Jaycee Parker ibinahagi ang kaniyang nararamdaman as first time mom.
Mababasa dito ang sumusunod:
Jaycee Parker as first time mom
Jaycee Parker ibinahagi ang nararamdaman niya ngayong siya ay isa ng ganap na ina. Ayon sa sexy actress, hindi niya maipaliwanag ang feelings niya. Pero nangingibabaw dito ang pagiging blessed at happy sa bagong milestone sa buhay niya, ang pagiging ina.
“I have so much unexplained emotions. I’m feeling blessed, happy, inlove, scared and worried in the same time.”
Ito ang bahagi ng post ni Jaycee Parker sa Instagram kalakip ang larawan ng kambal niyang anak.
Bilang first time mom, si Jaycee hindi daw sigurado kung tama ang ginagawa niya. Kaya naman humihiling siya ng paggabay sa Diyos sa pagpapalaki sa mga anak niya.
“Lord guide me, I hope I’m doing this right, first time magpalaki ng bata, I don’t know if what I’m doing is right or wrong, what to do and what not to do. I’m learning as days go by.”
Ito ang sabi pa ni Jaycee.
Pamilya ni Jaycee Parker
Larawan mula sa Instagram account ni Jaycee Parker
Si Jaycee ay ikinasal sa actor-turned-politician na si Jericho Aguas noong August 2018. Si Jericho ang dating mister ng namayapang aktres na si Isabel Granada. Sila ay may isang anak na nagngangalang Hubert na nasa pangangalaga ni Jaycee at Jericho.
Samantala si Jaycee at Jericho ay winelcome ang kanilang kambal na sina Celeste at Celina nito lamang Marso. Sa isang Instagram post ibinahagi ni Jaycee ang nararamdaman sa pagdating ng kaniyang mga anak sa buhay niya. Sila daw ay tinuturing niyang milagro at pangarap niyang natupad.
“We love you so much our Celeste and Celina… you are God’s gift to us.. your papa and I prayed for you! God gave us a miracle. Dati pangarap ko lang magka anak (biologically) ngayon nasa harap na namin kau! Pag tinitignan ko kayo naiilove ako ng paulit ulit.”
Ito ang sabi pa ni Jaycee na isa ng konsehal ngayon sa Angeles City, Pampanga.
Larawan mula sa Instagram account ni Jaycee Parker
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!