Janice De Belen bilang single mom: May long period of time na it was really hard

Ibinahagi ni Janice De Belen ang mga karanasan niya bilang single mom sa kaniyang limang anak. Naging challenging daw ito at mahirap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapang na sinagot ni Janice De Belen ang mga katanungan hinggil sa pagiging solo parent niya sa loob ng mahabang panahon.

Janice De Belen on being a solo parent: It was difficult

Naikwento ni Janice De Belen ang ilang karanasan bilang solo parent sa interview ni Karen Davila para sa vlog nito.

Mayroong 5 anak si Janice De Belen. Ang panganay niyang si Luigi ay anak niya kay Aga Muhlach. Habang ang apat na iba pa ay anak naman niya kay John Estrada.

Larawan mula sa Instagram ni Janice De Belen

Ayon sa aktres, 4 years siyang naging solo parent sa anak niyang si Luigi bago nagkaroon ng relasyon kay John Estrada. 10 taon ang naging pagsasama nina John at Janice na nagbunga ng apat na anak. Makalipas ang 10 taong pagsasama ay nagkahiwalay ang dalawa at 23 years umanong naging single mom si Janice. Matapos ito ay nagkaroon ulit siya ng karelasyon for 5 years na nauwi rin sa hiwalayan.

Larawan mula sa Instagram ni Janice De Belen

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saad ng aktres, mas mahirap daw ang maging single mom habang lumalaki ang mga anak.

“Mas mahirap when your children are older. Because when your children are younger, their needs are very simple.When they’re growing up, nandun na ‘yong mga factors na kinatatakutan mo.”

Tulad na lamang daw ng mga bagay tungkol sa mga ayaw niyang ma-involve ang kaniyang mga anak tulad ng drugs at mga bad influences.

Naitanong din kay Janice kung ano ang pinakamahirap sa mga pinagdaanan nito bilang solo parent.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Janice De Belen

Aniya, kay Luigi daw tinutulungan naman siya ni Aga sa mga gastusin dito noon. Pero sa apat na anak ni John Estrada, naging challenging sa kaniya ang pagpapalaki sa mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It was difficult because maybe I’m trying to understand that part. Siguro bata pa rin kasi kami noon. Siguro mahirap intindihin that you’re giving money and hindi mo nakikita paano ginagastos. But you see, I have for kids with me. I have 4 children pero hindi lang naman akin ito e.” “They have needs as they growing up. They go to school, they eat…May long period of time na it was really hard. It was really very difficult between both of us kasi child support, sa court yan e. Inayos ko kaagad yan. And it was very clear to him. Pero it was a rocky road.”

Naging mahirap man financially at emotionally ang pagiging single mom kay Janice kinaya naman niya umano ito dahil sa pinagsama-samang dalangin, tapang, at tibay ng loob.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan