Mababasa sa artikulong ito:
- Mga tungkulin ng ama sa anak na lalaki.
- Paano nakakaapekto ang ama sa overall development at magiging ugali ng anak niyang lalaki.
Tungkulin ng ama sa anak na lalaki/ Car photo created by jcomp – www.freepik.com
Tungkulin ng ama sa anak na lalaki
Sa tulong ng iba’t ibang mga pag-aaral, ay ibinahagi ng child psychologist na si Daniel Flint ang mga espesyal na tungkulin ng ama sa anak na lalaki. Kung paano nakakaapekto ang presensya ng mga ito sa pag-uugali ng kanilang anak na lalaki habang sila ay lumalaki.
Sa ginawang analysis ni Flint, ang mga tungkuling ito ay ang sumusunod na may positibong epekto sa kanilang mga anak.
1. Maging gabay at halimbawa sa kaniyang anak sa paggawa ng mabuti.
Ayon sa isang mahabang pag-aaral, natuklasang malaki ang impluwesiya ng ama sa paggawa ng mabuti o masama ng kaniyang anak na lalaki. Base sa ginawang pag-aaral natuklasang totoo ang kasabihang, “an apple doesn’t fall far from the tree”.
Natuklasan kasi ng pag-aaral, na may 40% ng mga anak na lalaki ang gumawa ng krimen o delinquent act tulad din ng mga law-breaking nilang ama. Habang may naitala naman na 4% lang ng mga anak na lalaki na may law-abiding fathers ang nakagawa ng mga activities na labag sa batas.
Ang findings na ito ng pag-aaral ay apektado rin ng iba’t ibang social cultural factors. Subalit makikita na may correlation o koneksyon ang pag-uugali ng ama sa magiging ugali ng lalaking anak nila. Ang pag-aaral ay ginawa sa halos 5 libong ama at higit 8 libong anak na lalaki.
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
2. Sila ang pinagkukunan ng anak ng mga impormasyong tungkol sa sex o pakikipagtalik.
Base naman sa isa pang pag-aaral , mahalaga ang role ng mga ama sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa sex sa mga anak nilang lalaki. Bagama’t sinasabing maaari naman itong i-discuss ng mga ina.
Mas naiintindihan umano ng mga anak na lalaki ang anumang tungkol rito kung ang impormasyon at pagpapaliwanag ay nagmula sa ama nila. Sapagkat pagdating sa usaping sex at heterosexual relationships, sa loob ng tahanan ay ang mga lalaki pa rin ang tinitingnang superior ng mga anak nila.
Ang mga findings na ito ay base sa isang pag-aaral na nailathala sa The Journal of Sex Research.
BASAHIN:
5 tungkulin na kailangan gawin ng mga Daddy para sa mga anak na babae
STUDY: Ilang dahilan kung bakit hindi pa handang maging tatay ang ilang lalaki
STUDY: Health ni daddy maaaring maging dahilan ng miscarriage at stillbirth kay baby
3. Malaki ang impluwensiya nila sa msgiging pag-uugali ng kanilang anak kapag sila’y naging magulang na rin.
Pagdating sa pagkakaroon ng sarili nilang pamilya, natuklasan ng isang 2020 study na malaki ang impluwensiya ng mga ama sa magiging ugali ng anak nilang lalaki .
Lalo na kapag ang mga ito ay may pamilya o mga anak na. Ito ay kahit hindi sila magkasama sa iisang bahay o ang anak na lalaki ay lumaking magkahiwalay ang magulang niya.
Natuklasan kasi ng pag-aaral na ang amang may communication at involvement sa buhay ng anak niyang lalaki ay nagtuturo sa anak niyang maging competent father. Ganoon din ang maging less violent kapag sila’y lumaki at magkaroon na ng sarili rin nilang pamilya.
Sale photo created by pressfoto – www.freepik.com
4. Ang oras na ibinibigay ng ama sa mga anak nilang lalaki ay nakatutulong para maiwasang lumaking matigas ang kanilang ulo. Ganoon din upang makaiwas silang makaranas ng anxiety at depression.
Ang presenya ng isang ama sa buhay ng kaniyang anak anuman ang kasarian nito ay mahalaga. Subalit ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Psychology of Men & Masculinity journal. Pagdating sa mga externalizing behavior tulad ng disobedience at aggression at pati na rin sa internalizing behaviors.
Tulad ng anxiety at depression malaki ang ginagampanang papel ng mga ama para maiwasang maranasan ito ng anak na lalaki nila. Ito ay sa pamamagitan ng pag-spend ng quality time kasama ang kanilang anak.
Tulad ng madalas na pag-shoshopping, pagkain sa labas, paglalaro ng isang sport o kahit ang pagluluto. Mas mahabang quality time sa pagitan ng father and son, mas mababang tiyansa na makaranas umano ang mga ito ng sintomas ng mga nabanggit na negative na pag-uugali at kondisyon.
5. Ang pagpaparamdam ng warmth, affection at tenderness ng ama sa mga baby boys nila ay nakakaapekto sa cognitive ability nito paglaki.
People photo created by yanalya – www.freepik.com
Napaka-sweet at interesting naman ang natuklasan ng isang pag-aaral pagdating sa relasyon ng ama sa kaniyang anak na lalaki. The more daw na ipinaparamdam ng ama ang warmth, affection, at tenderness sa kaniyang sanggol na lalaki, mas lumalaki rin ang tiyansa nitong mag-excel sa reading at math skills niya.
Ang mga ito ay ilan lamang sa cognitive abilities na ipinapakita ng mga bata kapag sila ay nag-aaral na. Maipapakita ang warm at affection na ito ng ama sa kaniyang anak sa pamamagitan ng maiinit na halik. Ganoon rin sa mahihigpit na yakap habang sa ito ay baby pa.
Kaya para sa mga new dads diyan, simulan ng mag-spend ng quality time sa inyong mga anak na lalaki. Gawin ito kahit sila ay maliliit pa. Sapagkat ang presensya ninyo ay may napaka-laking epekto sa magiging ugali at behavior nila kapag sila ay malaki na.
Source:
Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!