Iya Villania sa kaniyang 8 months baby bump: “It’s when I’m pregnant that I feel my sexiest and most confident.”

Netizens mas lalong humanga at na-inspire sa fit and sexy body ni Iya kahit buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya Villania confident at sexy na ipinakita ng lumalaki niyang baby bump habang nagbubuntis sa kaniyang ikaapat na anak!

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Iya Villania sexy and confident na ibinida ang kaniyang 8 months baby bump
  • Paano napapanatili ni Iya ang kaniyang sexy at fit body kahit buntis?

Iya Villania sexy and confident na ibinida ang kaniyang 8 months baby bump

Image from Iya Villania's Instagram account

Nalalapit na ang panganganak ng TV host na si Iya Villania sa kaniyang 4th baby. Pero para sa isang buntis na 6 weeks nalang ang hinihintay bago lumabas ang kaniyang baby ay tila cool at hindi pa rin nahihirapan si Iya Villania sa lumalaking baby bump niya.

Sa kaniya ngang Instagram account ay nag-share si Iya ng mga photos niya habang nakasuot ng bikini at ibinibida ang kaniyang baby bump. Ayon kay Iya, ito ang look niya matapos mag-swimming na talaga namang proud siyang ipakita.

Dahil si Iya mas feeling sexy at confident daw tuwing buntis siya. At 6 weeks nalang lalabas na ang dagdag na miyembro ng kanilang pamilya.

#MaternityShoot Not! but the most we’ll get #PostSwimPic

For those of you who know me, I’m quite conservative so to see me in a swimsuit must mean I’m confident and for some reason, it’s when I’m pregnant that I feel my sexiest and most confident. Not long before we meet the little man inside my belly 6 more weeks!!!! ? #Arellano4ComingVerySoon

Ito ang caption ni Iya sa kaniyang sexy buntis in bikini look na mga larawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng mga netizens

Hindi naman napigilan ng mga netizens na magkomento sa sexy photos na ito ni Iya habang buntis. Nangunguna na nga sa agad na nag-comment sa naturang post niya ay ang mister niyang si Drew Arellano. Si Drew may pabirong banta kay Iya.

“Bahala ka! Mabubuntis ka na naman nyan eh!”

Kinaaliwan ng maraming netizens ang komentong ito ni Drew sa sexy buntis photos ng misis niyang si Iya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang ibang female celebrities naman hindi rin napigilang humanga kay Iya. Lalo na sa kaseksihan at fit nitong katawan kahit nagbubuntis.

rissamananquiltrillo Such a strong, beautiful momma!

lynching7 Fittest buntis!

suziabrera Sexiest mama!!

Image from Iya Villania's Instagram account

Ang ilang mommy netizens naman ay naka-relate kay Iya na mas feeling sexy kapag buntis sila.

"#relate ms malakas loob maglabas ng tiyan pag buntis.."

Habang ang ilan na-inspire kay Iya dahil kahit buntis ay hindi nito pinababayaan ang katawan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Just so you know that you’re very inspiring woman. I need to get started with my work out!!”

BASAHIN:

LOOK: Angelica Panganiban ipinasilip ang kaniyang baby bump sa beach

Xian Lim sa prenup agreement kapag ikinasal kay Kim Chiu: “I strongly believe na dapat plantsado lahat ‘yan.”

Iya Villania sa pagiging mom of 3: “It’s so addictive that you just want to have more babies.”

Paano napapanatili ni Iya na fit at sexy ang katawan niya habang buntis?

Base sa mga nauna ng post ni Iya, napapanatili niyang fit at sexy ang kaniyang katawan sa pamamagitan ng pagwoworkout kahit buntis siya. Sa isa ngang Instagram post ni Iya ay ibinahagi niya ang kaniyang work-out routine habang siya ay nagdadalang-tao. Makikita rin sa iba pa niyang IG videos na very active rin si Iya sa pagsasayaw at pakikipaglaro sa mga anak niya.

Ayon naman sa American College of Obstetrician & Gynecologist o ACOG, kung healthy at normal ang pagdadalang-tao ng isang babae ay ligtas na magpatuloy siya sa pagi-exercise o paggawa ng regular physical activity.

Ito ay wala namang magiging epekto sa kaniyang pagdadalang-tao o magpapataas ng tsansa niyang makunan o magkaroon ng early delivery.

Pero paalala pa rin ng mga eksperto, mahalaga na bago gumawa ng kahit anong exercise ay i-konsulta muna ito sa iyong doktor. Ito ay para malaman kung talagang safe ba ang mga gagawing exercise routines sa pagdadalang-tao mo.

Kung may mga routines o activity na dapat iwasan ang buntis, ito ay ang mga nangangailangan ng puwersa na maaring makasama sa dinadala niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya Villania pregnancy announcement

 

Image from Iya Villania's Instagram account

Matatandaang nitong Enero inanunsyo ni Iya ang pagbubuntis niya sa kanilang 4th baby ni Drew Arellano.

Ito ay kaniyang ginawa programang “Mars Pa More” sa GMA na kung saan naghohost siya. Ayon kay Iya, tulad ng kaniyang mga naunang pagbubuntis ay hindi siya nahirapan ngayon sa 4th pregnancy niya.

“Yes Mars! Magiging ate na si Alana. I'm so excited.”

“I've been really lucky to have it easy again. At least, nakakapag-work ako. Kaya I am sure yung iba dyan hindi siguro nila namalayan. Syempre hataw parin tayo. Palaban din ito e.”

"So yes, we are expecting and parating na siya. Coming soon in June!"

Ito ang sabi noon ni Iya ng i-anunsyo ang pagbubuntis niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi rin ni Iya kung paano niya ipinaalam sa mister na si Drew Arellano ang magandang balita. Ito ay sa pamamagitan ng kaniyang panganay na anak na si Primo na unang nakaalam ng little secret niya.

“Papa, Mama has a baby but its only very very tiny. It will grow.”

Ito ang linya ni Primo noon ng sabihin sa kaniyang amang si Drew na may newest member na dagdag sa pamilya nila.