Janella Salvador liposuction journey after giving birth: “I am finally starting to see the woman I want to see in the mirror once again.”
Mababasa sa artikulong ito:
- Janella Salvador liposuction journey.
- Mensahe ni Janella sa mga mommies na nahihirapang magpapayat matapos manganak.
Balik-alindog, iyan ang goal ng halos lahat sa ating mga ina matapos manganak. Pero madali mang sabihin na babalik sa dati ang katawan natin matapos isilang si baby, mahirap naman itong gawin.
Dahil sa mga unang buwan sa buhay ni baby ay kailangan niya ng ibayong pag-aalaga natin. Ang kapalit nito ay halos napapabayaan na natin ang ating sarili.
O kaya naman sa paniniwalaang kailangan natin ng lakas sa pag-aalaga sa kaniya ay kain tayo ng kain. Ito naman ay mahalaga lalo na sa mga nagpapasusong ina.
Pero sa hindi natin napapansin mas lumolobo tayo ng lumolobo at lalong mas nalalayo sa ating goal na ibalik ang dating katawan at ang figure noon na pinagkaiingat-ingatan.
Janella Salvador umaming napabayaan ang sarili ng maging isang ina
Image from Janella Salvador’s Instagram account
Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ibinahagi ng aktres na si Janella Salvador kung paano siya dumaan sa phase na ito ng pagiging isang ina.
Kuwento niya, nang dumating si Jude sa buhay niya ay nawalan siya ng “vanity” o “pride” sa kaniyang sarili. Dahil ang nasa isip niya lang ay alagaan si Jude at maging isang full-time mommy.
Kahit nga umano ang mga saglit na pag-alis niya papunta sa grocery ay nagi-guilty na siya. Dahil paniniwala niya bilang isang ina ay kailangan lagi lang siyang nasa tabi ng anak.
“When I was pregnant with Jude, I promised myself that I would never forget self-care. I said I would take the time to do things that I love.
Happy mum, happy family, right? But like many things in this world… it’s easier said than done. I lost all the remaining ‘vanity’ that I had in me the moment Jude came into my life.”
Ito ang panimulang pahayag ni Janella sa kaniyang Instagram account.
Patunay nito ang dagdag na 40 pounds sa ideal weight niya
Image from Janella Salvador’s Instagram account
Dagdag pa ni Janella, patunay umano na napabayaan niya ang kaniyang sarili ay ang katawan niya noon na 40 pounds ang nadadagdag mula sa kaniyang ideal weight.
Ito ay kaniyang tinago sa likod ng malalaking damit. Hindi niya man gusto ang nakikita ay hindi lang ito pinansin ni Janella at mas nag-concentrate sa pag-aalaga sa anak na si Jude.
Kuwento pa ni Janella,
“But in those first few months, I physically did not feel like myself. I hid behind big coats, robes and loose clothing.
The lack of sleep made me overeat so I was 40 POUNDS heavier than my ideal weight. I did not like what I saw in the mirror but paid no attention to that.”
BASAHIN:
Janella Salvador, aminadong mabilis mairita dahil sa pagod at dami ng iniisip bilang bagong ina
Janella Salvador: “After giving birth, I really lost confidence in myself”
Balik alindog: Check out this simple exercise routine for moms
Janella Salvador liposuction journey
Pero bilang isang artista ay hindi maaalis ang pressure na dapat laging ideal ang figure niya. Ngayon ay naibalik na ni Janella ang dating slim at sexy figure niya.
Ito umano ay sa tulong ng liposuction na noong una ay ayaw niya sanang gawin dahil natatakot siya. Pero sa tulong ng mag-asawang sina Dra.Vicki Belo at Hayden Kho ay ginawa niya. Ngayon ay sexy and confident na ulit si Janella. Ang liposuction, ayon kay Janella ay ang best decision na nagawa niya.
“Working in a physical industry that relies so much on looks didn’t help with the pressure either. I knew that eventually, I needed to start working again.
Fast forward to the day Dr. @victoria_belo suggested liposuction— I initially said no. I was afraid. But after many talks and getting assurance from her, I gave in. Best decision ever.
I can’t thank her and @dochayden enough for helping me jumpstart my journey back to sexy and for giving me back my confidence. I am finally starting to see the woman I want to see in the mirror once again.”
Ito ang liposuction journey ni Janella na may kalakip na litrato ng sexy niyang katawan ngayon matapos maging isang mommy.
Image from Janella Salvador’s Instagram account
Mensahe ni Janella sa mga ina
Sa dulo ng kaniyang post ay may mensahe ring iniwan si Janella sa mga mommies na tulad niya noong una ay napabayaan na ang kanilang sarili. Ito ang kaniyang mensahe.
“To all the mamas out there, enjoy every part of your journey and don’t pressure yourself. At the end of the day, what matters most is the health and happiness of your baby. But don’t forget to take steps towards your own happiness. ♡”
Samantala, halos isang taon matapos manganak ay natuwa rin ang mga friends at supporters ni Janella sa transformation niya. Lalo na ang mga mag-asawang sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na hanga sa character na ipinapakita ni Janella sa totoong buhay bilang isang ina.
Image from Janella Salvador’s Instagram account