Janella Salvador sa relasyon nila ni Markus Paterson noon: “Umabot rin sa point na naramdaman ko na parang na losyang na ako kasi I was trying to save the relationship.”

Kuwento ni Janella, siguro ay hindi pa handa si Markus sa pagiging isang ama kaya ganoon na lamang ang kinahantungan ng pagsasama nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Janella Salvador nagkuwento na tungkol sa hiwalayan nila ni Markus Paterson. Ayon sa aktres ginawa niya lahat para maisalba ang kanilang pagsasama.

Mababasa dito ang sumusunod:

Janella Salvador nagkuwento tungkol sa hiwalayan nila ni Markus Paterson

Larawan mula sa Facebook account ni Janella Salvador

Sa unang pagkakataon ay nagkuwento na ang aktres na si Janella Salvador tungkol sa hiwalayan nila ni Markus Paterson. Setyembre ng nakaraang taon ng kumpirmahin ng dalawa ang paghihiwalay nila. Pero mula noon ay parehong tikom ang bibig nila sa tunay na nangyari. Hanggang sa nitong nakaraang linggo ay ibinahagi na ni Janella ang side niya ng istorya.

Sa panayam sa kaniya ni Karen Davila ay inalala ni Janella ang nangyari sa pagsasama nila ni Markus. Aniya, hindi naging handa si Markus sa pagdating ng malaking responsibilidad sa anak nilang si Jude. Habang si Janella naging very hands-on sa pag-aalaga sa anak nila noon.

“We were at the right age naman pero, considered siyempre young pa rin ang 22. 'Cause those are your prime years when you’re still enjoying your life. Siguro, it took a toll on our relationship when Jude came and he wasn’t prepared for it.”

“He wasn’t fully prepared. Ako kasi, I always wanted to be a mom and I took it upon myself na once this baby arrives, I’m going to give everything I can. I’m going to raise him to the best of my abilities.”

Ito ang pagbabahagi ni Janella sa panayam.

Larawan mula sa Facebook account ni Janella Salvador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres umaming nalosyang noong sila pa ni Markus

Dagdag pa niya, hindi siya nagkulang sa efforts para maisalba parin ang relasyon nila para sa anak na si Jude. Pero umabot din sa puntong napagod siya at inisip niya ang sarili niya para din sa anak.

“Umabot rin sa point na naramdaman ko na parang na losyang na ako kasi I was trying to save the relationship. I was trying to take care of a kid on top of all of that. Ang panget lang ng term pero yun talaga na feel ko. Kapag tumitingin ako sa mirror, di ko na nakikilala yung sarili ko.”

Ito ang kuwento pa ni Janella.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon, maayos ang relasyon nil ani Markus bilang co-parents sa anak na si Jude. Si Markus naman sobrang proud kay Janella na “the best mom” nga daw para sa anak nila.

Larawan mula sa Facebook account ni Janella Salvador

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

YouTube

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement