Iza Calzado nai-enjoy ang unang pregnancy niya. Ibinahaging marami siyang natutunan ngayon sa kaniyang pagdadalang-tao.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Iza Calzado on her first pregnancy.
- Mga pagbabago sa buhay ni Iza Calzado mula ng magdalang-tao.
Iza Calzado on her first pregnancy
Happy na buntis kung titingnan ang aktres na si Iza Calzado sa kaniyang first pregnancy. Sa edad na 40-anyos ay makikitang ini-enjoy niya ang pagbubuntis habang patuloy na ginagawa ang kaniyang hilig sa pag-arte.
Sa naging press conference ng Viu original series na “K-Love”, ang latest project na ginagawa ngayon ni Iza, ikinuwento ng aktres ang nararamdaman niya ngayon na siya ay nagdadalang-tao. Kuwento ni Iza sa kaniyang pagbubuntis ay mas nakikilala niya ang sarili niya. Mas nagiging conscious rin siya sa mga bagay na kaniyang ginagawa pati sa kaniyang mga kinakain.
“I am learning a lot more about myself. You make a lot of decisions that are no longer just for you and you are thinking—especially that the baby is still inside me… You are really conscious about what you are eating and it’s so specific.”
Ito ang sabi pa ni Iza sa panayam ng theAsianparent Philippines.
Dagdag pa niya, ay hindi lang ang sarili niya ang mas nakikilala niya sa ngayon. Ganoon rin ang mister niyang si Ben Wintle na kasama niya sa pagharap sa bagong yugto na ito ng kanilang buhay bilang mag-asawa. Dahil nga daw dito, ay mas nagiging masaya ang pregnancy journey niya.
“And you are learning about your partner. And not all who’s carrying a child could say that. And for me, I can say I have a partner in life. Because you are going through a lot of things together. It’s been great so far, some challenges along the way but you know, it’s all part of it.”
Pagbabahagi pa ni Iza, bagamat 40-anyos na siya ng mabuntis ay hindi kailanman siya nakaramdam ng pressure mula sa pamilya niya noon na magkaanak na. Lalong-lalo na nga daw mula sa pamilya ng kaniyang mister na alam niyang matagal ng gustong magkaroon ng apo sa kanilang mag-asawa.
Iza Calzado sa pagbubuntis sa edad na 40-anyos
Larawan mula sa Instagram account ni Iza Calzado
Nitong Agosto inanunsyo ni Iza Calzado na siya ay nagdadalang-tao kasabay ng kaniyang kaarawan. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng isang Instagram post na kung saan makikita ang isang larawan na hawak-hawak ni Iza ang kaniyang baby bump habang masayang niraramdam ang sikat ng araw.
Sa caption ng post na ito ni Iza ay sinabi niya kung gaano siya ka-fulfilled sa kaniyang buhay ngayong siya ay 40-anyos na. At bagamat hindi inaasahan at wala sa plano, alam niya perfect timing ang pagbubuntis niya.
View this post on Instagram
“They say life begins at 40.”
“So I had all these big plans for my for 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed a few of the exciting projects lined up for me and there were a few dream projects in the pipeline. I was ready to usher in this new chapter in my life.”
“Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan.”
Ito ang bahagi ng post ni Iza tungkol sa kaniyang 40th birthday at pagbubuntis.
Mensahe ni Iza para kaniyang dinadalang sanggol
Larawan mula sa Instagram account ni Iza Calzado
Nagbigay rin siya ng mensahe para sa baby niyang ipinagbubuntis at kung paano nito binibigyan ng bagong direksyon at purpose ang buhay niya ngayon.
“Something deep inside me knows that you will propel me to greater heights to soar higher than ever before in ways I cannot even begin to imagine. You will give me THE WHY, THE PURPOSE, THE DIRECTION in life, and I embrace you in my life as we build, along with Ben — your dad, a FAMILY!”
Sabi pa niya ay milagro para sa kaniya ang pagbubuntis sa anak. Kaya naman very thankful ang aktres sa Diyos sa ibinigay nitong most beautiful birthday gift sa kaniyang naging ika-40 na kaarawan.
“They were right. Life does begin at 40. Simply put, your life begins as your mother turns forty. To know that life is growing inside me is a great miracle. You are my miracle. You are my guiding light.”
“Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE.”
Ito ang sabi pa ni Iza.
Sa isang panayam ay ibinahagi rin ni Iza kung paano naging smooth ang first trimester ng pagbubuntis niya. Hindi daw siya nakaranas ng morning sickness at nagagawa parin ang ilang bagay na ginagawa niya noon.
Pagdating sa kung kalian siya manganganak, sabi ni Iza, ito daw ay mangyayari early next year.
“It’s been a relatively smooth pregnancy but there was a major challenge which I’ll share next time. But so far it’s been a breeze. I didn’t really get morning sickness, I’ve been able to work out. I’m so grateful. I’m enjoying it. It really came at a perfect time because even if it was unplanned, I’ve been ready for it pala. So I’m due early next year.”
Ito ang sabi pa ni Iza Calzado tungkol sa kaniyang first pregnancy.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!