Si James Alexander, isang 42 taong gulang na guro, ay nahuli ng National Crime Agency. Ito ay matapos niyang magpadala ng pera sa mga kilalang nagpapalabas sa internet ng mga pangmo-molestya sa mga bata. Ang mga nangangasiwa nito ay galing sa Iligan City sa Northern Mindanao.
Ayon sa mga forensic analyst ng kanyang mga electronic devices, si James Alexander ay nagpadala ng pera nang halos 15 na beses. Ang nangyaring mga pagpapadala ng pera ay mula Agusto nang 2017 hanggang Hunyo 2018.
Photo: Daily Mail
Mga krimen ni James Alexander
Natuklasan na si James Alexander ay nakikipag-ayos sa mga nangangasiwa ng mga pangmo-molestya upang makapunta ng Pilipinas. Kinausap niya ang mga ito sa Skype at Whatsapp sa kagustuhan na siya mismo ang gumawa ng pangmomolestya sa mga bata.
Sa isang pakikipag-usap ni Alexander sa isang tagapangasiwa, siya ay humingi pa ng mas bata sa 13 taong gulang. Siya ay humingi ng mga litrato ng 12 anyos na gulang na anak ng nangangasiwa.
Sa puntong ito, pinaniniwalaan na nakatanggap si Alexander ng mga malalaswang litrato ng 12 anyos. Matapos nito, sumagot si Alexander na siya ay natutuwa at nanghihingi pa ng ibang litrato.
Ang ina na nangangasiwa sa pangmomolestya sa mga bata ay pinaalam kay Alexander na mayroon pa siyang ibang anak na may mga edad 9, 6 at 4 na taong gulang.
Dahil dito, nanghingi si Alexander ng mga malalaswang litrato ng mga 9 at 6 na taong gulang. Siya rin ay nagpakita ng pagkatuwa sa 6 na taong bata. Sa kabila nito, pinarating rin niya na nais niyang abusuhin ang 4 na taong gulang na bata.
Sa pakikipag-usap ni Alexander sa isa pang magulang, nais niyang makipagtalik sa mga anak nito na 7 at 11 na taong gulang na mga bata. Nag-utos siya na mag-pose ang mga batang ito para sa litrato.
Natuklasan sa Whatsapp ang pakikipag-usap ni Alexander sa isa pang 10 taong gulang na bata. Makikita rito ang paghingi ni Alexander ng mga litrato sa bata. Siya rin ay nagpahiwatig na nais niyang makipagkita dito.
Walang records na nagpapakitang naka-punta na si James Alexander sa Pilipinas. Ngunit, ang telepono niya ay may mga laman na larawan ng pangmo-molestya sa mga bata.
Pagkahuli kay James Alexander
Si James Alexander ay nagturo sa Bromsgrove International School sa Bangkok, Thailand. Dalian siyang tinanggal sa pagiging guro nung natuklasan ang nangyayaring imbestigasyon laban sa Briton.
Mayroon ding mga ginawang imbestigasyon para malaman kung may pangmo-molestyang nagawa si Alexander sa paaralan. Sa pagi-imbestiga, natuklasan na wala itong inabuso sa Bromsgrove International School.
Siya ay nahatulan ng pagkakakulong nang 5 taon sa Leeds Crown Court. Siya rin ay binigyan ng 5 taon na sexual harm prevention order. Dito, siya ay pinagbabawalan na lumabas ng bansa at kinakailangan na masama sa listahan ng sex offenders habang buhay.
Patuloy ang pagiimbestiga sa mga nangangasiwa sa mga pangmo-molestya sa mga bata. Sa tulong ng NCA intelligence, naaresto ang isa sa mga suspek at nailigtas ang mga bata.
Ayon kay Hazel Stewart, ang namuno sa imbestigasyon, kinuha ni James Alexander ang opurtuniya. Kanyang minanipula at pinagsamantalahan ang mga naghihirap upang mapunan ang malalaswang hangarin.
Source: Daily Mail
Basahin: 5-anyos na batang babae, minolestya diumano sa banyo ng isang mall
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!