Janella Salvador, matapang na sinagot sa isang interview ang ilang mga maiinit na tanong ukol sa kaniyang pagbubuntis.
Mababasa sa artikulong ito:
- Janella Salvador unexpected pregnancy
- Tugon ni Janella Salvador sa bashers
Janella Salvador unexpected pregnancy
Marami ang nagulat nang pumutok ang balita ukol sa biglaang pagbubuntis ng sikat na aktres na si Janella Salvador. May ilang mga natuwa at nag-congratulate. Subalit hindi rin talaga mawawala ang mapanghusgang iilan at mga nang-bash sa aktres.
Sa isang interview ni Ogie Diaz sa kaniyang Youtube channel ay matapang na sinagot ni Janella Salvador ang mga maiinit na usapin tungkol sa kaniyang pagbubuntis.
“No,” ang mabilis na tugon ng aktres nang siya ay tanungin kung planado ba ang kaniyang pagbubuntis. Bagamat biglaan, inamin naman ng aktres na siya labis na naging masaya dito at siya ay handa nang maging ina.
Ayon sa kaniya, mula pa man noon ay pangarap na niyang magkaroon ng anak at maging magulang balang araw. Masayang sabi ng aktres,
“I’m enjoying being a mom now.”
Samantala, kahit naging masaya si Janella nang malaman niyang siya ay nagdadalang-tao, hindi naman naging madali sa kaniya ang umamin lalo’t higit sa kaniyang ina.
Inamin ng aktres na mayroon siyang malaking takot sa kaniyang ina na si Jenine Desiderio. Ayon sa kaniya, lumaki siyang hindi masyadong open sa kaniyang mama.
“Siguro takot ako sa reaction niya, lagi. Kasi intense ‘yong mom ko. She knows naman para siyang dragon,” pagbabahagi ng aktres.
Gayumpaman, malaki ang kaniyang naging respeto sa ina dahil ito ang kasama at napalaki sa kaniya ng hhalos buong buhay niya. Kaya naman nang nagkaroon na siya ng sarili niyang anak ay “mas na-appreciate” niya ang kaniyang ina.
Bahagyang natakot din si Janella aminin ang pagbubuntis niya sa kaniyang ama. Ito ay dahil lumaki siyang hindi rin ganoon ka-open maski na sa kaniyang ama na si Juan Miguel Salvador.
Hindi naman nabigo ang aktres dahil ayon sa kaniya, naging labis din ang saya at pagtanggap ng kaniya ama ng malaman ang tungkol rito.
Mula dito, pumasok sa isipan ni Janella ang kagustuhang palakihin ang anak na “hindi takot mag-open up” sa kaniya. Ayaw ‘di umano niyang maranasan ng anak ‘yong alinlangan na magkuwento at magsabi ito sa kaniya sa hinaharap.
Samantala, sa kasalukuyan ay hindi pa rin kasama sa mga plano ni Janella at kaniyang partner na si Marcus Paterson pagpapakasal. Sabi pa ng aktres,
“Siyempre gusto ko ‘pag nagpakasal kayo, sobra-sobrang okay ang lahat. Stable ka financially, emotionally, lahat.”
BASAHIN:
Janella Salvador, naunahan ng mga chismosa sa pagsabi sa Mommy niya na buntis siya
Janella Salvador, aminadong mabilis mairita dahil sa pagod at dami ng iniisip bilang bagong ina
Kahit na sila’y mayroon ng anak, nandun pa rin sila sa stage kung saan ay kinikilala pa rin nila ang isa’t isa. Ngayo’y hindi na lang bilang partner at katuwang sa buhay kundi pati na rin bilang mga magulang sa anak nilang si Jude.
“I date to marry,” iyan ang sabi ng aktres ngunit hindi pa lamang sa kasalukuyan. Dahil para sa kaniya, pareho lamang silang nagsasayang ng oras kung hindi rin lang kasal ang end goal ng kanilang relasyon.
Ayon kay Janella, very hands on sila ni Marcus sa pagpapalaki at pagaalaga kay Jude. Hindi naman mawawala ang oras nila para sa isa’t isa ngunit inamin nito na ‘yong pagsasama nila ay mostly umiikot sa parenting.
Malaki rin ang naging pagbabago ni Janella mula nang siya ay naging magulang. Mula sa pagiging “tamad sa bahay” ay naging OC mom na siya. Lalo’t higit ngayon na siya na ang nagmamando sa bahay bilang siya ang ilaw ng tahanan.
Hindi nakaranas ng postpartum ang aktres at ayon sa kaniya, sobrang masaya at nai-enjoy niyang nasa bahay lang at nagaalaga lamang ng kaniyang anak.
Bagama’t hindi nagkaroon ng ganoong kondisyon si Janella ay hindi pa rin naging madali ito para sa kaniya. Noong una, puyat o kawalan lang nang tulog ang kalaban niya. Doon lamang siya nahihirapan ngunit pagbabahagi niya,
“Ngayon, ino-overthink ko kung paano ko siya mapapalaki ng maayos.”
Tingin ng aktres ay sa parteng ito siya mahihirapan. Dito pumapasok ang kaniyang responsibilidad na mapalaking mabuting tao ang kaniyang anak. Ayon sa kaniya, gusto niya itong lumaking respectful, confident, at marami pang traits na maituturo niya sa anak.
Samantala, wala namang pinagsisihan ang aktres nang siya ay mabuntis at maging magulang. Dahil para sa kaniya,
“Being a young mom doesn’t mean that my life is over. It just means na it started a bit earlier, that’s it.”
Tugon ni Janella Salvador sa bashers
Kung marami ang natuwa, may iilan ding piniling manghusga at mang-bash sa naging unexpected pregnancy ni Janella Salvador.
Matagal na sa industriya ng showbiz si ang aktres na si Janella. Kaya naman hindi na bago sa kaniya ang makarinig ng hindi magagandang komento at mga pangba-bash mula sa ibang tao.
Ayon sa kaniya, wala na siyang pakialam sa mga basher “unless it’s constructive criticism.”
Ngunit pagdating sa mga taong dinadamay at bina-bash ang kaniyang anak, narito ang kaniyang sagot:
“Kung bashing siya, wala talaga akong pakialam, pagdating sa ‘kin. Siyempre anak ko ‘yon. One year old pa lang siya, hindi niya kaya ipagtanggol, ‘yong sarili niya.”
Maraming advice sa kaniya na huwag na lamang patulan ang mga ito. Subalit bilang ina, hindi niya mapigilan ang kaniyang sariling ipagtanggol ang anak mula sa mga ito.
“At saka, how sick are you to bash a one year old, ‘di ba? Napaka-lowlife,” dagdag pa niya.
Samantala, inamin din ng aktres na nati-trigger siya sa mga taong sinasabihan siya ng ‘sayang‘ dahil sa pagkakaroon niya ng anak. Para sa kaniya, hindi kabawasan ang pagiging magulang sa mga bagay na kaya niyang gawin.
Ayon kay Janella,
“Hindi naman ako sayang. I’m still me, I’m still who I am, I’m still Janella Salvador, I can still sing. I can still act. I can still work. Bakit sayang, ‘di ba?”