Narito ang 49 jeepney routes in Metro Manila na puwedeng daanan ng mga traditional na jeep sa pagbabalik operasyon nito bukas July 3.
Mga traditional jeepneys balik operasyon na sa 49 jeepney routes sa Metro Manila
Balik operasyon na ang mga traditional public utility jeepneys o PUJ sa Metro Manila simula bukas July 3. Ito ay ayon sa pinaka-latest na pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB. At kahit nasa gitna pa general community quarantine o GCQ ang buong kalunsuran laban sa COVID-19.
Ayon sa ahensiya ito ay bilang pagtugon sa hinaing ng mga commuters na nahihirapang bumiyahe papasok at pauwi sa kanilang trabaho at pupuntahan dahil sa wala o kakulangan sa masakyan. Sagot narin umano ito sa hinaing ng maraming jeepney driver at operator na nawalan ng kabuhayan sa nakalipas na 3 buwan simula ng magpatupad ng lockdown sa buong Metro Manila.
Bagamat, una ng pinayagan pumasada ang mga modern jeepneys hindi umano sapat ang bilang ng mga ito para sa mga Pilipinong mananakay sa buong lungsod. Kaya naman naisipinan ng pagbigyan ng ahensya ang mga traditional jeeps na muling bumayahe sa kalsada.
“Actually, kung talagang pag-uusapan ang mga ruta dito sa Metro Manila, hindi makasasapat ang bilang ng modern jeepneys. Kaya nga naghahanda tayo na pati na rin ‘yung UV Express ay magamit, at saka ‘yung traditional jeepneys.”
Ito ang pahayag ni Department of Transportation senior consultant Engr. Alberto Suansing sa isang panayam.
Mga COVID-19 guidelines na kailangan nilang gawin at sundin
Pero dagdag pa na Suansing, kahit pinayagan ng pumasada ang mga traditional jeeps ay kailangan paring i-prioritize ang kalusugan at mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID-19. Kaya naman may mga panuntunan kailangang sundin ang mga jeepney drivers at operators sa kanilang pagbabalik-pasada.
“Sumusunod tayo sa panuntunan. Bagamat ang mandato ng DOTr is transportasyon, meron pa rin kaming responsibilidad lalo na pagdating sa health issue. Ayaw namin na mag-contribute ang transpotatsyon sa pagdami ng COVID cases.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Suansing.
Nangunguna sa mga ito ay ang safety measures bago sila magbalik-operasyon o bumayahe. Gaya ng pagchecheck ng kanilang body temperature para masigurong sila ay walang sakit. At ang pagsusuot ng masks at gloves habang namamasada.
Kailangan rin istriktong ipatupad ang social distancing sa loob ng jeep. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasakay lamang ng 50% maximum capacity ng pasahero sa kada jeepney.
Dapat ring mag-distribute o magpa-fillup sila ng Passenger Contact Forms sa bawat pasaherong kanilang maisasakay. Ito ay upang makatulong naman na mas mapadali ang contact tracing sa oras na may hinihinalang kaso ng COVID-19.
Multa at penalty sa mga hindi susunod
Ang mga nabanggit na panuntunan na inilatag ng LTFRB ay kailangang sundin ng mga jeepney drivers at operators. Dahil ang paglabag o hindi pagsunod rito ay may kaakibat na penalty na maaring magsimula sa pagbabayad ng multa. Na maaring mauwi rin sa suspension o tuluyang kanselasyon ng kanilang Certificate of Public Convenience o Provisional Authority.
Sa kabila nito ay hindi naman na kailangan pang kumuha ng special permit ng mga PUJ drivers at operators sa kanilang pagbabalik pasada. Ang kakailangan lang nilang i-display sa kanilang PUJ units ay ang QR Code na iisyu ng LTFRB sa kanila. Isang patunay na sila ay “roadworthy” pang pumasada. Kailangan ring sila ay may valid Personal Passenger Insurance Policy, ayon parin sa LTFRB.
Ininanunsyo narin ng ahensya na may dagdag pasahe sa muling pagbabalik operasyon ng mga traditional jeepneys sa Metro Manila.
Base parin sa guidelines na inilabas ng LTFRB sa pagbabalik pasada ay maniningil na ng P9 minimum fare ang mga PUJ sa unang apat na kilometro ng kanilang pag-byahe. Madadagdagan naman ito ng P1.50 sa kada susunod na kilometro.
Samantala, dagdag pa ng ahensya, sa pagbubukas ng 49 jeepney routes in Metro Manila simula July 3 ay may 6,002 units ng PUJ ang magbabalik pasada. Ang mga jeepney routes in Metro Manila na ito ayon sa LTFRB ay ang sumusunod.
Madadaanang jeepney routes in Metro Manila simula July 3
T102 Camarin – Novaliches
T103 Karuhatan – Ugong
T104 Malabon – Monumento via Letre
T105 Malabon (TP) – Navotas (TP)
T107 Monumento – Navotas via Letre
T205 Cubao – Proj. 4 via J.P. Rizal
T206 Cubao – San Juan via N. Domingo
T208 IBP Road – Lupang Pangako via Gravel Pit Road
T209 Marikina – Pasig
T210 Pantranco – Proj. 2 & 3 via Kamuning
T211 Proj. 2 & 3 – Q Mart
T212 Sucat-Highway – Bagumbayan
T213 Ayala – Pateros via JP Rizal
T215 Marikina – Pateros via Pasig
T301 A. Boni – A. Mabini via 10th Ave
T302 A. Bonifacio – D Tuazon/E. Rodriguez Ave.
T303 A. Rivera – Raon via Severino Reyes
T305 Ayala – Mantrade via Pasong Tamo
T306 Ayala – Washington
T309 Balic-Balic – Quiapo via Lepanto
T310 Balic-Balic – Bustillos via G. Tuazon
T311 Balic-Balic – Espana/M. Dela Fuente
T312 Balintawak – Frisco
T313 Balut – Blumentritt
T314 Blumentritt – North Harbor via Divisoria
T316 Boni – Kalentong JRC via Boni Avenue
T317 Dian – Libertad
T318 Divisoria – Gastambide via Morayta
T320 Divisoria – Pier North via Plaza Moriones
T321 Divisoria – Quiapo via Evangelista
T322 Evangelista – Libertad
T323 Divisoria – Velasquez
T324 Guadalupe Market – L. Guinto via Pasig Line
T326 L. Guinto – Sta. Ana
T327 Herbosa/Pritil – P. Guevarra via Tayuman
T328 Kalentong/JRC – P. Victorino via P. Cruz
T330 Divisoria – Sta. Cruz via San Nicolas
T331 Kayamanan C – PRC via Pasong Tamo
T332 L. Guinto – Zobel Roxas via Paco
T333 Lardizabal – Rizal Ave. via M. Dela Fuente
T334 Lealtad – Quiapo (Barbosa) via Lepanto
T335 Kalentong/JRC – Libertad (Mandaluyong) Nueve de Pebrero
T336 Kalentong/JRC – Namayan via Vergara
T338 North Harbor – Quiapo via Evangelista
T340 P. Faura – San Andres
T343 Quezon Ave. – Sta. Mesa Market via Araneta Avenue
T344 Crame – San Juan via Pinaglabanan
T401 Alabang – Sucat via M.L. Quezon
T402 Soldiers Hill (Phase IV) – Talon via Alvarez
Source:
Inquirer, Abante
Basahin:
Paano maiiwasan ang dengue ngayong mayroong COVID-19?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!