Bumabawi na muli ang family ng singer na si Jaya, matapos nilang masunugan ng bahay dalawang araw na ang nakararaan.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Jaya bumabangon sa pagkasunog ng kanilang bahay: “Now off to finding a new place to call home!”
- Safety tips: How to prevent fire in your household
Jaya at kaniyang family, bumabangon sa trahedya ng pagkasunog ng kanilang bahay
May kasabihan ang mga Pilipino na, “Mas pipiliin na lang naming manakawan kaysa masunugan.”
Kakaibang sakit nga naman ang mawala ang tahanan ng pamilya dahil sa isang trahedya. Lalo na kung dahil sa trahedya na gaya ng sunog. Halos masisimot kasi ang lahat ng inyong pinundar dito. Ang tanging matitira na lang ay mga abo mula sa inyong bahay.
Ganitong-ganito ang naranasan ng singer na si Jaya at kaniyang family dalawang araw na ang lumipas. Nasunog kasi ang tahanang tinitirhan ng kaniyang pamilya sa United States. Nalaman ito ng publiko nang mag-post ang singer sa kaniyang Instagram account. Makikita sa larawan ng kanyang post ang tustadong bahay nila na halos wala na talagang natira dito.
Larawan mula sa Instagram post ni Gary Gotidoc
Sa kabila ng trahedyang naranasan, nagpasalamat pa rin siya sa Panginoon na ligtas ang kanyang pamilya sa kahit ano mang sakit o aksidente mula dito,
“God is so good! Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but GOD IS GOOD!!!”
Sa post naman ng asawa niyang si Gary, ibinahagi nito ang kanilang family picture sa tapat ng kanilang nasunog na bahay sa America. Sinabi niya na maraming memories daw ang kanilang nabuo dito pero kinakailangan na rin nilang humanap ng bagong simula.
“The last time we are ever stepping into this house! We had some pretty fun memories here during our short time. We will never forget all the kind neighbors we had that showed us love and support!”
“It was a fun ride Capitola. Now off to our new adventure and finding a new place to call home!”
Larawan mula sa Instagram post ni Gary Gotidoc
Nagpaabot naman ang ilang artista ng pasasalamat na ligtas ang buong family nila Jaya sa Amerika, tulad nina Zsa Zsa Padilla, Candy Pangilinan, Amy Perez, at Pokwang.
Zsa zsa Padilla: Thank God your family is safe. Will be praying for you, Iyay.
Pokwang: God bless and protect your family miss @jaya
Candy Pangilinan: Prayers offered for you and your family. I thank God all of you are safe.
Amy Perez: Oh my praying for you all Mars @jaya ingat
Safety tips: How to prevent fire in your household
Safety tips: How to prevent fire in your household | Larawan mula sa Pexels
Kaiba sa bagyo, hindi nalalaman ng tao kung kailan na lang biglang aatake and trahedya ng sunog. Maaari itong mangyari anytime sa bahay.
Ang mga akala mo ay simpleng problema sa electricity at pag-iiwan ng kung anumang gamit na maaaring pagmulan ng apoy ay maaaring mauwi sa sunog. Hindi biro ang epektong ibibigay ng sunog sa tahanan dahil uubusin talaga nito ang halos lahat ng gamit.
Kaya nga bago pa man mangyari, mahalagang mayroon nang safety precaution kung paano ito maiiwasan. Ang mga simple and easy steps ay malaking tulong na hindi pagmulan ng apoy. Narito ang ilan sa maaaring gawin:
Safety tips
- Tanggalin ang mga nakasaksak sa plug na hindi ginagamit – Malaking problema sa bahay ang maraming nakasaksak na appliances dahil sa excess electricity flow. Maaari kasing mag-cause ito ng overheating kung sakaling nagsabay-sabay ang paggamit ng kuryente. Mahalagang alisin na lang sa saksak ng mga ito lalo kung hindi ginagamit upang hindi na mag-flow pa ang kuryente.
- Huwag iiwan ang mga apoy – Sa tuwing nagluluto, hindi dapat basta-basta iniiwan ito ng walang nagbabantay. Hindi rin dapat iniiwanan ang mga maliliit na apoy tulad ng kandila dahil maliit lamang ito, maaari na kaagad itong pagmulan ng sunog. Magandang nakabantay ka kaagad dito para kung sakaling may madikitan mang bagay ay handa ka na apulahin kaagad ito.
- Ilayo ang mga bagay na madaling masunog – Maaari ring ilayo na ang mga flammable items tulad ng papel, tissue, o anuman sa mga bagay na naglilikha ng apoy. Ang simpleng hagip kasi ng apoy dito ay maaaring pagmulan ng sunog kaagad.
- Huwag manigarilyo sa loob ng bahay – Maraming bagay sa loob ng sigarilyo na maaring makapagpatuloy ng heat kahit pa akala mo ay napatay mo na ito. Iwasan nang manigarilyo sa loob ng bahay at humanap ng ventilated na area para dito.
- Magkaroon ng fire extinguisher – Para kung sakaling makadaupang-palad man ng sunog, mahalagang mayroong fire extinguisher ang bahay upang mabilis lang na maapula.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!