WATCH: Iya Villania ibinahagi kung paano siya nanganak sa panahon ng COVID-19

WATCH: Iya Villania ibinahagi kung paano siya nanganak sa panahon ng COVID-19

Congrats Mommy Iya and Daddy Drew!

Dalawang linggo na ang nakakaraan bago isinilang ni Mommy Iya Villania ang si baby Alana, panoorin ang kanyang delivery journey vlog sa kanyang 3rd baby!

Iya Villania vlog baby Alana

Mom of three na ang celebrity mom na si Mommy Iya Villania! Matatandaang noong July 18, ipinanganak niya ang kaniyang 3rd baby na si Alana.

Nitong linggo lamang, ibinahagi ng celebrity mom ang kaniyang naging delivery journey.

Mapapanood sa video na sobrang chill lang ni Mommy Iya habang siya ay nanganganak. Nakaalalay naman ang mga nurse at doctor sa loob ng delivery area.

iya-villania-vlog-baby-alana

Iya Villania ibinahagi kung paano siya nanganak sa panahon ng COVID-19 | Image from Life with the Arellanos Vlog

Bago pa lamang ito, aminado si Mommy Iya na takot siyang maging baby girl ang kanilang magiging anak ni Daddy Drew. Ito ay dahil takot pa siyang lumaki ang magiging anak niyang babae sa panahon ngayon. Bukod pa rito, mga gamit ng baby boy ang mga nakahandang gamit para rito.

Ayon kay Mommy Iya, hindi niya inaasahan na magiging babae ang kanilang magiging anak.

“Wala akong hinandang pambabae, at all.”

Sa kabila nito, makikita mo pa rin ang pagiging emosyonal mommy ni Iya habang karga ang kaniyang baby girl.

iya-villania-vlog-baby-alana

Iya Villania ibinahagi kung paano siya nanganak sa panahon ng COVID-19 | Image from Life with the Arellanos Vlog

Kinabukasan, umuwi na rin agad sila sa kanilang bahay. Sinabi pa nito na hindi siya makapaghintay sa magiging reaction nina Kuya Primo at Kuya Leon kapag nakita ang kanilang little sister na si baby Alana.

Kitang-kita ang excitement ng pamilya ni Iya at Drew sa kanilang munting anghel.

Ang celebrity couple na sina Iya at Drew ay nagpakasal noong 2014. Mayroon silang dalawang anak na si Primo at Leon.

 

 

BASAHIN:

Iya Villania, inaming takot siyang babae ang third baby nila ni Drew

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner