Iza Calzado nagdiwang ng 41st birthday bilang isang ina: “I never thought that one day I’d be thinking about someone else more than me on my birthday.”

Hiling ni Iza sa kaniyang birthday, sana mamana ng anak na si Deia ang hilig niya sa pagsasayaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iza Calzado nagdiwang ng kaniyang 41st birthday. Ayon sa aktres, sa ngayon ay wala na siyang mahihiling pa. Sapagkat napakasaya niya as a mom sa anak niyang si Baby Deia.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Iza Calzado 41st birthday celebration.
  • Hiling ni Iza sa kaniyang birthday.

Iza Calzado 41st birthday celebration

Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado

Nitong Agosto 12 ay nagdiwang ng kaniyang 41st birthday ang aktres na si Iza Calzado. Si Iza hindi nagkaroon ng bonggang handaan. Dahil ayon sa kaniya ang makasama ang kaniyang baby na si Deia sa kaniyang birthday ay sapat na. Dagdag pa ng first-time mom, sa ngayon kahit kaniyang birthday ang anak na si Deia parin daw ang nasa isip niya.

Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado

“Celebrating my birthday with our baby Deia is all that I could wish for. I never thought that one day I’d be thinking about someone else more than me on my birthday. Now, that’s a miracle! ?. Cheers to 41!”

Ito ang sabi pa ni Iza sa kaniyang Instagram tungkol sa kaniyang birthday.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hiling ni Iza sa kaniyang birthday

Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado

Pero maliban sa birthday celebration kasama ang kaniyang pamilya, si Iza ipinagdiwang ang kaniyang birthday sa pamamagitan ng isang bagay na malapit sa puso niya. Ito ay ang pagsasayaw kasama ng mga tulad niyang dance enthusiast. Syempre habang ini-enjoy ni Iza ang moment na ito ay nandoon rin ang kaniyang mister na si Ben Wintle at anak nilang si Deia.

Ayon pa kay Iza, kung may isang hiling nga siyang nais matupad hindi lang para ngayon sa kaniyang birthday, ito ay ang sana mamana ng anak ang pagmamahal niya sa pagsasayaw. Dahil ayon kay Iza, may kakaibang epekto ito sa kaniyang pagkatao at paraan niya rin para magkaroon ng connection sa namayapa ng amang si Lito Calzado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Dancing is a way for me to connect — with my body, to the present moment, with kindred souls and with my family particularly my father. My fervent wish is that my daughter shares this love for dance with me. May it light up her soul and be a way for her to feel that we are connected, forever. ??❤️✨”

Ito ang sabi pa ni Iza Calzado kaugnay sa pagdiriwang niya ng kaniyang 41st birthday.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement