Iza Calzado ibinahagi ang kaniyang postpartum experience at kung paano niya inaalagaan ang kaniyang sarili matapos manganak.
Mababasa dito ang sumusunod:
Iza Calzado on postpartum care
Sa kaniyang pinaka-latest na Instagram post ay nagbigay ng paalala ang aktres na si Iza Calzado tungkol sa postpartum care. Sabi niya mula sa pagbubuntis at panganganak sa pamamagitan ng emergency cesarean section delivery maraming pagbabago ang nangyari sa katawan niya. Idagdag pa ang demands ng pagiging ina sa isang newborn baby na ayon kay Iza ay mahirap.
Pagbabahagi pa ng aktres, sa ngayon, sumasakit na ang likod niya sa pagbuhat sa lumalaki niyang anak na si Deia. Kaya naman dahil sa sariling karanasan ay nagpaalala siya sa mga inang bagong panganak na tulad niya kung paano dapat ang tamang pag-aalaga ng kanilang sarili. Ito ay sa pamamagitan ng pag-prioritize ng kanilang sarili at pagsisigurong healthy at strong ang kanilang body.
Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado
“So mamas, don’t wait until you’re in pain before you prioritize yourself. Remember to stretch, strengthen your body and find your support system that will help you take care of your baby.”
Ito ang sabi pa ni Iza.
Developmental milestones ng anak ni Iza na si Deia Amihan
Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado
Sa kaniyang Instagram account parin ay ibinahagi rin ni Iza ang developmental milestones ng anak niyang si Deia Amihan na 6-months-old na ngayon. Mukhang ang pag-aalaga ni Iza sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagiging fit ay nagaya rin ng kaniyang anak. Dahil pagbabahagi ni Iza, nahihilig na sa pag-paplank at pushups ang anak niyang si Deia na nakakatuwang tingnan.
View this post on Instagram
Si Iza, ito ang sweet na mensahe sa kaniyang anak na si Deia.
“Malakas at Maganda, yan si Deia! ❤🔥
Deia started doing these push up to plank move early July. She’s getting stronger by the day and, clearly, she is getting ready to crawl.
As parents, we are merely here to guide and support her development. It’s such an honor to be a witness to it all.
Progress not perfection, anak. Always remember this. In our eyes, you are amazing! ✨”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!