Isa ka rin sa tagasubaybay ng trending sa social media na Jamill issue sa ngayon? Kung oo ay narito ang ilan sa mga lessons na matutunan mula sa hinaharap na pagsubok ng kanilang relasyon. Mga quotable quotes mula mismo sa mga taong sangkot sa hinaharap nilang isyu na ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga lessons tungkol sa pambabae at panloloko na matutunan sa Jamill issue.
- Mga pahayag ng mga taong sangkot sa isyung ito.
5 lessons na matutunan tungkol sa pambabae at panloloko sa Jamill issue
Nitong mga nakaraang araw ay nagsimulang mag-trending sa social media ang Jamill issue. Ito ay tungkol sa hindi umano’y pambabae at panloloko ng YouTube sensation na si Jayzam Manabat sa kaniyang girlfriend na si Camille Trinidad.
Nitong nakaraang araw ay nagkaharap-harap na nga sa Raffy Tulfo in Action ang mga taong sangkot sa trending na Jamill issue na ito. Kabilang na ang dalawang babaeng naging karelasyon o nakalandian umano ni Jayzam na sina Dambie Tensuan at Nyca Bernardo.
Narito ang ilan sa mga quotable quotes o lessons na matutunan sa kanilang naging pag-uusap. Ito ay may bonus pang hirit mula sa kilala ring vlogger na si Toni Fowler.
1. “Dapat hindi ka nakikipaglandian kung alam mong may kabahay na.”
Sa isyung ito walang duda na ang biktima ay si Camille na walang kaalam-alam sa pinaggagawa ng boyfriend niyang si Jayzam. Pagbabahagi ni Camille
“Nakikipag-usap siya nasa tabi niya ako tapos siya nakikipag-chat. Anong mararamdaman ko noon siyempre masasaktan ako. Kasi wala kang kaalam-alam na iyong taong minamahal mo ay may ginaganoon na pala.”
Pero pagdating sa panloloko ika nga ay “it takes two to tango”. Kaya apela niya sa sinumang nais pumasok o manggulo sa isang relasyon, huwag ng subukang makipaglandian kung alam mong may tao kang masasaktan. Pakiusap ni Camille,
“Sana maging lesson ito sa lahat ng tao. Lalo na sa mga mag-asawa na kapag alam ninyong okay na iyong buhay ng mga tao please lang huwag na kayong manggulo. Kasi hindi ninyo alam iyong dadalhin ng tao, kung gaano kasakit.”
Image from Camille Trinidad’s Facebook account
2. “Walang ibang magiging kapalit iyong pangloloko ninyo sa taong nagmamahal sa inyo kung hindi kamalasan, konsensiya gabi-gabi.”
Hindi naman itinatanggi ni Jayzam ang kaniyang naging pagkakamali sa nangyari. Kuwento pa nga niya ay sinabi niya na ang lahat at mga totoong nangyari kay Camille. Sapagkat naniniwala siya na ito ang unang hakbang para itama ang naging mga pagkakamali niya.
“Ipinagtatanggol ko iyong sarili ko tungkol sa katotohanan tapos may itinatago pa ako kay Camille. Kaya inilabas ko lahat ng nililihim ko kay Camille. Lahat-lahat. Kasi hindi ko masisimulan iyong pagbabago sa pagkatao ko kung mayroon akong itinatago sa kaniya.”
Ito ang pahayag ni Jayzam. Dagdag niya pa wala namang naidulot na maganda ang ginawa niyang panloloko kay Camille. Kung hindi kamalasan lang at pagkakakonsensiya niya gabi-gabi.
BASAHIN:
8 epekto sa relasyon kapag nanonood ng malalaswang video ang asawa mo
9 principles to embrace sa pagpapa-change oil
Kailan nagiging cheating ang chatting? Narito ang sagot ng mga eksperto
3. “Iyong kukunin ko lang ulit iyong tiwala ni Camille sobrang habang panahon na sa akin iyon.”
Bagamat nagkaayos na sila ni Camille, aminado si Jayzam na hindi na sila magiging tulad ng dati. Sapagkat sa ngayon kailangan niya muling makuha muli ang tiwala ni Camille na nasira ng ginawa niyang panloloko.
Alam niyang hindi iyon magiging madali. Ganoon pa man handa siyang magbago at itama ang lahat. Payo pa nga niya sa iba pang mga lalaki, walang magandang naidudulot ang panloloko. Kahit ano pa man ang gawin mong tago lalabas at lalabas din lahat ng kalokohang pinagagawa mo.
“Willing po akong magbago hindi ko po hahayaan na habang buhay po akong magiging manloloko.”
“Kung naiisip ninyo na gawin ito huwag na po kasi konsyensya at kamalasan ang babalik sa inyo. Kahit matagal ninyo na pong itinatago lalabas-lalabas parin po talaga,” pahayag pa ni Jayzam.
Image from Camille Trinidad’s Facebook account
4. “Lumandi ka kasi sa may jowa kaya kung mapapahiya ka, kung maba-bash ka tanggapin mo.”
Mayroon ding espesyal na hirit ang vlogger na si Toni Fowler sa Jamill issue. Sapagkat siya mismo ay nakaabang din sa naging paghaharap ng mga ito.
Ayon nga kay Toni, minsan na rin siyang naging kabit at nakasira ng relasyon. Kaya naman alam niya ang pakiramdam na makarinig o masabihan ng kung ano-anong masasakit na salita.
Pero sabi pa ni Toni, kung gagawa ka ng kalokohan asahan mo na ang mga ito. Wala kang ibang magagawa kung hindi tanggapin na resulta ito ng pagkakamali mo.
“Iyong mamura ka normal, pero ganoon talaga kasi consequence iyon ng ginawa mo at napagdaan ko ‘yan,’yong lumabas ‘yong issue na ganiyan.
Kailangan niya po talagang tanggapin. Kasi kalandian mo iyan e, panindigan mo. Lumandi ka kasi sa may jowa kaya kung mapapahiya ka, kung maba-bash ka tanggapin mo.”
Ito ang komento ni Toni sa sinasabing babae sa trending na Jamill issue.
5. “Dahil sa pinili kong magmahal, pinili kong maging masaya nabulag ako sa katotohanan na puwede kitang masaktan.”
Image from Camille Trinidad’s Facebook account
Humingi rin naman ng tawad ang sinasabing isa sa nakarelasyon ni Jayzam na si Nyca Bernardo kay Camille. Aminado siya sa kaniyang nagawa at pagiging bulag sa katotohanan na may mayroon siyang nasasaktan.
Pero magkaganoon man ay may natutunan naman umano si Nyca sa mga nangyari. Tulad ni Jayzam ay itatama niya rin ang kaniyang mga nagawa.
May mensahe rin siyang iniwan para sa mga taong tulad niya ay nais ituwid ang kanilang naging pagkakamali. Ito ay mayroong pagkakataon para magbago. Hindi dapat maging sukatan ng pagkatao mo ang isang pagkakamali na minsan ay nagawa mo.
Pahayag ni Nyca Bernardo,
“Sana sa darating na araw na ito ay matuto tayo sa ating pagkakamali. Kasi after everything lagi naman tayong may pagkakataon para magbago and never magiging sukatan ng kakayahan mo, magiging sukatan ng pagkatao mo iyong minsang pagkakamali na napili mong gawin.”
Sana mula sa kanilang naging karanasan ay may natutunan kayo sa kung paano dapat pahalagahan ang relasyon ninyo sa inyong mga asawa o kinakasama.
Sapagkat tulad nga ng sinabi nila walang maidudulot na maganda ang panloloko sa iba. Lalo na sa taong may espesyal na bahagi sa buhay mo.
Source:
Raffy Tulfo in Action
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!