Iya Villania nanganak na walang anesthesia: "“It was such an amazing moment!"

Sabi ni Iya last na daw niya itong panganganak na itinuturing niya ring pinaka-healthy at pinaka-fulfilling sa lahat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya Villania shares first natural birth out of her four pregnancies. TV host masayang nagawa niya sa sinasabi niyang panghuli niya ng pagbubuntis.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Birth story ni Iya sa kaniyang 4th
  • Iya Villania natural birth story and experience.

Iya Villania birth story sa kaniyang 4th baby

Higit isang buwan ng maipanganak ang kanilang 4th baby na si Astro Phoenix ay ibinahagi na ng mag-asawang sina Iya VIllania at Drew Arellano ang birth story nito. Sa pamamagitan ng kanilang vlog ay ipinakita ni Iya kung ano ang pinagdaanan niya habang hinihintay na lumabas ang pang-apat na anak.

Ayon kay Iya, bagamat na pang-apat na beses niya na itong panganganak, marami pa rin siyang first time na naranasan. Tulad nalang ng kusang pagputok ng panubigan niya na unang beses niya raw na-experience. Dahil noon ay ang doktor pa ang nagpuputok nito sa ospital habang siya ay nagsisimula ng makaramdam ng contractions.

“This labor was sooo different. First time my water leaked, first time to test + in my GBS swab, first time to go to the hospital without any contractions… things definitely weren’t going as I had expected or hoped but i guess that’s what labor is… unpredictable! Even after 3 deliveries!”

Ito ang sabi ni Iya sa caption ng kaniyang latest birth story vlog.

Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villania-Arellano

Sa kaniyang birth story video, si Iya habang nagle-labor, tulad ng makikita sa kaniyang mga workouts noong buntis pa ay very energetic parin. Ang mister niyang si Drew Arellano napapatakip nalang ng kamay sa mukha dahil si Iya nagsasayaw parin kahit naglelabor na.

“Let’s bring on the contraction, guys. I need to dilate. We need to soften the cervix. TikTok is the key.”

Ito ang sabi ni Iya habang gumigiling pa at iniinda ang sakit ng pagle-labor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rason naman ni Iya mas natotolerate niya daw ang sakit habang nakatayo. Habang ang kaniyang paggalaw at pagsayaw ay mas nakakatulong na mapabilis ang paglelabor niya at panganganak.

“Mas kaya ko siyang tiisin. I guess because I can distract myself,” sabi pa niya.

May shoutout rin si Iya sa mga nagsasabing mabilis daw siyang manganak. Dahil sa kaniyang birth story video makikita ko kung ilang oras rin ininda ni Iya ang hirap at sakit ng paglelabor. Hapon bandang 4:39pm noong June 4 ipinanganak ni Iya ang kanilang bunso na daw ni Drew na si Astro Phoenix.

“Iya: We did it babe. Last na ‘to.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Doktor: Yan din sinabi mo last time.

Iya: Kasi yun din akala ko dahil babae na si Alana di ba?

Drew: E, nag-maiksing buhok ka. Alam mo namang weakness ko ‘yon!”

Ito ang maririnig na pag-uusap sa delivery room ng maipanganak ni Iya sa wakas si Baby Astro Phoenix.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya Villania natural birth story and experience

Larawan mula sa Instagram account ni Iya Villania-Arellano

Sa caption ng kanilang vlog ay sinabi ni Iya kung paano naging extra special ang pang-apat niyang panganganak. Ito daw ay dahil nakaya niya ang sakit at hindi nag-give up sa pang-eenganyo nito na magpa-inject na siya ng anesthesia.

“My first natural birth out of my 4 deliveries! This birth is extra special because it will always remind me of how God took me thru [until] the end even when I had given up.”

Bagamat na binigyan siya ng oxytocin ng doktor para mag-contract ang uterus niya, si Iya itinuring na unmedicated parin ang panganganak niyang ito dahil sa hindi siya binigyan ng epidural. Ito ay kahit sa mga huling sandali bago maipanganak si Astro ay naiisip niya na.

“It was 6 mins of delirium and then at 4:39pm Astro was out!!! The drugs didn’t make it! My dream unmedicated* birthing experience had just happened! God made it happen.”

Ito ang pag-alala ni Iya sa mga huling sandali bago niya mailabas sa kaniyang sinapupunan ang pang-apat na anak na si Astro Phoenix at kung paaano natupad ang pangarap niyang natural birth.

Dahil sa karanasan si Iya naiintindihan na daw ngayon ang saya at fulfillment ng panganganak ng natural o ng hindi gumagamit ng anesthesia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It was such an amazing moment! And from what I imagined to be a traumatic experience, I understand now why mothers still to choose to do it again!”

Larawan mula sa YouTube vlog ng  Life with the Arellanos

Iya itinuturing na healthiest ang huli niyang pagbubuntis

Sabi pa ni Iya, tingin niya nagawa niya ang natural birth dahil narin sa lahat ng kaniyang pregnancies ang huli ang itinuturing niyang pinaka-healthy.

“I think it’s safe to say that this was also my healthiest pregnancy. Because I was more mindful of my eating. I was more careful about my food intake and because of that I didn’t gain as much as I did in my past pregnancies. And so I didn’t experience back pain like I did with my past pregnancies. I didn’t feel as heavy as i did in my past pregnancies.”

Maliban dito ay mas matagal ring nakapagtrabaho si Iya hanggang sa kaniyang 38th week. Sabi pa nga ng TV host mas naging happy at fulfilling ang naging huling pagbubuntis niya.

“I felt good throughout this one”, sabi pa niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement