Ayon sa mga eksperto, ang iyak ng baby ang isa sa mga communication method nila. Kaya naman mahalaga sa mga parents na maintindihan ito dahil may kakayahan daw ang mga magulang na maintindihan ang bawat pag-iyak ng kanilang mga anak,
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Iyak ng baby dapat pag-aralan
- Bakit importanteng mapag-aralan ito?
Iyak ng baby dapat pag-aralan
May kakayahan ang adult na magsabi ng kanilang mga nararamdaman through speaking. Maaari nilang sabihin na nagugutom sila, naiinitan, o anumang pakiramdam na nagbibigay sa kanila ng discomfort. Kaiba sa mga baby, hindi pa nila kayang sabihin agad ang kanilang hinaing. Ang kanilang main na ginagamit pang communicate? Pag-iyak.
May kakayahan daw ang nanay na ma-identify ang iyak ng bata kung ano ang dahilan nito. May paliwanag din ang eksperto hinggil dito.
Larawan mula sa Shutterstock
Exposure and Experience
Sa isang pag-aaral na nailathala sa Current Biology nitong August 8, 2022. May dahilan daw kung bakit kaya ng isang ina na ma-identify ang iyak ng bata. Ito raw ay mula sa experience. Sa pangunguna nina Nicholas Mathevon, David Reby, at Roland Peyron na mula sa University of Saint-Etienne ay nadiskubre nila ang sagot na ito.
Inalam kasi nila kung paano ba pinakikinggan ng mga tao ang iyak ng bata upang malaman ang impormasyon tungkol sa pagkaintindi ng mga magulang dito.
Inaral nila ito sa pamamagitan ng pagre-recruit ng mga taong may iba’t ibang karanasan sa pag-aalaga ng bata. Mayroong wala talagang experience, baby sitter, at mayroon namang mga magulang na rin.
Binigyan nila ang mga ito ng short training phase kung saan pinarinig nila ang walo na discomfort cries ng mga baby nang ilang araw. Tsaka nila tiningnan kung paano ine-encode ng participants ang iyak ng bata. Mula rito, inalam nila kung sino-sino ang kayang magsabi kung ang iyak ba ay isang discomfort o isang pain.
“We found that the ability to detect pain in cries — that is, to identify a pain cry from a mere discomfort cry — is modulated by experience of caring for babies.”
Pagsasalaysay ni Mathevon, experience raw talaga ang pangunahing rason kung paano malalaman ang iyak ng isang baby.
“Current parents of young babies can identify a baby’s pain cries even if they have never heard this baby before, whereas inexperienced individuals are typically unable to do so.”
Malinaw na nakita nilang ang mga taong wala pang anak ay wala talagang kakayahan na malaman kung bakit nga ba umiiyak ang bata. Samantalang, nakita rin nilang ang mga magulang na may mga matatanda nang anak ay hindi rin gaanong alam kung paano malalaman ang dahilan ng pag-iyak ng bata.
“Only parents of younger babies were also able to identify the crying contexts of an unknown baby they had never heard before.”
Larawan mula sa Shutterstock
Ayon sa author ng pag-aaral na si Siloe Corvin, ang pinakamayroong kakayahan daw nito ay mga magulang na bata pa lamang ang mga anak. At ang mga professional caregivers ay hirap naman intindihin ang pag-iyak ng baby.
“Professional pediatric caregivers are less successful at extending this ability to unknown babies.”
“This was surprising at first, but it is consistent with the idea that experienced listeners may develop a resistance that decreases their sensitivity to acoustic cues of pain.”
Ito ang sinabi ng co-author ng pag-aaral na si Camille Fauchon nang makita nila ang resulta ng research nilang ito.
Ibig sabihin lang daw hindi talaga natural na may kakayahan ang tao na malaman ang iyak ng mga baby. Dalawang dahilan kung bakit mas napapadali ang pagtuloy nito:
- Exposure – May mga taong kahit wala pang anak ay nalalaman ang kaibahan ng bawat iyak ng bata dahil sa pagka-expose niya sa mga ito. Malaking halimbawa na nga diyan ang healthcare professionals tulad ng caregivers.
- Experience – Of course, mayroon ding kakayahan ang parents dahil sila ang araw-araw na nakaranas nito. Mas accurate nga lang para sa young moms dahil hindi pa nila nalilimutan kung paano tutukuyin ang iyak ng bata.
Larawan mula sa Shutterstock
Bakit kailangan pag-aralan ang iyak ni baby?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit ginagawa ng researcher na malaman kung natutukoy ba ng tao ang iyak ni baby? Narito ang iba’t ibang dahilan nito:
- Mayroong impormasyon ang iyak ni baby na nae-encode sa acoustic structure niya.
- Mahalagang ma-recognize ng parents ang dahilan kung bakit umiiyak si baby. Ito ay upang malaman agad kung paano masosolusyunan ito.
- Male-lessen ang pagod na mararamdaman ng ina. Dahil natutukoy niya kung ano ang gusto ng bata upang tumahan.
- Makapagbibigay ng mas mahabang tulog both sa parents at kay baby.
- Stronger bond dahil nauunawaan kaagad ang hinaing ng bata.
Kung hindi na normal ang pag-iyak ng bata, halimbawa ay oras-oras kahit kakain niya pa lang o kaya naman komportable naman siya; maaaring mayroon siyang iniindang labis na sakit. Sa ganitong kalagayan, mas mainam na kumonsulta na sa mga eksperto upang masolusyunan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!