Iza Calzado ibanahagi ang the best advice na natanggap niya bilang isang ina. Inalala niya rin ang kaniyang namayapang ina na sana ay mas naka-bonding niya daw noon tulad nila ngayon ng anak niyang si Deia.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Iza Calzado as a mom.
- Pag-aala ni Iza sa kaniyang namayapang ina.
- The best advice na nakuha ni Iza Calzado sa pagiging ina.
Iza Calzado as a mom
Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado
Makikita sa mga social media post ni Iza Calzado kung paano niya nai-enjoy ang pagiging isang ina. Sa isa mga latest post niya nga ay ibinahagi niya kung paano sila naglaro ng bahay-bahayan ng anak niyang si Deia sa kanilang bahay. Si Deia makikitang enjoy na enjoy na parehong makalaro ang kaniyang mommy na si Iza at daddy na si Ben Wintle.
Pag-aala ni Iza sa kaniyang namayapang ina
Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado
Sa isang hiwalay na post naman noong nakaraang linggo ay inalala ni Iza ang kaarawan ng kaniyang namayapa ng ina na si Mary Ann Ussher. Ibinahagi niya rin ang kaniyang realizations ngayong siya ay isa ng ina. Sana daw ay mas naging close siya noon sa kaniyang mommy. Dahil ngayon na siya ay may anak na, na-realize niya kung gaano kalaking bagay para sa inang tulad niya ang maging close sa kaniyang anak.
“Mama, I wish I was a better friend to you. I was too young to understand. Now that I have my own child, I will do my best to be a good mother and friend to Deia and keep your memory alive through the stories of Lola Tisay that I will share with her.
I miss you and, yes, I love you. Happy Birthday, Mama! 💝”
Ito ang birthday message pa ni Iza sa kaniyang ina.
Taong 2001 ng masawi ang ina ni Iza. Base noon sa mga naunang reports ay cancer ang ikinamatay nito. Pero sa isang panayam sa aktres noong 2019 ay ibinahagi nito ang tunay na dahilan ng pagkawala ng ina.
Ayon kay Iza, ang kaniyang ina ay nag-suicide dahil sa depression at pakikipagbaka nito sa sakit na bipolar disorder. Kaya naman realization ng aktres, kung mas naging malapit sana siya sa kaniyang ina ay baka natulungan niya ito. Dahil sa ngayon ay nararamdaman niya ang magic at sayang naibibigay ng isang bata sa isang pamilya.
The best advice na nakuha ni Iza Calzado sa pagiging ina
Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado
Makikita natin sa mga post at panayam ni Iza kung paano niya maayos na pinalalaki ang anak niyang si Deia. Hindi man naabutan ito ng kaniyang ina na matagal ng namayapa, marami pa rin naman daw ang gumagabay kay Iza para magampanan ang new role niyang ito. Sa katunayan ay marami nga daw ang nagbibigay ng payo nila. Pero ang the best na advice na natanggap umano ni Iza sa pagiging ina ay ito.
“The best mother advice I’ve ever received is from Divine Lee: There is no advice. Cause there will be a lot of advice and it can get too much, so you don’t have to listen to everybody.”
“Just smile and say, ‘Okay.’ Sometimes, you just have to be dedma, people will always have something to say and you should know who to listen to. And at the end of the day, it’s you and your baby.”
Ito ang sabi pa ng aktres.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!