Janella Salvador sa umano'y hiwalayan kay Markus Paterson: "We’re both happy as individuals."

Ayon kay Janella, sa ngayon ay priority nila ang kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Markus Paterson sinabing pareho silang masaya ni Janella Salvador. Ano man ang mangyari, ang happiness nilang dalawa ang mahalaga.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Markus Paterson sa pagiging ama sa anak na si Jude.
  • Ano ang status ng relasyon ni Markus Paterson and Janella Salvador.

Markus Paterson sa pagiging ama sa anak na si Jude

Larawan mula sa Instagram account ni Markus Paterson

Nasa edad na 23 si Markus Paterson noong maging ama sa anak nila ng aktres na si Janella Salvador. Si Markus aminadong malaki ang naging pagbabago sa buhay niya ng dumating ang anak na si Jude. Kung dati daw ay mahilig gumimik si Marcus ay tila nabaligtad ang lahat ng siya ay maging ama.

“Marami naman talagang nagbago sakin. At the age of 22, 23, lahat ng guys gumigimik. Nung dumating si Jude nag-flipped talaga lahat ng priorities ko and nabawasan naman ang enjoyment. Of course you have to stay happy, you need personal time for yourself, for your friends, for your family.”

Ito ang pahayag ni Marcus sa isang panayam sa kaniya ng Star Magic Inside News.

Very excited din siyang nag-share sa development ng anak na s Jude. Ang isang pagbibida niya nga ay pareho sila ng mga kinahihiligang pagkain.

“Ang tangkad niya na. Lahat ng pagkain na minahal ko nung baby ako, mahal niya rin. As in just today, he got palabok for the first time and he loved it.”

Ito ang nangingiting pagbibida ni Marcus sa kaniyang mag-2 years old na anak na si Jude ngayong Oktubre.

Si Markus aminadong na-overwhelm sa mabilis na takbo ng mga pangyayari. Ang bilis nga daw talaga ng panahon lalo na ang paglaki ng anak niyang si Jude na gusto niya mang patigilin ay alam niyang hindi puwede.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nakakatuwa lang seeing him grow 'cause it’s scary, fast, ang bilis eh. And sometimes I’m saying him this. ‘Just give at least 5 days of you not growing, to cherish you at this point.’”

Ito ang sabi pa ng aktor.

Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador

Ano ang status ng relasyon ni Markus Paterson and Janella Salvador

Pagdating naman sa status ng relasyon nila ng ina ni Jude na si Janella Salvador ay hindi parin sinasagot nito kung hiwalay na ba sila o hindi pa. Basta hirit ng actor-singer ang mahalaga ay ang pareho silang masaya sa ngayon ni Janella.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Ang importante lang sa aming dalawa na she's happy, I am happy, our hearts are both happy. That's important you know. We will always be there for each other no matter what."

Dagdag niya pa, ang buhay niya ngayon ay happy at peaceful. Mabilis man daw ang naging turned of events sa buhay niya, masaya si Markus na balik trabaho na siya ngayon.

“Ang puso ko masaya, peaceful. And life is good. So I am excited for this month. I am excited to start working again. This year so far has been a roller coaster ride but who doesn't love roller coaster? Masaya naman 'yon."

Ito ang makahulugang sabi pa ni Markus Paterson.

Samantala, sa hiwalay na panayam kay Janella Salvador sa isang press conference, naitanong din sa aktres kung sila pa ba ni Markus Paterson.

Ayon kay Janella, sa ngayon ay naka-focus sila sa kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Masaya naman ako ngayon, happy, at peace. Okay naman kami, basta okay kami."

"We’re both happy as individuals and our main priority is Jude.”

Sa ngayon din aniya ay mas naka-focus siya ngayon sa kanyang trabaho lalo't may bago siyang teleserye. Ang kaniyang career ay para na rin sa future ng kaniyang anak.

“Siguro yung priorities ko, ngayon lahat ng ginagawa ko for Jude. Mas na-inspire ako magtrabaho, to work hard, kasi nga mayroon na akong anak."

Hiwalay na nga ba talaga si Markus at Janella?

Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang buwan na ring malaking tanong sa marami ang tunay na score sa pagitan ni Markus at Janella. Nitong mga nakaraang buwan ay usap-usapan na hiwalay na dalawa. Ito ay dahil mula noong New Year ay wala na silang picture na magkasama na ipino-post sa kanilang Instagram account. Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens na mag-speculate na may problema sa relasyon nila.

Pero nitong nakaraang Mayo noong Mother’s Day, ay marami ang natuwa ng batiin ni Markus si Janella. Ito ay sinagot naman ng aktres na “Thank you” na may kasamang white heart emoji. Bagamat ang ibang netizens, may tanong par in at napansing walang kasamang 'I love you' ang pagbati ni Markus kay Janella.

Noong 24th birthday ni Markus noong Hunyo, si Janella naman ang bumati sa aktor.

“Always rooting for your success, well-being & happiness. Happy birthday @markus!”

Ito ang post ni Janella sa kaniyang Instagram story na agad na ini-repost ni Markus sa kaniyang Instagram account.

Si Markus at Janella, una ng nagsalita tungkol sa isyu na sila ay hiwalay na. Bagamat hindi nila diretsong sinagot ang isyu. Sa isang panayam, sabi ni Markus ay maayos ang relasyon nilang dalawa ni Janella. Bagamat, sa ngayon ay ipinapaubaya niya kay Janella ang pagsasalita at pagbibigay ng detalye tungkol sa sitwasyon nila.

Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Janella naman, sa isang hiwalay na pahayag ay sinabi ring maayos ang relasyon nila ni Markus. Bagamat hiling niya sa publiko ay respetuhin muna sa ngayon ang privacy nila.

“Markus and I are okay. And I am aware of the speculation that's going around. Siguro I'm asking people to give us more time, i-respect kung ano man ang nangyayari."

Ito ang sabi pa ng aktres.