Mainit na naging usap-usapan ngayon sa social media ang isang Magna cum laude graduate nang pumutok ang isyu na plagiarized daw ang kanyang speech sa kanilang graduation ceremony.
Mga mababa sa sa artikulong ito:
- Magna cum laude graduate sa issue ng plagiarized speech: “Hindi ko po intensyon”
Magna cum laude graduate sa issue ng plagiarized speech: “Hindi ko po intensyon”
Emosyunal ang graduation para sa maraming estudyante. Lalong nagiging emosyunal pa ito dahil sa kapwa speech ng estudyante. Kaya talagang hindi malilimutan ang event na ito sa buhay nila.
Sa Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC), ang masaya sanang pagdiriwang ang nagkaroon ng bahid ng akusasyon dahil sa speech ng Magna Cum Laude ng kanilang 37th Commencement Exercise.
Kinilala ang estudyante na si Jayvee Ayen na isang graduate ng Bachelor of Science in Entrepreneurship, ang akusasyon ay ang panggagaya niya raw sa famous line na, “Lang?” sa speech ni Mariyela Mari Hugo. Si Mariyela naman ayEnglish major na Valedectorian sa Batch 2019 ng Far Eastern University (FEU).
Marami ang umalma dahil daw sa halos pagkapareha ng kanilang speech ni Jayvee Ayen. Sa orihinal raw kasi na may-ari ng speech na si Mariyela, dito niya inemphasize ang salitang “lang” kung saan binigyan diin niya ang pagtingin ng iba sa tungkol sa pangmamaliit sa ibang mga kurso. Ganito niya sinimulan ang kanyang speech,
“Lang— the short term for the Filipino word “lamang”, which means just, or only. A word used to express limitations and a lack of something. ‘Yon lang? Yan lang? Ito lang?’ Sounds demotivating but this is the reality that some of us have to face through college.”
“Lang— a shortened Filipino word for “lamang”, which means mere, just, or only. Same words as ‘Yan lang?’ or ‘Ito lang?’, which are commonly used to express dissatisfaction and limitations.
Same words to ‘Ah, entrep ka lang. Diba tinda tinda lang ‘yan?’, ‘Office ad ka lang? Ah, sulat sulat, encode encode lang’, ‘Tourism ka lang. Usher, usherette, taga-smile lang. HM ka lang, diba luto-luto ka lang?”
BASAHIN:
Nursing student na hindi pinaakyat sa graduation, nagsalita na: “My mother is having a hard time”
Ana Roces proud sa kaniyang anak na si Carmela: “May college student na ako!”
Step-by-step Guide on How to Get a Student’s License from LTO
Pahayag ni Jayvee Ayen sa kaniyang speech
“Kay Ma’am Mariyela, I am really sorry. Hindi ko po intensyon na i-plagiarize yung speech niya. Nagkataon lang talaga na same topic yung gusto ko i-address (and) at the same time nagkataon rin na napanood ko ‘yung video niya,”
“Kung baga driven by her impactful speech kaya nagawa kong ma ipasok yung ibang thought sa speech ko without thinking na napa-plagiarize ko na pala yung speech nya”
“Unintentional or accidental plagiarism is still plagiarism (Bowdoin, 2022; Das, 2018; Duke University, n.d.).”
Bukod sa dalawa ay naglabas na rin ng pahayag ang CSPC hinggil sa isyu. Humingi rin sila ng tawag kay Mariyela dahil daw sa ginawang “carefree attitude” ni Jayvee,
“The issue on the Valedictory Address of Mr. Jayvee Ayen has been dragging for days, especially in the social media/virtual world. A world we have to contend with aside from the real/physical one we have. A world that is sometimes more harsh than what we have in the daily grind.”
“With that being said, on behalf of Mr. Jayvee Ayen, we apologize to Ms. Mariyela Mari G. Hugo for the carefree attitude of Mr. Ayen in unintentionally copying the idea and style of her speech without proper attribution.”
Humingi rin sila ng pakiusap na huwag nang magbato ng galit pa kay Jayvee. Ito ay sa kadahilanang magsisimula na ito ng kanyang career matapos grumaduate.
“We knock on the generosity of hearts of everyone to allow this to pass without hatred towards the person as he moves on to start a career in his life as an entrepreneur or whatever path he would wish to take.”
Nag-iwan din sila ng assurance na gagawa sila ng mga tamang hakbang upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.
“We offer a reconciliatory gesture to Ms. Hugo and all others for the gap this issue has created.”
Rest assured that internally, we shall as we always do, within the rules of the College, be making appropriate steps for corrective and formative measures towards Mr. Ayen and in the school in general.”