James Yap sa muling pagkikita nila ni Bimby after 8 years: “I’ve been praying for this day to come”

Sabi pa ni James, the best father’s day gift daw ang makita niya ang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

James Yap masaya na muling makita ang anak na si Bimby matapos ang walong taon.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • James Yap sa muling pagkikita nila ng anak niyang si Bimby.
  • Relasyon ni Bimby at ama niyang si James Yap.

James Yap sa muling pagkikita nila ng anak niyang si Bimby

Larawan mula sa ABS-CBN

Kamakailan lang ay nagbalik na sa bansa ang anak nina Kris Aquino at James Yap na si Bimby. Ito ay matapos sa isang taong pamamalagi sa Amerika para sa pagpapagamot ni Kris na nakakaranas ng limang autoimmune disease.

Sa pag-alis ni Bimby sa Amerika ay nalungkot ang kaniyang ina na mawalay sa kaniyang dalawang anak. Pero sa kabila nito ay labis naman ang kasiyahan ni James Yap na makita at makasamang muli si Bimby matapos ang walong taon. Matatandaang hindi naging maayos ang naging paghihiwalay ni James at Kris noon na dahil sari-saring isyu at problema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa ABS-CBN

Sa isang panayam ay ibinahagi ni James ang nararamdaman niya sa muling pagkikita nila ni Bimby. Ito ang nasabi ng dating basketbolista na ngayon ay isang public servant na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I’m super happy to hear from Bimb after eight years. I’ve been praying for this day to come. Na-miss ko sobra si Bimb! It’s the best Father’s Day gift ever. He said that he is looking forward to seeing his brother MJ again and meet his sister Francine soon. He wished me luck in my new career as a public servant.”

Ito umano ang nasabi ni James sa naging pag-uusap nila ng kolumnistang si Dolly Carvajal.

Si James Yap ay kasal sa Italian banker na si Michela Cazzola. Sila ay may dalawang anak na sina MJ at Francine.

Larawan mula sa Instagram ni James Yap

Relasyon ni Bimby at ama niyang si James Yap

Matatandaang noong 2021 sa panayam sa kaniya ng inang si Kris ay ibinahagi ni Bimby na matagal na nga silang hindi nag-uusap ng amang si James. Ayon kay Bimby, hindi ang inang si Kris ang pumigil sa kaniyang magkaroon ng komunikasyon sa ama. Ito daw mismo ang hindi gumawa ng hakbang para makita o makausap man lang siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I have a phone, and it just takes like 10 digits sa keypad to call me, e, hindi niya ginawa in ilang years. But all those people who love me, who care about me are like 650,000 times better than what I could get from him.”

Ito ang sabi noon ni Bimby.