. Laban!”
Ito ang caption ni Iya sa kaniyang Instagram post.
Pag-amin pa ng TV host, bagamat pang-apat niya ng anak ito at pang-apat na beses na siyang manganganak ay tila kinakabahan pa rin siya.
“Getting so anxious about how labor and delivery will unfold this time around.”
May pahabol pa nga siyang fun fact tungkol sa suot niyang maternity terno na kaniya daw ipinagawa noong ipinagbubuntis niya pa si Alana. Pero dahil sa COVID-19 pandemic at naging online ang mga naging pagre-report niya noon ay hindi niya ito nagamit.
“This was an outfit made for my pregnancy with Alana but I never got down to wearing it because WFH (work from home) happened where I only needed tops.”
BASAHIN:
Iya Villania sa kaniyang 8 months baby bump: “It’s when I’m pregnant that I feel my sexiest and most confident.”
LOOK: Pregnant or not, Iya Villania tuloy sa pag-woworkout!
Angelica Panganiban to take a break from showbiz: “Tutukan ko na muna ‘yong baby.”
Paghahanda ni Iya sa nalalapit niyang panganganak sa kaniyang baby#4
Image from Iya Villania’s Instagram account
Sa isang hiwalay na Instagram post ay ibinahagi ni Iya na tinatarget niya sanang makapanganak ng June 6. Dahil noon kay Alana ay inabot daw siya ng 38 weeks at 6 days bago ito isilang.
Umaasa siyang tulad noon ay bago pa man mag-39 weeks ay maipanganak na ang 4th baby ng kanilang pamilya.
“Praying he stays put for another 2wks at least! So far I’ve always given birth just as I enter my 39th week even with my daily workouts! With Alana I was 38wks and 6days. Let’s see if #4 arrives at the same time! Aiming for June 6!!! Let’s seeeee!”
Bilang paghahanda sa nalalapit niyang panganganak ay patuloy na nagwowork-out si Iya. Thankful nga daw siya na kahit malaki na ang kaniyang tiyan at nalalapit na siyang manganak ay kaya pa rin niyang magtrabaho at higit sa lahat ay mag-workout.
“Continuing to stay active as we countdown the weeks before we meet #4!!! I really have been blessed to still be able to move, work and workout thru yet another pregnancy.”
Ito ang sabi pa ni Iya sa naturang Instagram post na tampok ang workout routine niya ngayong nalalapit na siyang manganak.
View this post on Instagram
Ang kaniyang routine, ayon sa TV host ay tag-30 seconds na curl & press, tricep dip, ski ERG, in & out squat at row. Ito ay sinundan ng 1 minute rest at inulit ang whole set ng limang beses. Paalala niya pa ay hindi dapat kalimutan ang dance break.
Ang ilang celebrities tulad nina Jessy Mendiola, Coleen Garcia at Gretchen Fullido, hindi mapigilan ang mapa-wow sa nagagawa ni Iya kahit malaki na ang tiyan nito at malapit ng manganak.
coleen: You look great! So excited for you!!!
gretsfullido: Ikaw na talaga mamsh!!! Praying for a safe delivery.
Image from Iya Villania’s Instagram account
Ganoon rin ang mga netizens na humahanga kay Iya pagdating sa pagdadala nito ng pagbubuntis niya.
“Grabe!!! Samantalang ako nung buntis, panay kain nalang nagagawa ko at tulog.”
“Grabe. I can’t imagine my self doing those workouts kapag malapit na manganak. Galing mo momshie @iyavillania.”
Safe ba ang pag-woworkout para sa buntis?
Ayon sa American College of Obstetrician & Gynecologist o ACOG, kung healthy at normal ang pagdadalang-tao ng isang babae ay ligtas na magpatuloy siya sa pagi-exercise o paggawa ng regular physical activity.
Ito ay wala namang magiging epekto sa kaniyang pagdadalang-tao o magpapataas ng tsansa niyang makunan o magkaroon ng early delivery.
Pero paalala pa rin ng mga eksperto, mahalaga na bago gumawa ng kahit anong exercise ay i-konsulta muna ito sa iyong doktor. Ito ay para malaman kung talagang safe ba ang mga gagawing exercise routine sa pagdadalang-tao mo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!