LOOK: Nakakakilig na mga prenup photos nina Jason Abalos at Vickie Rushton!

Alamin din dito ang to-do list bago magdesisyon na pakasalan ang inyong partner.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinakita nina Jason Abalos at Vickie Rushton ang kanilang mga prenup photos bago ang kanilang wedding! Matatandaan na ginulat nila ang kanilang mga fans nang ianunsyo nilang engaged na pala sila.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Silipin ang prenup pictorial nina Jason Abalos at Vickie Rushton
  • Jason Abalos and Vickie Rushton love story
  • To-do list before getting married

Silipin ang prenup pictorial nina Jason Abalos at Vickie Rushton

Wala pang isang linggo nang i-post ng magkarelasyon sina Jason Abalos at fiance nitong si Vickie Marie Rushton sa kanilang mga personal na Instagram accounts ang balitang engaged na pala sila last year. Ngayon naman ay pasabog na inilabas naman ng future husband and wife na ito ang kanilang prenup pictorial nitong June 4.

Isang rustic photoshoot ang kanilang pictorial na ginanap sa Desmond Farm, Pantabangan Nueva Ecija na mismong hometown ni Jason Abalos. Tyinaga nila ang photoshoot mula umaga hanggang gabi upang ma-achieve lamang ang nais nila sa prenup. Ito ay nangyari pa pala noong December 2021 ilang buwan matapos ang secret engagement nila last year.

Sa post ni Jason Abalos, ibinahagi niya ang ilan sa larawan kung saan pareho silang nakadamit pang-wedding na ni Vickie Rushton. Magkikita sa picture ang geniune na saya nila habang magkaholding-hands pa.

"Una sa lahat salamat sa inyong mga pag bati."

"Our pre-nup happened Dec. last year in my hometown in Pantabangan, Nueva Ecija. Here are some of the photos from the first layout. More to come."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa caption ni Jason Abalos.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

Pinaulanan naman ang comment section ng kanyang mga kaibigan sa showbiz at fans ng mga "congratulatory" comments.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa sarili namang post ni Vickie, ibinahagi niya ang marmaing larawan mula sa kanilang photoshoot. Sa isang larawan kung saan sinalubong nila ang bukang-liwayway sinabi niya rito ang tungkol sa kanilang 'new beginning'.

"Another sunrise, another new beginning."

Ayon kay Vickie, 2 AM pa lang ng madaling araw ay gising na sila upang masaktuhan ang sunrise sa Nueva Ecija para lamang makuha ang perfect shot na ito.

"Woke up at 2am for this sunrise shoot. We are beyond grateful to everyone who put a lot of effort and travelled all the way to Nueva Ecija to make this happen."

Sa isang post naman niyang pareho silang nakahiga ni Jason Abalos habang siya ay nakatitig dito sweet na sweet niyang sinabi na,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Forever in your arms, Baba."

Sa huling post niya ng prenup photos nila inamin niya ditong isa sa pinakamagandang nangyari ng taon niya ang engagement nila ni Jason Abalos. Makikita sa larawan na malambing na hinahalikan ni Jason ang noo ni Vickie sa post,

"One of the best things that happened in 2021."

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Matteo Guidicelli congratulates Sarah Geronimo for finishing baking course: “Super proud of you, my love!”

Andi Eigenmann sa tuwing naloloka sa pag-aalaga sa tatlo niyang anak: “I just tell myself, 'ginusto mo 'yan!"

South Korean star Park Shin Hye gives birth to her first child with Choi Tae Joon!

Jason Abalos and Vickie Rushton's love story

Unang nagtagpo ang landas ng aktor na si Jason Abalos at Filipina-British na si Vickie Rushton sa isang event sa Bacolod noong taong 2010. Ilang buwan matapos ang pagliligawan ay naging sila na sa wakas.

Dahil dito rin nakaiwas sa usap-usapan ang dalawa lalo na si Jason Abalos na rumored na nakikipag-date sa isang non-showbiz na babae. Pormal na isinapubliko ng dalawa ang relasyon nila nang makoronahan si Vickie bilang Mutya ng Pilipinas 2011.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Parehong bonding ng dalawa ang mag-travel at mag-work-out, kaya nga tumagal nang halos 10 taon ang kanilang relasyon dahil sa nag-click ang kanilang interest.

Sa pagitan ng kanilang pagsasama hindi maiiwasang masangkot ang dalawa sa iba't ibang isyu. Ang pinaka naging maingay nga diyan ay ang mga chats at videocall 'di umano ni Jason Abalos sa iba't ibang mga babae.

Ngayon ay set na set na ang wedding nina Jason Abalos at Vickie Rushton sa kabila ng ups and downs ng kanilang relationship.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Vickie Rushton

To-do list before getting married

Hindi nga naman talaga basta-basta ang pagpapakasal. Isang matinding pagdedesisyon ito dahil tinatanaw ng bawat couple na pangmatagalan nga naman ang relasyon na papasukin.

Bago magpakasal, maganda na may mga bagay na need i-consider. Inilista namin ang ilan sa to-do list para ready ka na talaga before getting married!

  • Pareho niyong bigyan kahulugan ni partner kung ano ba talaga ang pagpapakasal sa inyo.
  • Try to live in together bago magpasyang magpakasal kung click ba kayong dalawa sa iisang bubong.
  • Discuss the finances, alamin ninyong dalawa kung paano ang usaping pera kung sakaling nagsasama na kayo.
  • Know the status of your health, pisikal, emosyunal, o mental health man 'yan.
  • Planuhin na kaagad ang pagkakaroon ng anak o ang kawalan ng pasya na magkaroon nito upang maiwasan ang unwanted pregnancy.
  • Pag-usapan din ang magiging set-up ng both careers ninyo, sinong magtatrabaho? At may dapat bang huminto?
  • Alamin din kung paano kayo bubukod o kaya saan titira kung sakaling nagsasama na.
  • Parating tanungin ang isa't isa, "handa na nga ba tayo?"

Kasal ang isa sa pinaka magandang mangyayari sa buhay ng tao kaya maganda na tama at sigurado na ang desisyon bago pa man gawin ito.

Sinulat ni

Ange Villanueva