Jake Ejercito hindi agad naamin sa kaniyang ama na may anak na siya: "Mas naunang nalaman nila Kuya"

Para sa may mga half-siblings, narito ang payo ni Jake.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jake Ejercito sinabing walang paborito si Erap sa kanilang mga anak niya. Kahit magkakaiba sila ng ina, sabi ni Jake pantay-pantay ang tingin at trato sa kanila ng ama.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Paglalarawan ni Jake Ejercito sa ama at dating pangulong Erap Estrada.
  • Mga paalala at payo ni Erap kay Jake.

Paglalarawan ni Jake Ejercito sa ama at dating pangulong Erap Estrada

Image from Jake Ejercito’s Official Facebook account

Si Jake Ejercito ang isa sa naging tatlong anak nina dating Pangulong Erap Estrada at actress turned politician na si Laarni Enriquez.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na sina Jake ay hindi tulad ng mga typical na pamilya. Dahil si Erap ay may iba pang nakarelasyon at mayroong naging anak sa kanila.

Sa pinakabagong vlog ng showbiz host at reporter na si Ogie Diaz ay nakapanayam niya si Jake kasama ang nakakatanda nitong kapatid na si Jinggoy Estrada. Si Jinggoy ay isa sa mga naging anak nina Erap at Dra. Loi Ejercito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento ni Jake, noong bata pa siya naging mahirap din sa kaniyang intindihin ang family set-up nila. Naguguluhan pa nga siya noon at tinatawag ang mga nakakatanda niyang kapatid na anak nina Erap at Dra. Loi na kuya.

“There was a time noong 4 o 5 palang ako lagi akong nagkakamali, tinatawag ko siyang tito. Kasi hindi ko naman siya nakikita sa bahay namin so hindi pumapasok sa akin na kuya ko pala siya.

So siyempre as a young kid it took me a while to digest na maintindihan na ganun yung set up. Ganun yung pamilya namin.”

Ito ang kuwento ni Jake.

Jake very close at maayos ang relasyon sa mga half-siblings niya

Sabi pa niya, kahit magkakaiba ang mga ina nila ay very close siya sa kaniyang mga Kuya. Lalo na sa dating senador na si Jinggoy Estrada na tumayong father figure sa kanila.

“He’s always very open and approachable lalo na sa aming magkakapatid. Considering na half-sibling lang ako or kami. Hindi naging mahirap sa akin na maramdaman na Ejercito ako. And for that, I’ll be forever grateful.”

Ito ang sabi pa ni Jake.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa katunayan, dagdag pa niya, natakot daw siya noong una na sabihin kay Erap na may anak na siya. “Mas nauna nalaman nila Kuya”, sabi pa ni Jake.

Kuwento ni Jake, kahit hindi nag-uusap ang mga ina nila ng iba niyang mga kapatid nagpapasalamat siya na maayos ang relasyon nila. Walang selosan na resulta rin naman daw ng pantay-pantay na pagtingin sa kanila ng kanilang ama na si Erap Estrada.

“Hindi niya inoorasan. He makes it a point na mapuntahan niya lahat. Ever since nung bata kami, noong Vice President at President siya, kapag tulog na kami sa gabi madalas late na ‘yang umuuwi galing trabaho, ginigising talaga kami kahit may pasok pa siya kinabukasan. Kasi yun lang yung time namin.”

Ito ang pagkukuwento ni Jake tungkol sa kaniyang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Jake Ejercito’s Official Facebook account

BASAHIN:

Jake Ejercito on co-parenting: “Hindi siya madali. Marami kaming pinagdaanan bago kami dumating dito.”

Jake Ejercito, sinagot ang netizen na nagsabing “itinago” niyang anak niya si Ellie

Karla Estrada to her kids: “Wala namang one night stand sa mga ama niyo—taon ang binilang ng mga pinagsamahan namin”

Payo at paalala ni Erap kay Jake bilang isang ama

Bilang ama, ay may laging paalala daw si Erap kanila Jake at sa iba pang mga kapatid niya. Nangunguna na rito ang magtapos sa kanilang pag-aral at huwag tumulad sa kaniya.

“Frustration ni Daddy ‘yon. Ayaw niyang mangyari sa amin, maranasan namin ‘yong naranasan niya. ‘Yong pangungutya sa kaniya nung maging public figure na siya. Kaya yun yun ini-instill niya talaga sa amin, ‘yong matapos namin ‘yong studies namin.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Jake Ejercito’s Official Facebook account

Kung isasalarawan nga daw si Erap ayon kay Jake, ito ay isang great provider. Dahil wala itong pinabayaan sa kanilang magkakapatid. Hindi nga daw niya malilimutan ang sinabi nito sa kaniya noong dumating na si Ellie sa buhay niya.

“May anak ka na kailangan mo ng tumino. Hindi lang sarili mo ang kailangan mong isipin. So ‘yong dumating si Ellie, talagang one hundred eighty degrees. I had to man up and take responsibility. “

Ito umano ang dahilan kung bakit as much as possible ay sinusulit niya ang oras niya kasama si Ellie. Dahil ayon kay Jake, “I am just trying to be the best father that I could be for my daughter.”

Pagdating naman sa mga batang tulad niya na hindi usual ang set-up kanilang pamilya, o may mga kapatid sa ama o ina, ito ang mapapayo niya.

“Kahit mas nakakakabata kang kapatid, just know your place. Dapat nandun yung respeto, pagmamahal, huwag magseselos.”

Ito ang sabi pa ni Jake.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement