Janella Salvador: "After giving birth, I really lost confidence in myself"

Paano nga maibabalik ang self-confidence ng isang ina, narito ang ilang tips na maaring gawin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Janella Salvador baby boy na si Jude, nagsisimula ng kumain ng solid foods. Janella, umaming nawalan ng confidence sa sarili ng maging isang ina.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Motherhood experience ng aktres na si Janella Salvador.
  • Paano maibalik ang confidence o self-esteem matapos manganak.

Janella Salvador baby Jude update

Sa isang panayam ay magiliw na nagbigay ng update ang aktres na si Janella Salvador tungkol sa kaniyang baby na si Jude at sa pagiging bagong ina.

Ayon sa kaniya, sa ngayon matapos ang higit na anim na buwan ng maipanganak si Baby Jude ay nagsisimula na itong kumain ng solid foods.

Bagama’t pag-amin niya sa edad na apat na buwan ay huminto na ito sa pagsuso sa kaniya. Isang bagay umano na namimiss niya, lalo pa’t hindi siya nahirapan na gawin ito hindi tulad ng maraming first-time moms.

“I did breastfeed, but I’m currently not breastfeeding anymore because he started to refuse my boobs at four months old. I honestly miss it because I was lucky to be one of the moms who didn’t have a hard time breastfeeding. And I didn’t find it that painful. It was very smooth sailing for me.” 

Pagpapaliwanag niya nangyari ito ng mawalan siya ng oras sa pagpapasuso habang inaasikaso ang pagbalik nila dito sa Pilipinas. Doon nga unti-unting nabawasan ang breastmilk supply niya hanggang sa ito ay tuluyan ng nawala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Janella on being a mother

Ayon pa kay Janella, hindi naging madali ang naging journey niya sa pagiging bagong ina. Pero laking pasalamat niya na nandyan sa tabi niya ang inang si Janine Desiderio para alalayan at tulungan siya.

Sapagkat sa ngayon, ang pag-aalaga sa kaniyang baby Jude lang ang umuubos ng oras niya. Isang bagay na labis na ikinatutuwa ng aktres, bagama’t pag-amin niya ay nakakapagod at hindi madali.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulad ng maraming ina, bumaba rin umano ang self-confidence ni Janella matapos manganak. Dahil hindi tulad ng dati, nakita niya umano ang malaking pagbabago sa kaniyang katawan at sarili.

“I wouldn’t say I got fully depressed, but there are many times until now that I have to remind myself that, ‘Hey, you gave birth to a human, that’s pretty amazing, that’s pretty hard.’ Because, after giving birth, I really lost confidence in myself, a lot of confidence, like nawala lahat ng vanities sa katawan ko. Like when I look in the mirror, I don’t really see myself anymore. It did take a toll on my confidence.”

Ito ang pahayag pa ng aktres na sa ngayon ay unti-unti nagbibigay ng oras para alagaan muli ang kaniyang sarili at ibalik ito sa dati.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“But now I’m slowly trying to take care of myself more, get some self-care in and try to get my old self back,” sabi pa ni Janella.

BASAHIN:

Post-partum depression, mas malaki ang chance na magkaroon nito kung lalaki ang baby mo

5 sex positions na puwedeng gawing exercise

5 Ways moms can boost their self-esteem after giving birth

Paano nga ba maibabalik ang self-confidence matapos manganak?

Ayon sa isang pag-aaral, normal lang na nawawalan ng self-confidence ang isang babae matapos mangangak. Mas bumababa pa nga umano ang self-esteem level nila habang unti-unting lumalaki ang kanilang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tinatayang kinakailangan ng higit sa tatlong taon para muling maibalik ang confidence nila sa kanilang sarili. Pero mayroon naman silang maaaring gawin para mapabilis ang pagbabalik nito. Ang mga ito ay ang sumusunod.

Tips na maaaring gawin para manumbalik ang self-confidence ng isang ina

  • Pagbibigay ng oras para alagaan ang sarili. Tulad ng pagpunta sa salon para magpa-gupit, magpa-manicure, muling mag-ayos at magpaganda.
  • Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sayo. Gaya na lang ng mga hobbies mo o ang mga bagay na kinatutuwaan mong gawin noong ikaw ay hindi pa ganap na ina. Maaaring ito ay pag-shoshopping, panonood ng movies, pagkuha ng mga litrato o pagsusulat.
  • Humingi ng tulong sa mga taong nakapaligid sayo. Ito ay para may maasahan kang mag-aalaga sa iyong anak sa mga oras na wala ka at ginagawa ang mga bagay na iyong ikakasaya.
  • Lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Makakatulong ito para naman kahit paano ay malibang ang isip mo at magkaroon ka ng break sa pag-aalaga ng iyong anak. Kung sila ay tulad mo rin na isang ina, malaking bagay rin ang mga advice na matutunan mo mula sa kanila.

House photo created by tirachardz – www.freepik.com 

  • Hindi mo rin dapat kinakalimutang mag-workout o mag-exercise para magbalik sa dating hugis nito ang iyong katawan.
  • Makakatulong din ang paglabas o pagde-date ninyo ni hubby para maibalik ang kilig at confidence mo sa iyong sarili.
  • Para naman ma-relax ang pagod mong katawan sa pagpupuyat at pagbubuhat kay baby, very soothing ang pagmamasahe.
  • Habang nasa bahay ay manood ng mga palabas na makakatulong para manumbalik ang iyong self-confidence. Tulad ng mga Zumba class na hindi lang isang paraan ng pag-iexercise. Mai-enjoy mo rin ito na para kang nagsasayaw sa tuwa at pagpapawisan.
  • Magbasa ng mga libro na kung saan matututo ka ng mga tips sa kung paano mo iha-handle ang mga challenges ng pagiging isang bagong ina. Ito ay para alam mo ang iyong gagawin at hindi mo kukuwestyunin ang iyong sarili kung tama o mali ba ang iyong ginagawa.

Source:

Metro Style, RD List

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement