Pinag-uusapan ngayon sa social media ang graduation na nursing student na si John Marcelino Rosaldo. Ito ay dahil hindi umano siya pinayagan na umakyat sa stage sa graduation ceremony ng kaniyang pinasukang kolehiyo sa La Union.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Statement ng nursing student na hindi nakaakyat sa graduation ceremony
- Pahayag ng paaralan na pinasukan ng nursing student
Nursing student na hindi pinaakyat sa graduation ceremony naglabas ng pahayag
Larawan mula sa Facebook account ni Joy Ortega
Mabilis na naging usap-usapan ngayon sa mga social media ang isyu ni John Marcelino Rosaldo isang nursing student sa Lorma Colleges. Naunang nag-viral ito nang magpost ang kapatid ni John tungkol sa nangyari. Nagsimula raw ang isyu dahil sa miscommunication mula sa paaralan at sa estudyante.
Binahagi ni La Union Provincial Board Member Joy Ortega ang pahayag ng pamilya ni John sa kaniyang Facebook account.
Pagkukwento ng pamilya ni John, hindi raw pinayagan siyang umakyat sa entablado dahil hindi confirmed ang graduation fee na ito sa halagang Php2,750.
Sa pagsasalaysay ni John, June 22, araw bago ang graduation day ay ipinadala niya ang bayad sa pamamagitan ng online payment. Nag-reply daw ang paaralan na kailangan nila ng screenshot ng proof of payment. Pero dahil nasa clinical duty siya at mahina ang signal, maggagabi na nang mai-send niya ito.
Kinabukasan, sa buong akala niyang araw ng kanyang pagtatapos sa eskwelahan ay hinarang niya ng isa sa kanyang clinical instructors .
Pinapapunta raw siya nito sa gilid ng venue kung saan nakakita rin siya ng katulad niyang mga estudyante na hindi nakaakyat sa entablado. Labis-labis daw ang kabang nararamdaman ni John. Dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya hinggil sa pangyayaring ito.
Ang halagang ipinadala pa raw ni John ay para sana sa maintenance sana ng gamutan ng kanyang ina. Kaya labis ang hinanakit nila sa nangyari.
Dahil sa pagputok ng isyu ay naglabas na ng statement ang estudyante kasabay ng pagkukwento sa tunay na nangyari. Sa pahayag ni John, tila nanakawan daw sila ng kanyang pamilya sa isang opportunity na makita siya sa entablado. Sinabi niya ring nagkaroon ng trauma ang kanyang nanay dahil sa nangyari,
Larawan mula sa Facebook account ni Joy Ortega
“I felt robbed of the opportunity to make my family proud to see me up on stage, graduating. My mother is having a hard time moving on from this traumatic experience. She suffered sleepless nights and experienced mental breakdowns. Her health was so severely affected that her blood pressure rose to levels of concern.”
Naniniwala rin daw siya ng hindi deserve ng sinuman ang mapunta sa ganitong sitwasyon.
“I do not believe that I, nor anyone else, deserve to be in this heartbreak situation. It is incredibly traumatizing, devastating, and painful, especially for parents and guardians.”
Base rin sa pagsasalaysay ni John, overwhelmed pa rin daw sila dahil sa nangyari. At hindi pa nila pinapaunlakan ang dialogue na nais ng Lorma Colleges para maayos ang sitwasyon.
“At this moment, the school is trying to reach out by inviting us for a dialogue on campus in order to bring clarity to the situation. However, still overwhelmed with emotion and trauma, I have yet to respond to these invitations. But rest assured, our family acknowledges the apology sent by the college president through e-mail.”
BASAHIN:
Kuya Kim Atienza tinamaan ng COVID, hindi nakapunta sa graduation ng anak
LOOK: Anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, naka-graduate ng college sa Canada!
Teenager, nagdisenyo at nagtahi ng sariling gown para sa graduation ball
Pahayag ng Lorma Colleges
Dahil nga sa naging usap-usapan, naglabas na rin ng opisyal na pahayag president ng Lorma Colleges na si Carol Lynn Macagba, MD. Dito ay humingi kaagad siya ng paumanhin para sa mga taong labis na naapektuhan sa nangyari maging sa pamilya ni John.
“By this time, you may have heard about the circulating news regarding Lorma Colleges spread over social media and other outlets. We have been widely prejudged by the public without their knowing the facts surrounding this story, and for this I am truly sorry for all who are now being affected and distressed by the public reactions.”
Dagdag pa ng paaralan wala raw silang intensyon na makaramdam ang bawat estudyante ng kahihiyan sa kanilang graduation. Sa ngayon daw ay nasa proseso sila ng pagre-review sa kanilang mga polisya upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.
“We would like to affirm our belief in the importance and value of the graduation experience of family and student achievement, and that if there was an experience of humiliation, we would never wish this on any of our students.”
“We will continue to review our processes and policies with regard to graduation ceremonies so that they may even be better next time. I thank all departments for working together so well to make this first face-to-face ceremonies during the pandemic, a meaningful one for our students.”
Larawan mula sa Facebook account ng The Lorma Schools
Nagkaroon naman ng pag-uusap ang pamilya ni John kasama si Joy Ortega. Nangako naman itong tutulong sa board exam ni John at magsusulong ng ordinansa upang hindi na maulit ang insidente.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!