Jelai andres at Jon Gutierrez sa korte na maghaharap. Jelai kinasuhan ang asawang si John ng concubinage o pakikiapid at paglabag sa R.A. 9262.
Mababasa sa artikulong ito:
- Update sa relasyon nina Jelai Andres at Jon Gutierrez.
- Ano ang concubinage?
Jelai Andres at Jon Gutierrez sa korte na maghaharap
Matapos ang maiinit na palitan ng maanghang na salita sa social media ng mag-asawang sina Jelai Andres at Jon Gutierrez ay umabot na ito sa sukdulan at naisipan na ni Jelai na sampahan na ng kaso ang asawa niya.
Ang mga sinampang kaso ni Jelai laban kay John, una ay ang paglabag sa R.A. 9292 o Violence Against Women and Children (VAWC) Act. Pangalawa ay ang concubinage o ang pakikiapid ng mister sa ibang babae habang siya ay legal na kasal sa kaniyang misis. Ang concubinage case laban kay Jon ay isinampa ni Jelai nitong lamang June 1 sa Department of Justice sa Quezon City.
Ayon kay Jelai, ito ay kaniyang ginawa dahil sa pakiramdam niya ay sobra-sobra na ang mga ginawa ng mister na si Jon sa kaniya at sa kanilang kasal. Ito lamang ang nakikita niyang paraan para siya ay mabigyan ng hustisya sa lahat ng panlolokong ginawa ng kaniyang mister.
Image from Jelai Andres Facebook account
Jelai: “Huwag i-normalize ang pakikiapid!”
“Sobra na kasi, parang masyado na akong natapak-tapakan, tapos ‘yong kabilang panig pa ‘yong naghahamon at parang matatapang. I realized that we need to learn how to stand up and fight for our rights para makakuha ng justice.”
Ito ang pahayag ni Jelai. Dagdag pa niya ay umaasa siya na sa ganitong paraan ay may mga matutunan ang madla. Partikular na ang mga taong hindi nirerespeto ang kabanalan ng kasal na itinakda ng Diyos.
“Hopefully, people will learn sa mga nangyari, lalo na ‘yong mga taong hindi marunong mag-respect sa sanctity ng marriage.
We all know na ‘yong pakikiapid ay nasa utos ng Diyos na kasalanan talaga siya, at sa batas ng tao ay krimen talaga siya.”
Paghihimok niya sa publiko huwag i-normalize ang pakikiapid. Bilang babae, kailangan niya ng ipaglaban ang kaniyang karapatan. Ito na lamang ang nakikita niyang tanging paraan na susundan naman annulment sa kanilang kasal ni Jon.
Pahayag ni Jelai,
“Huwag nilang i-normalize ang pakikiapid. Ignorance of the law is not an excuse, lalo na kung wala kang pakialam.
‘Yong selfish ka, at handa kang makasira at makasakit ng tao, handa kang makasira sa pamilya ng iba. Kailangan ko lang ipaglaban ang pagkababae ko.
Hindi lang bilang babae, kundi bilang tao po. Sobra na po kasi. Ito na, kailangang kong ipagtanggol ang pagkatao ko.”
Image from Jelai Andres Facebook account
BASAHIN:
REAL TALK: May happy ending ba ang mga kabit?
#AskAtty: Ano ang puwedeng ikaso sa kabit ng asawa ko?
Halos 50% ng parents ay agree na mas okay ang live-in muna bago ang kasal
Ano ang concubinage?
Ayon kay Atty. Ariel Magno, attorney-at-law, ang concubinage sa ilalim ng Article 334 ng Revised Penal Code of the Philippines ay ang kasong maaaring isampa sa isang mister na nambabae o nakikiapid.
Pero para maisampa ang kasong concubinage ay hindi lang basta maaaring sabihin ng misis na may babae ang kaniyang asawa. Ito ay kailangan niyang patunayan sa pamamagtian ng isa sa tatlong kondisyon.
Una, dapat mapatunayan ng misis na ang kaniyang mister ay pinatira ang kaniyang kabit o concubine sa kanilang conjugal property.
Pangalawa, ang kaniyang mister at kabit nito ay nagtatalalik sa ilalim ng scandalous circumstances o nakapagdulot ng eskandalo, Tulad na lamang sa nahuli ng misis sa aktong nakikipagtalik ang mister at ang kabit nito.
Pangatlo, ay ibinahay na ni mister ang kaniyang kabit.
Kaiba ang concubinage sa adultery. Dahil ang adultery ay ang kasong isinasampa sa mga misis na siyang gumawa ng pakikiapid. Kailangan lang mapatunayan ng mister na nakikipagtalik sa iba ang kaniyang misis para ito ay maisampa bilang kaso.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Ano ang parusa ng concubinage?
Pagdating sa pagpaparusa ay magkaiba rin ang ipinapataw sa kaso ng adultery at concubinage.
Ang mga misis na napatunayang guilty sa kasong adultery ay maaaring makulong ng hanggang sa 6 na taon. Ang parehong parusa ay ipapataw rin sa kabit o kalaguyo niyang lalaki.
Habang para naman sa kasong concubinage, ang mister na nangabit ay maaaring makulong ng hanggang sa apat na taon lamang. Ang kaniyang kabit na babae nama’y maaaring palayasin sa tinitirhan nito at ng mister na nakasuhan ng concubinage.
Dito sa Pilipinas, ang adultery at concubinage ay hindi grounds para ma-annul ang kasal ng isang mag-asawa. Ganoon din para magkaroon ng solong kustodiya sa mga anak ang naging biktima ng nasabing mga kaso.
Ito lamang maaring gamitin para makapag-file ng legal separation ang apektadong misis at mister. Ngunit, ang dalawang kaso ay maaaring agad na mapawalang bisa sa oras na makapagpatawaran na ang mag-asawa. Bagama’t kailangang suportahan ito ng kasulatan o affidavit na nagsasalaysay ng kapatawaran.
Kaya paalala sa mga mag-asawa, respetuhin ang kabanalan ng inyong kasal. Hangga’t maari ay iwasang makiapid at pagyabungin pa ang pagmamahalan ninyong mag-asawa.
Source:
PEP, The Asianparent PH, Jeremy Morley International Family Law
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!