X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Iya Villania isinilang na ang kanilang 4th baby ni Drew Arellano: "My longest and most painful delivery."

5 min read
Iya Villania isinilang na ang kanilang 4th baby ni Drew Arellano: "My longest and most painful delivery."

Masaya ngunit naging challenging para kay Iya Villania ang pagbubuntis sa ika-4 na anak nila ni Drew Arellano.

Sa wakas ay ipinanganak na ni Iya Villania ang fourth child nila ni Drew Arellano. Malalaman din dito ang name ng bagong silang na baby ni Iya Villania.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Iya Villania nalampasan pinakamasakit na panganganak
  • Nahirapan sa kaniyang fourth pregnancy
  • Gender reveal sa kanilang fourth baby
  • Iya Villania nag-positive sa COVID-19 during pregnancy

Iya Villania shares the name of their baby

Inilarawan ni Iya Villania bilang kaniyang pinakamatagal at pinakamasakit na pagsisilang ang naranasan niya sa fourth pregnancy ng TV host.

“My longest and most painful delivery but also the most special because I was praying for strength and courage EVERY SINGLE DAY hoping to get thru an unmedicated birth to wrap up this journey.”

Hirit pa ni Iya Villania, sa tingin niya ay ‘yon na ang last time na siya ay magiging pregnant.

Nasa 6 centimeters dilated na raw siya at nahirapang maisilang ang kaniyang fourth baby.

“I was at 6cm and giving up when I asked for the drugs when all of a sudden God flipped a switch and I delivered 30-40mins after!!!”

“He knew the desires of my heart and He opened my cervix up before the drugs came.”

Binahagi na rin ni Iya Villania ang name ng kanilang fourth baby na si ‘Astro Phoenix V. Arellano’.

Makikita sa Instagram post ng mister ni Iya Villania na si Drew Arellano ang kumpletong family picture nila kasama ang kanilang apat na anak.

iya villania baby name

Larawan mula sa Instagram account ni Drew Arellano

Nahirapan sa kaniyang fourth pregnancy

Ipinakita sa YouTube vlog nina Iya Villania kung paano ni-reveal ng panganay niyang si Primo ang pregnancy news sa tatay na si Drew Arellano. Ani Primo, “Mama has a baby but it’s only very tiny. But it will grow.”

Masaya namang sinagot ito ni Drew Arellano ng, “Wow! What an adventure.”

Samantala, matatandaan na sa kaniyang show na ‘Mars Pa More’, masayang inanunsyo ni Iya Villania ang 4th pregnancy. Saad ni Iya Villania, madaragdagan na ang kapatid nina Primo, Leon, at Alana.

Naikwento ni Iya Villania kung gaano ka-challenging ang pregnancy journey niya sa ika-4 na anak. Aniya, mas naging mahirap ito ngayong 35 years old na siya kompara noon. Saad ni Iya Villania, nag-struggle siyang ilihim muna kay Drew at sa kaniyang mommy ang pregnancy.

“Medyo nag-struggle na ako to keep it as a secret because morning sickness this time has not been good. So, that’s been the hardest part.”

Dagdag pa niya, ang mga pagkain at inumin na gusto niya noon tulad ng curry ay hindi na rin niya type ngayon. Conclusion ni Iya Villania sa struggle niya sa pregnancy, “It gets harder with age and I guess, with each child.”

2014 nang ikasal sina Iya Villania at Drew Arellano sa Nasugbu, Batangas. Ipinanganak ang kanilang panganay na si Primo noong August 2016. Ang ikalawa at ikatlong anak nilang sina Leon at Alana ay pinanganak naman noong August 2018 at July 2020.

iya villania baby name

Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villania

Iya Villania baby gender reveal

Matapos ang announcement tungkol sa kaniyang 4th pregnancy, muling nag-post ng video si Iya Villania. Sa kaniyang Instagram, ipinaalam ni Iya Villania na sumailalim siya sa Non-invasive prenatal test (NIPT). Makikita sa nasabing test kung normal ba ang baby sa kaniyang sinapupunan at kung ano ang gender nito.

After 12-14 days ay nalaman na ng mag-asawang Drew at Iya Villania ang resulta ng test. Sa nasabing video, makikitang may hawak na golf club si Drew habang may hawak na party popper si Iya Villania kasama ang kanilang tatlong anak.

Nang paluin ni Drew ang golf ball ay sabay na pinaputok ni Iya Villania ang party popper na naglabas ng blue powder at confetti.

Sa dulo ng video ay nakalagay ang texts na, “See you in June, Baby Boy Arellano!”

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Masayang nag-high five sina Iya Villania at Drew Arellano matapos ang gender reveal ng kanilang 4th baby.

BASAHIN:

LOOK: Iya Villania tuloy ang trabaho kahit 37 weeks na sa pagbubuntis!

Boyfriend ni Angelica Panganiban, naiyak nang makita ang first ultrasound ng kanilang baby

Karen proud sa art exhibit ng kaniyang anak na si David: “It will inspire other mothers with gifted and special kids.”

Iya Villania nag-positive sa COVID-19 during pregnancy

Malungkot na ibinalita ni Iya Villania ang kalagayan ng pamilya during her 4th pregnancy. Sa kaniyang Instagram post ay ipinakita niya ang picture ng mga anak na restricted sa paglapit sa kanilang mag-asawa.

iya villania pregnancy

Larawan mula sa Instagram ni Iya Villania

Nag-positive sa COVID-19 sina Drew Arellano at Iya Villania at agad na nag-isolate mula sa kanilang mga anak.

Saad ni Iya, nauunawaan naman umano ng kaniyang older sons ang sitwasyon. However, nahihirapan daw ang kanilang daughter na si Alana sa pagkawalay sa kanila.

“It broke my heart to see her cry for me and not being able to console her even for a bit,” saad ni Iya Villania.

Sa nasabing post ay nag-iwan din ng mensahe si Iya Villania sa mga kapwa magulang na tinamaan ng virus.

“Mamas in this same situation, you are not alone. My tip?? Try not to cry…. I know, I know… ang hirap (It’s so hard). Man, I cried.”

Dagdag pa ng actress-host, kailangan umano nilang kayanin at magpagaling nang mabilis para sa pamilya.

Lalo pang bumigat ang sitwasyon nila nang sunud-sunod na lumabas ang resulta ng COVID-19 test sa tatlong anak. Nagpositibo rin ang mga ito pati na rin ang taga-alaga ni Alana. Tuluy-tuloy ang ginawang home quarantine ng pamilya hanggang sa tuluyang gumaling.

Matagumpay namang nalampasan ng pamilya ni Iya Villania ang challenge dulot ng COVID-19 during her pregnancy. Matapos nga ang quarantine nila ay nagkaroon sila ng short getaway. Ito ay kasabay ng pagdidisinfect sa buong bahay ng pamilya Arellano.

“Just what the family needed after locking ourselves up at home, nothing like outdoor therapy” saad ni Iya Villania sa kaniyang Instagram post noong January 24.

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Iya Villania isinilang na ang kanilang 4th baby ni Drew Arellano: "My longest and most painful delivery."
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.