Jang Lucero News: 34-anyos na lady driver pinagpapatay sa saksak sa loob ng kaniyang kotse. Biktima maghahatid lang daw sana ng pasahero sa Maynila.
Jang Lucero News: Lady driver na natagpuan puno ng saksak at patay na sa loob ng kaniyang kotse
Limamput-dalawang saksak ang kumitil sa buhay ng isang babae na miyembro ng LGBT community na si Jingle “Jang” Lucero.
Ayon sa mga pulis, Linggo ng gabi, Hunyo 28 ng makatanggap sila ng report na may installed vehicle sa kahabaan ng Bypass Road sa Calamba, Laguna. Nang kanilang puntahan at inspekyunin ang loob ng kotse ay tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng biktimang si Jang Lucero. Ito umano ay nagtamo ng 52 saksak sa kaniyang katawan na karamihan ay matatagpuan sa kaniyang dibdib at mismo sa kaniyang puso.
Kuwento ng ina ng biktima na si Angela Lucero, suma-sideline bilang lady driver ang kaniyang anak matapos mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Bumili daw ito ng kotse nitong February 2020 na kaniyang inaalok na ma-rentahan kalakip ang kaniyang serbisyo bilang driver nito. At nito ngang Hunyo 28, Linggo ng gabi ay nagpaalam ito na aalis upang maghatid ng pasahero mula Laguna papunta ng Gil Puyat sa Makati.
Maghahatid lang sana ito ng kaniyang pasahero
Dagdag na kuwento naman ng girlfriend ng biktima na si Meyah Amatorio, ay nagtataka na siya noong magpaalam si Jang na maghahatid ng 3 pasahero sa Makati lalo na at gabi na.
“Nakita ko yung convo (conversation) nila (sa phone), oo nga, meron ngang pasahero, tatlo. Doon ako nagalit. Sabi ko bakit tatlo tapos ganitong oras.”
Ito ang pahayag ni Amatorio na sinabi pang dali-daling umalis si Jang ng magbanta ang mga pasahero nito na hindi na itutuloy ang serbisyo nito.
Magmula ng umalis si Jang ay hindi na umano kumontak ito sa kanila. Hindi rin ito sumasagot sa mga text messages na ipinapadala sa kaniya.Hanggang sa tawagan ng girlfriend niya ang cellphone ni Jang at ang mga pulis na ang sumagot. Dito na nila nalaman ang nangyaring krimen kay Jang.
Labis naman ang hinagpis ng ina ni Jang sa nangyari sa kaniya. Hindi niya daw inakala na mangyayari ito sa kaniyang anak.
“Ang sakit… yung mga alaala naming dalawa [kapag] maalala ko, masakit.”
“Na-imagine mo na nasaksak siya, wala kahit isang sumasaklolo. Sino kayang tinawag niya, Panginoon ba o ako ba?” Angela emotionally said. “Nakaka-miss, nakakaawa. Kung ano isinigaw niya nung nawalan na siya ng hininga.”
Ito ang pahayag ng ina ni Jang.
Maaring personal na galit ang motibo ng pagpatay
Batay naman sa imbestigasyon ng mga pulis, maaring personal na galit ang motibo sa pagpatay kay Jang. Ito ay dahil walang nawala sa mga gamit niya at hindi naman nabawasan ang dala niyang pera. Maari nga rin daw na planado ang ginawang krimen. Base nga daw sa saksak ng biktima ay sinaksak ito mula sa kaniyang likuran. At may mga palatandaan rin na ito ay nanlaban.
“Kasama ‘yan sa ating mga assumptions, na ito ay pinagplanuhan dahil sa pagsasagawa naman ng isang krimen ay aside from the crime of passion, pinagpaplanuhan. Hindi lang ito ‘yung biglang outburst.”
Ito ang pahayag ni Calamba police chief Police Lieutenant Colonel Gene Licud.
Pero ayon sa girlfriend ng biktima ay wala daw itong natatandaan at alam na nakakaaway ni Jang.
“Sabi ng iba parang planado kasi kung iisipin ko paano magiging planado, wala naman akong naalala na may nakaaway siya before at ngayon.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Amatorio.
May mga ini-imbestigahan ng persons of interests ang mga pulis
Sa ngayon, ayon sa mga pulis ay may tinitingnan na silang persons of interests ukol sa maaring gumawa ng brutal na krimen na ito kay Jang. At ang suspek sa likod ng krimen na ito ay maaring kilala daw mismo ng biktima.
“We have some persons of interest, but right now we cannot name names as to the persons of interest because we want to be sure and we want an airtight case against the suspects. It appears na maaaring ito ay kakilala niya.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Licud ng Calamba Police.
Samantal, hustisya naman ang hilig ng ina ni Jang sa nangyari sa kaniyang anak. Sa ngayon ay hindi niya daw matingnan pa ang anak. Dahil masyadong masakit at hindi niya matanggap ang sinapit nito.
Bumuhos din ang pakikiramay kay Jang mula sa LGBT community. Lalo pa na si Jang ay ang founder ng Bi Chapter Piston Club. Ito ay isang online safe space na kung saan bukas para sa mga bisexual car at motorcycle enthusiasts.
Source:
GMA News
Basahin:
Babae na pumanaw habang naghihintay ng bus pauwi, positibo sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!