Janella Salvador umaming hiwalay na kay Markus Paterson, isa nang single mom: “Kakayanin ko.”

Ayon sa aktres, ang mission niya ngayon sa buhay ay ang mapalaki ng maayos ang anak niyang si Jude.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Janella Salvador inaming siya ngayon ay isa ng single mom sa anak na si Jude.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Janella Salvador as a single mom
  • Relasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson
  • Update sa anak ni Janella Salvador na si Jude

Janella Salvador isa nang single mom

Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador

Matapos ang ilang buwan na ring pag-iiwan ng malaking tanong sa kaniyang mga fans ay umamin na ang aktres na si Janella Salvador na siya ay isa ng single mom. Ito ay ginawa ni Janella sa naging panayam sa kaniya ng newscaster na si Bernadette Sembrano na tampok sa YouTube vlog nito.

Ayon kay Janella, siya ay nakaka-relate sa role niya ngayon bilang si Regina sa hit Mars Ravelo TV series na Darna. Si Regina ang alter ego ang kontrabida sa buhay ni Darna na si Valentina. Kuwento ni Janella, tulad ng kaniyang karakter na si Regina ay kapag meron siyang ipinaglalaban, as long as alam niyang nasa tama siya ay ilalaban niya talaga.

Nang tanungin ni Bernadette kung ano ang ipinaglalaban ni Janella ngayon. Naging mabilis ang sagot niya na siyang pag-amin niya rin sa status ng relasyon nila ni Markus Paterson.

“Being a single mom. Talagang nilalaban ko iyon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as yes, I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin.”

Ito ang sabi ni Janella.

Pagpapatuloy pa niya, hindi niya naman sinasabing hindi niya kailangan ng tulong ng iba. Pero kaya at kinakaya niya naman daw dahil sa alam niyang may isang bata na umaasa sa kaniya. Ito ang anak niyang si Jude.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Parang we have no choice as woman because there's a little human being that relies on us. That what’s give us power and confidence parang no matter what I do kakayanin ko.”

Ito ang sabi pa ni Janella.

Dagdag pa ni Janella, lahat ng ginagawa niya ngayon bilang isang ina ay natutunan niya mula sa mommy niyang si Jenine Desiderio. Ito ay isa ring single mom na mag-isang nagpalaki sa kanila ng mga kapatid niya.

“Siguro kasi I saw my mom growing up, kung paano siya. She was able to raise us on her own. So siguro na-embody ko rin kung paano siya. I wanted to be independent as well,” sabi pa ng aktres.

Relasyon nina Janella at Markus

Matatandaang nagsimula ang tanong sa estado ng relasyon ni Janella at Markus Paterson ng mapansin ng mga followers nila sa Instagram na wala na silang mga pictures na magkasama. Nagmula ito noong pumasok ang bagong taon ng 2022.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga nakaraang panayam kay Janella ay sinabi niyang maayos ang relasyon nila ni Markus.  Bagamat ang aktres, hindi nagbibigay ng iba pang detalye tungkol sa pagsasama nila.

“Markus and I are okay. And I am aware of the speculation that's going around. Siguro I'm asking people to give us more time, i-respect kung ano man ang nangyayari."

Ito ang sabi noon ni Janella sa isang panayam.

Samantala si Markus, sinabi ring maayos ang relasyon nila ni Janella.

“Our relationship status is definitely something people are asking about, but as of now I'm gonna let her do the talking on this time situation. But we are both very good, we have a very good relationship with each other. So let us leave it like that for now.”

Dagdag pa niya, very proud siya sa aktres lalo na sa pagiging ina nito sa anak nilang si Jude. At nagpapasalamat siya na naging parte siya ng buhay nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“All I can say is that, I couldn’t be prouder for the woman you have become, the mother you have become and the mother you continue to be and you grow into. It’s just such a beautiful thing to watch and I am so blessed to be a part of your life.”

Ito ang sabi pa noon ni Markus sa isang panayam.

Update sa anak ni Janella Salvador na si Jude

Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador

Si Janella naman sa naging panayam pa rin sa kaniya ni Bernadette Sembrano ay nagbigay ng update sa anak niyang si Jude. Ito ay magdadalawang taong gulang na ngayong darating na Oktubre.

“Ang bilis niya lumaki, nagsasalita na siya.”

Ito ang masayang pagkukuwento ni Janella.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa niya, ang pagiging isang ina ang the best thing na nangyari sa buhay niya. Dahil marami siyang natutunan at sa ngayon, ang tanging mission niya sa buhay ay ang mapalaki ng maayos ang anak niyang si Jude.

“For me it’s the best thing that ever happened to me because I'm learning so much.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Janella sa pakiramdam niya bilang isang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement