Ina Raymundo, ibinahagi sa kaniyang Instagram post ang litrato ng kaniyang 17-year-old son na si Jakob Poturnak noon at ngayon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ina Raymundo ibinahagi ang litrato nila ng kaniyang anak na si Jakob
- 5 mga bagay tungkol kay Jakob Poturnak
- 3 bagay na hindi dapat gawin kapag ikaw ay nagpapalaki ng lalaking anak
Ina Raymundo ibinahagi ang litrato nila ng kaniyang anak na si Jakob
Isa si Ina Raymundo sa mga celebrity mom sa Pilipinas na mahilig mag-post sa social media ng litrato ng kaniyang mga anak. Bilang ina, proud na proud si Ina sa kanilang limang gwapo at naggagandahang anak ng kaniyang Canadian husband na si Brian Poturnak.
Larawan mula sa Instagram account ni Ina Raymundo
Kamakailan lamang ay muli siyang nag-upload ng picture nila ng kaniyang anak. Sa pagkakataong ito, si Jakob Poturnak na kaniyang 17-year-old son, ang kaniyang kasama.
“The upside to having a tall son, he looks like my “Kuya”” pagbabahagi ni Ina Raymundo.
Ayon sa kaniya, para na lamang niyang nakatatandang kapatid ang kaniyang unico hijo na si Jakob. Sa kasalukuyan, nasa humigit kumulang 6 feet o nasa anim na talampakan na ang taas ng anak ni Ina na sa Jakob.
Larawan mula sa Instagram account ni Ina Raymundo
Bukod pa rito, mabilis ang naging paglaki at pagbibinata ng kaniyang anak. Subalit ang 46-year-old na si Ina, tila edad lang ang nadadagdagan dahil hanggang ngayon ay fresh at young-looking mom pa rin.
Kung sila ay titignan, aakalain ng mga tao na sila ay magkakakapatid lamang. Dahil kahit lima na ang kaniyang mga supling, hindi nabawasan kundi lalo pang nagningning ang angking kagandahan ng aktres.
Samantala, naging sentimental naman si Ina nang kaniyang mapagtanto ang mabilis na pagbibinata ng kaniyang anak. Pagtatanong niya,
“On a serious note, where did my little munchkin go?”
Larawan mula sa Instagram account ni Ina Raymundo
Mula sa pagiging cute little baby boy, ngayon ay binata na ang kaniyang unico hijo at malaki na rin ang naging katangkaran sa kaniya. Ipinakita ni Ina ang throwback picture ng kaniyang anak, at siya ay na-amaze sa sobrang laki ng pisikal na pinagbago nito.
Larawan mula sa Instagram account ni Ina Raymundo
5 mga bagay tungkol kay Jakob Poturnak
Si Jakob Poturnak ang nag-iisang anak na lalaki ng batikang aktres na si Ina Raymundo. Habang tumatagal, mas lalong dumarami ang humahanga kay Jakob sa mundo ng social media.
Hindi naman din kasi maitatanggi ang magandang mukha na kaniyang minana sa mga magulang na sina Ina Raymundo at Brian Poturnak.
Curious ka rin ba sa unico hijo ni Ina? Narito ang ilang mga bagay na maaari mong malaman tungkol kay Jakob Poturnak:
Larawan mula sa Instagram account ni Ina Raymundo
1. Kamakailan lamang ay natanggap siya bilang isa sa D1 college baseball player sa U.S.
Katulad ng kaniyang nakatatandang kapatid, si Jakob ay magaaral ng kolehiyo sa U.S. Isa siya sa mga D1 baseball player sa Xavier University sa Cincinnati Ohio.
2. 6’0 ang kaniyang taas
Sa edad na 17, umabot na sa anim na talampakan ang kaniyang taas. Dahil siya ay nasa kaniyang teenage years pa rin, inaasahang mas lalo pa siyang tatangkad sa mga susunod na taon.
3. Siya ang pangalawa sa limang magkakapatid
Narito ang pagkakasunod-sunod ng magkakapatid base sa edad mula pinakamatanda hanggang pinakabata:
– Erika Rae
– Jakob
– Mikaela Jade
– Anika Sage
– Minka Eve
4. “Sonshine” kung tawagin siya ng kaniyang ina
Parating ginagamit ng aktres na si Ina Raymundo ang hashtag na #myonlysonshine kapag mayroon siyang ipinopost tungkol kay Jakob.
Binansagan niyang “Sonshine” si Jakob dahil siya lamang ang nag-iisang anak nitong lalaki.
5. Mahilig sa music
Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang kanilang pamilya ay mga talentado, mula sa magulang hanggang sa mga anak.
Katulad ng mga kapatid niya, mahilig din sa music si Jakob. Kung iyong bibisatahin ang mga Instagram post ni Ina, makikita rito ang video ni Jakob habang tumutugtog ng piano.
Larawan mula sa Instagram account ni Ina Raymundo
BASAHIN:
10 tips para mapalaki ang anak na lalaki na may respeto sa mga babae
5 espesyal na tungkulin ng ama sa anak na lalaki
LOOK: Erika, kahawig na kahawig ng kaniyang Mommy Ina Raymundo sa pre-debut photo shoot
3 bagay na hindi dapat gawin kapag ikaw ay nagpapalaki ng lalaking anak
-
Huwag maging over-controlling na magulang
Karaniwan sa mga lalaki, mas natututo sila sa kanilang sariling karanasan. Kadalasan, mas tumatatak sa kanilang isipan ang mga hindi magagandang bagay na nangyari sa kanila.
Hindi mo sila pababayaan lang, subalit mahalaga na hayaan mo silang magkamali upang sila mismo ang makakita ng kahihinatnan ng mga pagkakamaling ito.
Muli rito, mas marami silang matututunan sa kung ano ang mga bagay na totoong nangyayari sa kanila at sa paligid nila.
-
Hindi dapat sabihing ang tunay nalalaki ay hindi umiiyak o natatakot
Mahalaga na maintindihan nila at ma-express nila ang kanilang emotion sa healthy na paraan, katulad na lamang ng pag-iyak. Mahalagang maintindihan nila ang kanilang sariling emosyon upang sila ay mahubog sa pagiging mabait, marunong makiramay, at maintindihing lalaki.
Bukod pa rito, dapat nilang maintindihan na ang takot ay normal lamang na maramdaman ng isang tao, lalaki man siya o babae.
-
Hindi dapat makalimutang turuan ang anak kung paano maging gentle sa mga tao
Bilang batang lalaki, normal lamang sa kanila ang maging makulit at magulo, lalo na sa kanilang mga kapatid, pamilya, kalaro, at mga kaibigan.
Sa paglalaro, minsan ay hindi naiiwasan ang sakitan. Kung hindi maaagapan, maaari nila itong dalhin hanggang sa kanilang paglaki.
Mahalaga na bata pa lamang malaman nila mula sa kanilang mga magulang kung ano ang mga bagay na dapat at hindi nila dapat gawin. Katulad na lamang ng hindi pagiging bastos at kawalan ng paggaling, lalo’t higit sa mga nakatatanda at mga kababaihan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!