Iza Calzado ipinakita na sa publiko ang mukha ng kaniyang baby girl na si Deia Amihan

Pag-amin ni Iza, hindi madali ang pagiging isang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iza Calzado baby face nakita narin sa wakas ng publiko. Anak ni Iza, 3 months old na ngayon.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Iza Calzado ipinakita ang mukha ng kaniyang baby sa publiko.
  • Pakiramdam ni Iza sa pagiging isang ina.

Iza Calzado ipinakita ang mukha ng kaniyang baby sa publiko

Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado

Masayang ipinakita ng aktres na si Iza Calzado ang mukha ng kaniyang baby girl sa unang pagkakataon. Ang kaniyang baby na nagngangalang “Deia Amihan” ay 3 months old na ngayon.

Ayon kay Iza, napakabilis ng paglaki ng kaniyang baby at bilang magulang ay sisiguraduhin niya at mister niyang si Ben Wintle na bubusugin nila ng pagmamahal at pag-aalaga ang anak.

“Our little seedling is growing fast. As you turn 3 months old today, we set the intention of nurturing you so that you reach your fullest potential and fulfill your divine purpose in this world. By God’s grace, your future is brighter than we could ever imagine!”

Ito ang caption ng post ni Iza, kalakip ang cute na larawan ng kaniyang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pakiramdam ni Iza sa pagiging isang ina

Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa sa mga post ni Iza ay una niya ng ibinahagi na January 26, 2023 ng ipanganak niya ang kaniyang baby girl. Tulad ng iba pang first time moms, si Iza nakaramdam rin ng halo-halong emosyon na kaakibat ng pagiging isang ina.

“This photo was taken a few days after giving birth, right after I cried so hard from a few “failures” I felt I had as a new mother mixed with the deep love I was feeling for my child, the kind I have never felt for anyone before.”

“It’s quite a punch, the first few days, weeks post birth. Hindi siya madali. I am still recovering from it all but every day gets better and better.”

Ito ang bahagi ng caption ng post ni Iza na kung saan makikitang maga ang mata niya sa kakaiyak habang karga ang kaniyang baby.

Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement