Jaclyn Jose, labis na humahanga sa anak niyang si Andi. Pag-amin ng aktres ay natatakot din siyang magalit ang anak niya sa kaniya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Si Jaclyn Jose bilang isang ina.
- Kung bakit natatakot ang isang Jaclyn Jose sa mga anak niya.
Si Jaclyn Jose bilang isang ina
Isa si Jaclyn Jose sa mga hinahangaang artista dito sa Pilipinas. Marami na siyang napalunang award sa pagiging magaling na aktres. Pero sa role ng pagiging ina, aminado si Jaclyn na hindi niya ito maayos na nagampanan.
Sa interview sa kaniya ng showbiz reporter na si Ogie Diaz ay ibinahagi ni Jaclyn Jose ang mga nararamdaman niya bilang isang ina. Lalo na ngayon na malayo sa kaniya ang dalawa niyang anak na sina Andi at Gwen.
Ang anak niyang si Andi pinili ang manirahan sa Siargao kasama ang binuo nitong pamilya. Habang ang bunso niyang lalaki na si Gwen ay nag-aaral ngayon sa America.
Aminado si Jaclyn, na malungkot at mahirap ang mag-isa. Pero ito raw ay tinitiis niya para masuportahan lang ang mga anak sa buhay na pinili nila.
“Kailangan, wala akong choice. Ayokong pigilan yung mga anak ko sa mga gusto nilang gawin. Kung ano man gusto nilang tahakin, gusto ko silang hayaan. I want them to enjoy life kasi life is short.”
Ito ang nasabi ni Jaclyn sa interview sa kaniya ni Ogie na tampok sa YouTube channel nito.
Aktres labis ang paghanga sa anak na si Andi sa pagiging isang ina
Kuwento pa ng aktes, pagdating sa sakripisyo at pagiging ina labis niyang hinahangaan ang anak niyang si Andi. Sapakat hindi niya umano kaya ang ginawa nito na iniwan ang career para sa mga anak.
Kung papipiliin nga daw siya kung anak o career ay mas pipiliin niya ang career. Ito ang paliwanag niya kung bakit. Pagbabahagi niya,
“Kasi ako kapag pinapili ako kung sino pipiliin ko, anak o career? Career. Papano ko palalakihin ‘yong anak ko kung wala akong ipakakain.
Pero hindi ko ibig sabihin na pinili ko ‘yong career ko dahil mas mahal ko ‘yong career ko kesa sa anak ko. Mas mahal ko yung anak ko.”
Dagdag pa niya,
“‘Yong pagre-resign para sa mga anak hindi ko kayang gawin ‘yon. Doon ako believe na believe na sa kaniya. ‘Yong kinalimutan yung sarili, ‘yong lifestyle medyo sosyal ‘yan. Nakita kung gaano niya kamahal ‘yong mga anak niya.”
BASAHIN:
Andi Eigenmann on fiance Philmar: “It is very sad that he is being accused of stealing donations”
Ogie Diaz sa mga magulang: “‘Wag ipamulat sa anak na kailangan “kumita” ‘pag Pasko.”
Maggie Wilson umalma na hindi nakasama ang anak noong Pasko: “I was refused time with my son Connor”
Jaclyn Jose aminadong may pagkukulang sa mga anak niya
Image from Jaclyn Jose’s Instagram account
Kuwento pa ng aktres, naintindihan niya naman kung bakit ganoon nalang ang naging desisyon ni Andi. At isinisisi niya ito sa mga panahong hindi niya nagampanan ang role niya bilang ina ng lumalaki ang mga anak niya.
“Nagkaanak siya, nagkaroon ng pamilya. Siguro sabi niya ayokong mangyari sa ‘kin ‘yong nangyari sa nanay ko na hindi ako nakitang lumaki.”
Ito ang sabi pa ng aktres na inalala pa ang mga panahong wala siya sa tabi ng anak. Tulad na lang ng mga activity ng mga ito sa school at iba pang family events.
Kaya naman sa ngayong malalaki na ang mga anak niya at kaya ng gumawa ng desisyon para sa sarili nila, ay hinahayaan nalang ni Jaclyn ang mga ito.
Dahil una, tiwala ito sa mga anak niya, at pangalawa pag-amin ng aktres takot siya sa mga anak at ayaw niyang magalit ang mga ito sa kaniya.
“Mas iniisip ko na ‘yong galit ng anak ko kaysa sasabihin ng mga tao,” sabi pa ng aktres.
Sa ngayon ay mag-isa si Jaclyn na nakatira dito sa Maynila. Nang matanong nga kung bakit ayaw niyang humanap ng makakasama ay ang anak parin niya ang una niyang inalala.
“Nung time na tinanong ako bakit hindi ako magka-partner? Naubusan na kasi ako ng time. Kung magkakaroon ako ng katuwang tapos ‘yong anak kong lalaki maiilang o mawawalan ng lugar sa akin, hindi bale na lang. Mas pipiliin ko na sila na lang, ganoon ko kamahal ang mga anak ko.”
Ito ang sabi pa ng aktres na ibinahagi ring miss na miss na ang anak na lalaking si Gwen na napaka-lambing daw sa kaniya.
Jaclyn Jose with son Gwen, daughter Andi and grand daughter Ellie
Mensahe para sa mga iba pang mga magulang
Sa huli ay may mensaheng iniwan si Jaclyn sa ibang mga magulang. Ito ay respetuhin at magtiwala sa mga anak ng tulad ng ginagawa niya.
“Maaaring tayo ang nagluwal sa kanila, nagbigay ng buhay pero huwag nating kalimutan na may buhay rin sila at may karapatan na ipaglaban ang kung ano ang tingin nilang tama.
Makinig din tayo sa kanila. At hindi porke’t nanay tayo at anak sila lagi na tayong tama. Makinig nalang tayo saka tayo mag-desisyon. I-trust natin sila.”