Markus Paterson and Janella Salvador only son na si Jude tatlong taon na.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Markus Paterson and Janella Salvador son Jude’s birthday celebration.
- Janella Savaldor on being a mom of now 3-year-old son.
- Mensahe ni Markus Paterson sa 3rd birthday celebration ng anak niyang si Jude.
Markus Paterson and Janella Salvador son Jude’s birthday celebration
Muling nagsama sina Markus Paterson at Janella Salvador sa 3rd birthday ng kanilang only son na si Jude. Ito ang makikita sa larawang ibinahagi ni Markus sa kaniyang Instagram account na may caption na “Celebrating you, Jude.”
Makikita sa larawan na ibinahagi ni Markus kung gaano kaayos ang co-parenting relationship nina Markus at Janella. Dahil kahit hiwalay na sila ni Janella ay nanatili silang magkaibigan para sa kanilang anak.
Janella Savaldor on being a mom of now 3-year-old son
Samantala, sa kaniyang Instagram ay nagbahagi rin si Janella ng larawan ni Jude sa 3rd birthday celebration nito. Kalakip nito ang mensahe ng aktres sa kaniyang only son.
“I blinked and suddenly i’m the mom of a 3 year old — this delightful, charming, goofy, intelligent, curious and talkative sunshine of a human being. I could go on and on with the adjectives… but hopefully we have an entire lifetime to show you that i’ll always be your #1 fan. Happy birthday, son. 🎈”
Ito ang caption ni Janella sa cute na larawan ng kaniyang three-year-old son.
Mensahe ni Markus Paterson sa 3rd birthday celebration ng anak niyang si Jude
Larawan mula sa Instagram account ni Markus Paterson
Si Markus may mensahe rin para sa anak na si Jude sa 3rd birthday nito. Tampok naman sa kaniyang mensahe ang iba’t-ibang video clips noong baby pa si Jude at nang habang ito ay lumalaki.
“You make every part of my life better, and you don’t even know it yet. Happy birthday my son. You’re 3 🤯.”
Ito naman ang mensahe ni Markus sa anak na si Jude sa 3rd birthday nito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!