LOOK: Iya Villania buntis sa pang-apat na anak—isang BABY BOY!

Pagbubuntis ni Iya, sinikreto nila noong una ng anak na si Primo. Alamin ang naging reaksyon ni Drew ng ito ay malaman niya na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya Villania shares pregnancy with her 4th baby and how she kept it a secret from her husband Drew. She and Drew also had a cute baby gender reveal. They are having another BABY BOY!

Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:

  • Iya Villania pregnancy news and experience with 4th baby
  • Mga pagbubuntis at anak ni Iya Villania.

Iya Villania buntis sa kaniyang 4th baby

Image from Iya Villania's Instagram account

Ito ang isa sa magandang balitang ibinahagi ni Iya Villania sa programang Mars Pa More kung saan siya ay isa sa mga host kasama si Camille Pratts at Kuya Kim Atienza.

Sa segment ng programang "Tarantanong" ay tinanong ni Camille si Iya kung totoo bang maging ate na si Alana. Ang sagot ni Iya ay isang masayang “Yah” na napasayaw pa sa tuwa.

“Yes Mars! Magiging ate na si Alana. I'm so excited!” dagdag pa ni Iya.

Sabi pa niya, ukol sa hindi halatang pagbubuntis dahil sa maliit niya paring tiyan ay hindi siya nahirapan dito. At masuwerte siya na kahit buntis na, siya ay nakakapagtrabaho at nakakahataw pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I've been really lucky to have it easy again. At least, nakakapag-work ako. Kaya I am sure 'yong iba diyan hindi siguro nila namalayan. Siyempre hataw pa rin tayo. Palaban din ito, e.”

Sa ngayon, si Iya ay nasa 4 month na ng kaniyang pagbubuntis at inaasahang manganganak sa kaniyang 4th baby ngayong Hunyo.

"So yes, we are expecting and parating na siya. Coming soon in June!"

Ito ang masayang sabi pa ni Iya.

Pagbubuntis ni Iya sinikreto nila noong una ng anak niyang si Primo

Samantala, sa kaniyang vlog ay ibinahagi ni Iya na silang dalawa lang ng panganay niyang si Primo, 5-anyos, ang unang nakakaalam ng pagbubuntis niya. Ito ay hindi alam ng mister niyang si Drew at kaniyang mommy Elena.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kuya Primo and I have a secret so nobody knows yet just a few maybe. Only few people knew.”

Ito ang sabi ni Iya sa kaniyang vlog.

Halos isang linggo umano itinago ni Iya at Primo ang kanilang sikreto. Kaya naman si Iya, super proud sa anak at sinabing, “Ah! This boy can keep secrets na.”

Ang sikreto ni Primo at Iya ay na-reveal lang noong nag-camping ang buo nilang pamilya sa Tanay. Habang karga ni Iya si Primo at nasa tabi ng mister na si Drew ay ito ang sinabi ni Primo.

“Papa, Mama has a baby, but it's only very, very tiny. It will grow.”

Si Drew napa-Oh my God nalang at napasigaw ng “Woah. What an adventure!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-amin ni Iya sa ngayon ay hirap na sila sa pag-aalaga ng kanilang anak. Pero labis silang natutuwa na may dagdag na miyembro sa kanilang pamilya.

“It’s already so hectic with three having to walk in mud. But because we want to be more intense and bring an addition to the family.”

Ito ang masayang sabi ni Iya na sinundan ng matamis na halik ni Drew. Pabiro rin itong nagsabi na “Ginusto natin to e!” na sinundan ng tawanan ng mag-asawa.

BASAHIN:

Iya Villania warns parents: “Drew and I never thought this could happen from wiping your nose so much”

Iya Villania ibinahagi ang sikreto kung paano i-potty train ang kaniyang mga anak

Mommy duty while working! Iya Villania, nagpa-breastfeed habang live sa ‘Chika Minute’

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iya Villania pregnancy experience with her baby #4

Image from Iya Villania's Instagram account

Sa parehong vlog ay ibinahagi ni Iya ang naging first check-up niya sa doktor na sinabing sa June 15 ang expected due date niya. Pagbabahagi rin ni Iya ay hindi naging madali ang unang mga buwan ng pagbubuntis niya dahil sa morning sickness na naranasan niya. Ito rin ang dahilan kung bakit nahirapan siyang itago ito bilang sikreto.

“This time around medyo nag-struggle na ko to keep it as a secret. Morning sickness this time around has not been good.  Actually, medyo all day sickness so that’s been the hardest part. The things that I used to like hindi ko na masyadong type.”

Ito ang pagbabahagi ni Iya. Isa nga daw sa mga inaayawan niya ngayong buntis siya ay ang mga juices niya na nakaugalian niyang inumin sa umaga at sa gabi bago siya matulog. Palagay ni Iya, ito ay dahil narin sa edad niya at syempre sa iba’t-ibang karanasan talaga ng pagbubuntis sa bawat bata.

August 30, 2016 ng ipanganak ni Iya ang panganay niyang si Primo. Matapos ang dalawang taon, August 19, 2018 ay ipinanganak niya ang second baby niyang si Leon. Habang si Alana, ang kaniyang baby girl ay ipinanganak niya nito lamang July 18, 2020.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Iya Villania's Instagram account

 

Congrats Iya and Drew!

Source:

GMA